Mga Sanhi ng Pananakit ng Ulo: Bakit masakit ang ulo ko?

Medical Team
is a Medical expert in United States
1. Ang biglaang pagpapahinga matapos ang nakakapagod na gawain ay karaniwang nagiging dahilan ng pananakit ng ulo.

Bakit? Dahil habang nababawasan ang tensyon sa loob ng isang linggo, ang mga antas ng iyong stress hormone ay bumabagsak, at nagdudulot ng mabilis na paglikha ng neurotransmitters (mga kemikal ng utak na tagapagdala ng mensahe). Ang mga ito ay nagpapadala ng mga udyok sa mga ugat na humapit at lumaki, na siyang nagiging sanhi ng pananakit ng ulo.

Paano ito magagamot: Iwasan ang tukso na isiksik ang pagpapahinga o labis na tulog sa katapusan ng linggo. Ang minsanang higit sa walong oras na tulog ay maaaring magdulot ng sakit ng ulo. Maglaan ng ilang oras para sa pagpapahinga sa loob ng linggo ng pagtatrabaho, sa halip na isingit ang lahat ng ito sa weekend.

2. Naipong galit
Kapag ikaw ay nagagalit, ang mga muscle sa likod ng iyong leeg at anit ay naninigas, na sanhi ng pakiramdam na tulad ng paninikip ng goma sa palibot ng iyong ulo. Ito ay isang senyales ng sakit ng ulo dulot ng tensyon.

Paano ito magagamot: Kapag nagsisimula ka nang magalit, huminga nang malalim at mabagal. Huminga gamit ang iyong ilong at ibuga ang hangin sa pamamagitan ng iyong bunganga. Ito ay magpaparelaks sa iyong mga muscle sa ulo at leeg.

3. Masamang postura
Ang masamang postura ay nagdudulot ng tensyon sa itaas na bahagi ng iyong likod, leeg, at mga balikat, na maaaring humantong sa sakit ng ulo. Kadalasan, ang sakit ay nararamdaman sa ibaba ng bungo at minsan ay sumasalimbay sa mukha, laluna sa noo.

Paano ito magagamot: Iwasan ang umupo o tumayo sa iisang pusisyon sa loob ng mahabang panahon. Umupo nang tuwid at suportahan ang ibabang bahagi ng iyong likod. Isaalang-alang ang paggamit ng ispesyal na headset kung ikaw ay gumagamit ng telepono nang mahabang panahon, sapagkat ang paghawak ng handset sa pagitan ng iyong ulo at balikat ay nakakapuwersa ng mga muscle at nagdudulot ng sakit ng ulo.

Anong klaseng sakit ng ulo itong nararamdamang ko ngayon?
Mahalagang malaman mo kung anong klaseng sakit ng ulo ang nagdudulot ng iyong sakit. Kung alam mo ang tipo ng sakit ng ulo na iyong nararanasan, maaari mo itong gamutin nang tama.

Narito ang ilang mga tip na magbibigay ng pangalan sa iyong sakit:
Sakit ng Ulo na Dulot ng Tensyon
Ang mga sakit ng ulo na dulot ng tensyon, na pinakakaraniwan, ay tila may palagiang sakit o presyur sa paligid ng ulo, laluna sa sentido o likod ng ulo at leeg. Hindi ito singlala ng migraine, at karaniwan ay hindi nagdudulot ng pagkahilo o pagsusuka, at madalang na nakakapagpatigil ng mga aktibidad sa araw-araw.

Ang mga over-the-counter na gamot, tulad ng aspirin, ibuprofen, o acetaminophen (Tylenol), ay madalas na sapat upang gamutin ito. Naniniwala ang mga eksperto na ang mga ito ay dulot ng pagliit ng mga muscle sa leeg at anit (kabilang ang pagtugon sa pagod o stress), at posibleng pagbabago sa mga kemikal ng utak.

Mga cluster headache
Ang mga cluster headache, na mas nakakaapekto sa mga lalaki kaysa babae, ay paulit-ulit na sakit ng ulo na nagaganap bilang mga kulumpon o siklo. Ang mga ito ay biglaang lumilitaw at nailalarawan ng matindi, nakakapanghina na sakit sa isang bahagi ng ulo, at sinasamahan ng matubig na mata, pagkabara ng ilong o sipon sa parehong bahagi ng mukha na nananakit.

Sa panahon ng isang sumpong, ang mga taong mayroon nito ay madalas na hindi mapakali at hindi kayang maging komportable; hindi sila komportable na humiga, tulad ng taong mayroong migraine. Ang dahilan ng cluster headache ay hindi pa alam, ngunit maaaring mayroong komponente na genetiko. Walang gamot para dito, ngunit mababawasan ng gamot ang dalas at haba ng mga ito.

Sakit ng ulo dahil sa pamamaga ng sinus
Kapag namamaga ang isang sinus, madalas dahil sa isang impeksyon, maaari itong magdulot ng sakit. Ito ay madalas na nangyayari kasama ang lagnat at maaaring madayagnos sa pamamagitan ng mga sintomas o sa presensya ng nana na makikita sa pamamagitan ng isang fiber-optic scope.

Ang mga sakit ng ulo na dahil sa impeksyon ng sinus ay maaaring gamutin gamit ang antibiotics, ganundin ng antihistamin o decongestant.


Mga rebound na sakit ng ulo
Ang sobrang paggamit ng painkiller para sa sakit ng ulo ay maaaring magdulot ng rebound na sakit ng ulo. Kabilang ang mga over-the-counter na gamot tulad ng aspirin, acetaminophen (Tylenol), o ibuprofen (Motrin, Advil), gayundin ang mga nireresetang gamot, sa may dulot nito.
Ang isang teorya hinggil dito ay ang paglipat ng utak sa isang sabik na estado dahil sa sobra-sobrang gamot, na siyang naghuhudyat ng mas marami pang sakit ng ulo. Dagdag pa, ang mga rebound na sakit ng ulo ay sintomas ng withdrawal habang ang lebel ng gamot ay bumababa sa dugo.

Mga migraine
Ang mga migraine ay maaaring namamana at dinadayagnos gamit ang mga sumusunod na criteria.
• Hindi bababa sa limang episodyo ng sakit ng ulo sa nakaraan
• Tumatagal ng 4-72 oras
• Hindi bababa sa dalawa sa apat na ito: sakit sa iisang bahagi, tumitibok na sakit, katamtaman hanggang matinding sakit, at sakit na humahadlang, napapalala, o pumipigil sa regular na aktibidad.
• Hindi bababa sa isang kaugnay na katangian: pagkahilo at/o pagsusuko, o kung wala ang mga iyon, pagkamapagdamdam sa ilaw at tunog.

Ang isang migraine ay maaaring isalarawan ng aura, tulad ng pagkabaluktok ng paningin o pamamanhid ng kamay. (Nasa 15% hanggang 20% ng mga taong may migraine ay nakakaranas ng mga ito.)

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.