Kasama ng pagtanda ng tao ang mga pisyolohikal at pangkaisipan na mga pagbabago. Sa pag-aalaga ng mga matatanda, kailangang matugunan ng maayos ang mga pagbabagong ito. Ang pamphlet na ito ay naglalayong maibahagi ang iba’t ibang pisyolohikal at pangkaisipang kondisyon ng mga matatanda, pati na rin ang mga pangunahing prinsipyo sa pag-aalaga sa kanila: pasyensya at respeto.
MGA PISYOLOHIKAL NA PAGBABAGO NG MGA MATATANDA
Humihina ang mga pisyolohikal na functions kapag tumatanda ang isang tao. Sa pag-aalaga sa kanila, kailangang maging maingat sa mga pagbabagong ito. Narito ang ilang halimbawa:
Paningin
Nagiging malabo ang paningin ng mga matatanda. Ang ilan sa kanila ay nagkakaroon ng cataract o glaucoma. Bago simulan ang isang eksaminasyon sa kanilang kalusugan, kailangan nilang malaman at masiguradong sila’y handa sa pisyolohikal na aspeto.
Paghipo
Bumababa ang pandama ng mga matatandang pasyente na may diabetes at kulang sa sustansya. Kaya sa pag-aalaga sa kanila, lalo na kung may nararamdamang sakit sanhi ng
Pandinig
Humihina rin ang pandinig ng mga matatanda. Kung kailangang makipag-usap sa kanila ng malakas, dapat iwasan ang pagsigaw.
Balat
Mas manipis ang pang-ilalim ng balat ng mga matatanda kumpara sa mga nakakabata. Nawawalan rin ng elasticity ang kanilang balat sanhi ng dehydration. Sa pag-aaalaga sa kanila, kailangang maging maingat na hindi ma-injure ang kanilang balat. Panatilihing mainit ang kanilang pakiramdam kapag malamig ang panahon.
Endocrine
Madaling hapuin o magkasakit ang mga matatanda dahil sa paghina ng endocrine function ag pagbaba ng metaboliso sa katawan. Maging pasensyoso sa kanila.
Renal (bato)
Dahil sa pagbaba ng function ng renal system, maaaring magkaroon ng problema ang matatanda sa kawalan ng pagpipigil, madalas na pag-ihi, at iba pa. Tulungan sila kung kailangan nilang umihi o magbanyo at, maging pasensyoso sa kanila.
Musculoskeletal
Ang malinaw na pagbabago gaya ng pagiging mahina ay madaling makita sa mga pasyenteng ito. Tulungan sila sa kanilang pagkilos kung kinakailangan. At kung ligtas naman ang kondisyon at nakakakilos naman sila nang sila lang, hayaan lamang sila. Maging pasensyoso sa kanilang mabagal na kilos.
Iba pang pagbabago
Sa pangkahalatan, bumababa ang kilos ng katawan kasabay ng pagtanda. Ganunpaman, hindi ito magkasinghulugan ng mga sakit. Karamihan sa mga matatanda ay nai-enjoy pa rin ang isang mabuting buhay, at ang ilan nama’y nagkakaroon ng sakit sa puso, baga, atay, o sa bituka. Anumang kondisyong pangkalusugan mayroon sila, kailangang mabigyan sila ng karampatang alaga, atensyon, at tulong sa kanilang pangagailangan.
PANGKAISIPANG PAGBABAGO NG MGA MATATANDA
Meron ding mga pangkaisipang pagabago kung tumatanda. Sa pag-aalaga sa kanila, kailangang alagaan din ang kanilang kaisipan.
Kondisyong pangkaisipan
Madaling mapagod ang mga matatanda. Maaaring maging limitado ang kanilang pag-iisip. Maging pasensyoso sa pakikipag-usap sa kanila. Hayaan silang tapusin anuman ang kanilang nais sabihin.
Dignidad/diskriminasyon
Bago magbigay ng alagang pangkalusugan, kailangang maipakita sa kanila ang respeto sa pamamagitan ng pagtanong kung paano nila gustong sila’y tawagin, gaya ng Ginoong, Ginang, Ma’am, Sir. Gayundin, gaano man sila katanda at kung anuman ang kanilang kasarian, ang kanilang privacy ay kailangang maprotektahan at marespeto.
Kamatayan
Maaaring magkaroon ng emosyonal na mga pagbabago ang mga matatanda tungkol sa kamatayan. May ilang pangyayari katulad ng pagkamatay ng asawa o pagkakaroon ng nakakamatay na karamdaman ang naglalagay sa kanila ng pgdadalamhati kabilang na ang: Pagtanggi, Galit, Pagtawad, Depresyon, at Pagtanggap. Sa pakikitungo sa kanila at sa kanilang pamilya, huwag ipag walang bahala ang aspetong ito para sa kanila, dapat magkaroon ng malasakit.
BUOD
Balang araw, lahat ng isa sa atin ay tatanda rin. Sa pag-aalaga sa kanila, magbigay ng respeto gaya ng pagrespeto sa sarili. Tandaan: Pasensya at Respeto ang panguanahing prinsipyo.