6-10 pus cell in semen, my chance po bang mka buntis? Ano po bang mabuting gamot

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

6-10 pus cell in semen, my chance po bang mka buntis? Ano po bang mabuting gamot pra sa pus cell?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Janet Ordiales
is a Kyani Independent Distributor in Kuwait
message me :)
Pat Narita
is in the Philippines Medical History
Hindi ba mabubuntis ang girl kpag meron pus cells in semen?
Dr. Ryan Neal  Salapa
is a Medical expert in the Philippines
Hello,

Kapag may pus cells ang iyong semen nangangahulugan na meron kang impeksyon. Maaring mahirapang makabuntis kapag may suliranin sa semilya ang isang lalaki. Kailangan muna itong malunasan para maging healthy ulit ang sperm mo na makatutulong para ikaw ay makabuntis.

Mainam na magpakonsulta ka sa isang doctor para matest ulit kung meron ka pang pus cells sa sperm at mabigyan ng kaukulang gamot.
Pat Narita
is in the Philippines Medical History
Nung ng pa semen analyses po ako ulit doc ang result ay 34million sperm count motility 92% morphology 93% pus cells 4-12 viscosity, opaque, ok po ba ang result doc maari po ba ako mka buntis?
Dr. Ryan Neal  Salapa
is a Medical expert in the Philippines
Hello,

Opo makakabuntis parin po kayo, pero sa ngayon mas makabubuti na magamot muna ang pus cells sa semen nyo. Kailangan nyo pong bumalik sa doctor nyo para sa gamutan.

Ang madaming semilya ay nangangahulugan nang mas malaking pagkakataong makabuo ng anak. Ang mga sumusunod ay dapat sundin upang magkarooon ng madaming semilya.

1. Kumain ng tama - Upang mapadami ang semilya, siguraduhing kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina at kaunti ang taba. Kumain ng mga patani, mani, at mga gulay. Ang karne, itlog at gatas ay mayaman din sa protina ngunit mayaman din sa taba. Mas mainam na kumain ng mga gulay na madaming protina.

2. Uminom ng maraming tubig – 98% ng semilya ay gawa sa tubig. Ibig sabihin, kapag kulang sa tubig ang lalaki, hindi niya maaabot ang pinakamataas na bilang o dami nang semilya na maaari niyang malikha. Uminom ng 64 onsa ng tubig o katumbas ng 6 na baso ng tubig kada araw. Damihan pa ang pag-inom kung madalas na nagpapawis o nagtatrabaho sa labas. Iwasan ang inuming nakakabawas ng tubig sa katawan gaya ng alak at kape.

3. Maglaan ng sapat na oras - Ang katawan ng lalake ay nakakalikha ng napakaraming semilya sa loob ng 24 hanggang 36 na oras. Pagkatapos ng oras na iyon, gagamitin na lamang muli ng bayag ang mga hindi nagamit na semilya. Ibig sabihin, ang unang pagpapalabas sa isang araw ang siyang may pinakamaraming semilya.

4. Mag-ehersisyo - Ang mga ehersisyong kardiobaskular ay maganda sa sirkulasyon ng dugo sa buong katawan. Ang magandang sirkulasyon ng dugo ay nakakadagdag sa pagpapadami ng semilya. Ang mga ehersisyong nagpapalakas ng kalamnan ay nagpapataas naman ng antas ng testosterone sa katawan. Ang mataas na antas ng testosterone ay nakakadagdag din sa dami ng semilya at ng pagnanasa sa pakikipagtalik.

About the author

Dr. Ryan Neal Salapa

Dr. Salapa is an MHGap trained General practitioner with over 5 years experience treating mental health disorders including anxiety, depression, trauma, psychosis, neurodevelopmental/neurocognitive disorders and many more. He also works as an Occupational Safety and Health Physician and is an expert in this field.
Profession: Psychiatry
Office Address: Makati City
Philippines , Bataan
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.