Goiter, thyroid nodules, goyter o bosyo: Sanhi, lunas, gamot

Medical Team
is a Medical expert in United States

Itinatayang ang kalahati ng populasyon ay may “thyroid nodules” o pamamaga ng thyroid, at may malaking porsyento dito ang may enlarged na thyroid na tinatawag na goiter (busyo). Ang thyroid nodules ay karaniwan na sa atin. Ang “nodule” ay isang kumpol na maaaring may laman na solid o liquid. Maraming klase ang tinatawag na “benign” at may maliit na porsyento ang cancerous. Kaya kung merong nararamdamang nodule ay dapat agad na magpakonsulta sa doktor. May estimate na isa sa bawat 12 hanggang 15 kababaihan at isa sa bawat 50 kalalakihan ang may thyroid nodule. Higit sa 90 porsyento ng lahat ng thyroid nodules ay hindi cancerous.

Pinagkakamalan na biki (mumps) minsan ang goiter, pero magkaiba sila. Pamamaga ng thyroid gland ang goiter, samantalang infection naman ng parotid gland ang mumps virus. Makikita ang Goiter sa may bandang leeg, habang sa gilid ng muka o may bandang tainga naman makikita ang pamamaga ng biki/mumps.



Sanhi, Causes at Transmission

Ang goiter ay isang abnormal na paglaki ng thyroid gland. Ang thyroid ay isang butterfly-shaped gland na makikita sa leeg sa ibaba lamang ng Adam’s apple. Datapuwat ang goiters ay karaniwang hindi masakit, ang isang malaking goiter ay nakakadulot ng ubo at nagpapahirap sa ating lumunok o huminga. Ang pinaka-ugat ng sanhi ng goiter sa buong mundo ay ang kakulangan ng iodine sa diet. Doon sa America, dahil ang paggamit ng iodized salt ay pangkaraniwan na lamang, ang goiter ay dala ng sobra o kulang na produksyon ng thyroid hormones. Kilalanin pa natin ng mas maigi ang sanhi ng goiter. Ang thyroid gland ay nagpo-produce ng dalawang hormones – ito ay ang thyroxine (T4) at triiodothyronine (T3). Ang mga hormones na ito ay nagci-circulate sa bloodstream at tumutulong maregulate ang metabolism ng katawan. Sila ang nagme-maintain kung paano ang iyong katawan ay gumagamit ng taba at carbohydrates, tumutulong magkontrol ng temperature ng katawan, umaapekto din sa bilis ng tibok ng puso, tumutulong sa pag-regulate ng produksyon ng protein. Ang thyroid gland ay gumagawa rin ng calcitonin – ang hormone na tumutulong magregulate sa dami ng calcium sa dugo. Heto ang mga factors kung saan lumalaki ang thyroid gland. Ito ang mga pinaka-karaniwan. Ang kakulangan ng iodine ay isang sanhi kung bakit lumalaki ang thyroid. Ang iodine ay importante sa pag-produce ng thyroid hormones at madalas na makikita sa tubig alat at baybayin. Lumalaki ang thyroid kung merong kakulangan ng iodine upang mapunan ang kakulangan na makakuha ng maraming iodine. Mayroon ring tinatawag na Grave’s disease na nagpapalaki sa thyroid. Kapag ang thyroid gland ay gumagawa ng sobrang thyroid hormone o hyperthyroidism, inaatake ng sariling mga cells ng katawan ang sobrang thyroid cells. Tulad ng sobrang paggawa ng thyroid hormones, ang kakulangan sa paggawa nito ay nakakalaki rin ng thyroid tulad ng sa Hashimoto’s disease. Ang iba pang sanhi ng paglaki ay ang multinodular goiter, thyroid cancer, pagbubuntis at “inflammation”.Enlargement of the thyroid is due to several factors. One of these is iodine deficiency. Iodine, which is essential for the production of thyroid hormones, is found primarily in sea water and in the soil in coastal areas. In the developing world, people who live inland or at high elevations are often iodine deficient and can develop goiter when the thyroid enlarges in an effort to obtain more iodine. The initial iodine deficiency may be made even worse by a diet high in hormone-inhibiting foods, such as cabbage, broccoli and cauliflower. On the contrary, goiter can sometimes occur when your thyroid gland produces too much thyroid hormone (hyperthyroidism) such as in the case of Graves' disease wherein the antibodies produced by the immune system mistakenly attack your thyroid gland, causing it to produce excess thyroxine. This overstimulation causes the thyroid to enlarge.



Sintomas / Symptoms

Hindi lahat ng goiter ay may dalang sintomas. Subalit kung meron itong pinapakita, ang ilan sa ito ay ang: visible na swelling sa leeg, parang masikip na pakiramdam sa lalamunan, pag-ubo, pamamanas ng boses, hirap sa paglunok at hirap sa paghinga. Ang iba pang sintomas ay palpitations, insomnia, pagbaba ng timbang, hindi mapakali, tremors. Ito ang mga sintomas ng hyperthyroidism. Sa hypothyroidism naman, ang mga mararamdaman ay pagbigat ng timbang, madaling pagkapagod at depression.

Goiter is described as an abnormal enlargement of the thyroid gland (a butterfly-shaped gland located at the base of the neck just below the Adam's apple). However, not all goiters show signs and symptoms, but when it does, the patient may experience a visible swelling at the base of the neck that may be particularly obvious when he shaves or she puts on makeup, a tight feeling in the throat, coughing, hoarseness of voice, difficulty swallowing and difficulty breathing.



Lunas o treatment and cures

Ang paglunas sa goiter ay nagde-depende sa laki ng goiter, mga sintomas, at ang sanhi nito. Ang doktor ay maaaring magrekomendang obserbahan muna ang goiter. Maaari rin siyang magbigay ng mga gamot tulad ng levothyroxine na nagsisilbing thyroid hormone replacement. Ito ay para sa hypothyroidism. Para sa pamamaga ng thyroid gland, nagbibigay ang doctor ng aspirin o corticosteroid na gamot para maibsan ang pamamaga. Para sa hyperthyroidism, kailangan ng mga gamot na nagpapa-normal sa hormone levels. Pwede ring dumaan sa operasyon ang may goiter kapag nakakasagabal na sa iyong pamumuhay ang goiter. At pwede ring sumailalim sa radioactive iodine. Ito ay lunas para sa overactive na thyroid gland. Ang radioactive na iodine ay iniinom at umaabot sa thyroid gland sa pamamagitan ng daloy ng dugo, at sinisira nito ang thyroid cells. Ang pamamaraan na ito ay nakakaliit ng goiter, ngunit maaari ring magresulta sa underactive na thyroid gland. Kailangan nito ng kaakibat na hormone replacement para sa susunod na mga taon.

The treatment goal for goiter focuses primarily on achieving normal thyroid hormone levels. Hence, if the root cause of goiter is hypothyroidism, then medical interventions to increase the hormone levels are necessary. This can be achieved by giving thyroid replacement pills to address underactive thyroid and small doses of Lugol's iodine or potassium iodine solution if the goiter is due to a lack of iodine. Moreover, radioactive iodine is beneficial to shrink the gland, especially if the thyroid is producing too much thyroid hormone and in some cases, surgery (thyroidectomy) is needed to remove all or part of the gland.


Home Remedies at Prevention o paano maiwasan

Para maiwasan na lumaki ang thyroid glands, ang mga ito ay maaaring makatulong. Siguraduhing may sapat kang iodine sa katawan. Gumamit ng iodized salt o kumain ng seaweeds. Ang hipon at mga lamang-dagat ay mataas ang iodine content. Ang mga buntis at nagpapasusong mga ina ay mas higit ang kailangan na iodine kumpara sa hindi nagbubuntis na tao. Kapag ang dahilan naman ng goiter ay sobra-sobrang iodine, maaaring limitahan ang pagkain ng matataas ang iodine content na mga pagkain.



About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Doc may bukol po ako sa may panga ko at leeg sabi po kulani daw po pero hanggang ngayon po hindi pa din nawawala lagi naman po ako nag hot compress tatakot po ako.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.