Hepatitis o sakit sa atay: Sintomas, lunas, gamot, sanhi

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ang Maraming Klase ng Hepatitis


Maraming sakit at kondisyon ang nakakasanhi ng inflammation ng liver (hepatitis), ngunit ilang klase na viruses ang nagdudulot ng hepatitis sa tao. Ang mga virus na nakaprogram na umatake sa liver ay tinatawag na hepatitis viruses. Maraming klase ito at ang ilan ay ang hepatitis A, B, C, D, E at posibleng meron nang hepatitis G ngayon. Ang mga may malaking tsansa na magkaroon ng hepatitis ay iyong mga nagtatrabaho sa mga ospital, mga taong maraming sexual partners, mga intravenous drug abusers, at mga may hemophilia dahil sila iyong mga karaniwang tumatanggap ng blood transfusion. Ngunit bihirang-bihira makakuha ng hepatitis dahil sa blood transfusion. Lahat ng mga hepatitis virus ay nagdudulot ng acute hepatitis o inflammation ng liver sa maliit na panahon lamang. Ang mga hepatitis virus na B at C ang sanhi ng chronic hepatitis. Ang chronic hepatitis ay karaniwang nangangailangan ng lunas para maagapan ang pagkasira ng atay, liver cirrhosis, liver failure at liver cancer.


Hepatitis B can be described as an infection caused by a virus that renders harm to the liver causing acute or long-term effects. Transmission of the virus is through blood or body fluid contact with an afflicted person.


Sanhi at Transmission

Ang hepatitis gaya ng nasabi sa itaas ay ang inflammation ng atay. May mga kondisyon na nakaka-cause ng inflammation ng liver at ilan sa mga ito ay ilang mga gamot, drugs, alcohol, chemicals, at auto-immune diseases. Ang mga hepatitis virus naman ay mga virus na ang atay ang pinaka-target. Ang mga pinaka-common na hepatitis virus ay hepatitis A, B, at C. Ang hepatitis virus ay nag-rereplicate o nagpaparami sa atay. Ang mga newly-produced na virus ay ne-rerelease sa dugo at maaaring mapunta sa ibang mga parte ng katawan at organs o sa mga ibang taong na-expose sa infected na dugo. Maraming ginagampanang gawain ang atay para sa katawan. Ilan sa mga ito ay ang pag-purify sa dugo mula sa mga harmful na chemicals, nagpo-produce ito ng importanteng mga substances at protein para sa kalusugan, nag-iimbak ito ng sugar, fats at vitamins, at tumutulong mag-form ng chemicals into larger ones o mula larger to smaller ones. Kapag ang liver ay inflamed, hindi nito nagagampanang maigi ang mga gawain kaya naman lumalabas ang mga sintomas ng hepatitis. May ibat-ibang klase ng hepatitis virus na pawang umaatake sa atay at nag-iiba-iba lamang ang pamamaraan ng pagkakuha nito. Ang hepatitis A ay isang nakakahawang klase ng hepatitis na dala ng hepatitis A virus. Ito ay nakukuha sa maruming tubig, pagkain, o infected individual. Ang hepatitis B ay dala naman ng hepatitis B virus at mas seryosong klase ng hepatitis dahil maaari itong maka-cause ng liver failure, cancer, o cirrhosis ng atay. Ito ay nakukuha mula sa dugo o mga iba pang body fluids ng infected na tao. Ang hepatitis C naman na dala ng hepatitis C virus ay isa ring seryosong klase ng hepatitis na napapasa sa pamamagitan ng contact sa kontaminadong dugo – karaniwan na ang infected needles na ginagamit sa illegal drug use.


The Hepatitis B virus is the causative agent of Hepatitis B. Coming in contact with the blood, bodily fluids or semen of an infected person increases your chance of getting Hepatitis B. The Hepatitis B virus targets the liver causing cirrhosis, failure, or cancer of the said organ and eventually, death.


Sintomas

Ang mga sintomas ng Hepatitis A ay bumibilang pa ng mga linggo bago lumabas. Ito ay ang: madaling mapagod, pagsusuka, pagsakit ng tiyan lalo na iyong parte kung saan malapit ang atay, walang ganang kumain, mababang lagnat, maitim na kulay ng ihi, paninilaw ng mata at balat. Ang mga sintomas ng hepatitis A ay tumatagal ng hindi bababa sa dalawang buwan hanggang anim na buwan. Ang mga sintomas naman ng hepatitis B at C ay pareho rin sa hepatitis A.


The incubation period for Hepatitis B infection ranges from one to four months. The signs and symptoms include abdominal pain, change in urine color to a dark one, fever, jaundice or the yellowing of the sclera of the eyes and the skin, pain at the joints, loss of appetite, gastrointestinal symptoms like nausea and vomiting and fatigue. For some people, no manifestations yet appear in the early stage of the disease.




Lunas at gamot

Ang pagkakaroon ng hepatitis ay hindi agad nangangahulugan na kailangan na ng treatment. Ang doktor ay maaaring magrekomenda ng mga follow-up blood tests upang mamonitor kung merong liver problems. Ngunit meron ring antiviral medications na pwedeng inumin upang mawala ang virus sa katawan. Ang mga anti-viral medications ay nakakadulot ng depression at flu-like na mga sintomas tulad ng madaling pagkapuyat, lagnat at sakit ng ulo. Ang ibang side effects ay napakalubha na minsan ay tinitigil o pinapaliban muna ang pag-inom ng anti-viral. Ang isa pang pwedeng lunas sa hepatitis ay ang liver transplant.


For the time being, there is no treatment yet for Hepatitis B. Management of the disease aims at the response to the symptoms like continuing comfort and maintaining adequate nutrition and preventing dehydration. For the Hepatitis B that progressed to liver cancer, surgery and chemotherapy provides prolonged life to the patients. Since 1982, a vaccine was developed to prevent Hepatitis B which is the strength in Hepatitis B prevention.


Home Remedies at Prevention o paano maiwasan

Kapag ikaw ay nadiagnose ng hepatits, ang doctor ay maaaring mag-suggest sa iyo ng mga pagbabago sa pamumuhay upang mas humaba pa ang buhay at maprotektahan rin ang ibang tao. Ito ay ang pagtigil sa pag-inom ng alcohol. Makakatulong ang pagtigil dahil ang alcohol ay nakakabilis sa pag-progress ng liver disease. Iwasan rin ang mga medikasyon na maaaring makasira sa atay. At tulungan ang sarili na hindi makahawa sa iba. Takpan ang mga sugat, huwag magshare ng toothbrush, huwag mag-donate ng dugo. Kung ma-oospital ay ipagbigay-alam sa staff na meron kang hepatitis.



About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ano ang pinagkaiba ng hepatitis A sa hepatitis B, C, D, at E?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Hepatitis ang general term para sa pamamaga (swelling) ng atay. Merong limang klase ng hepatitis virus – A, B, C, D at E. Ang hepatitis B, C at D ay maaaring lumubha at maging chronic infections na umaabot ng mahigit anim na buwan at nagreresulta sa pangmatagalang problema sa atay. Ang hepatitis A, B, C, D, at E ay mga virus na parehong umaatake at sumisira sa atay. Ang hepatitis A at E ay karaniwang nakikita sa dumi ng infected na tao. Kadalasang nakukuha ang hepatitis A at E kapag nagkaroon ng close personal contact sa taong infected nito o kaya ay ang pagkain o pag-inom ng contaminated na pagkain o tubig. Ilang klase ng shellfish (e.g. lukan, talaba at kabibi), at mga pagkaing nahugasan ng contaminated na tubig ay pwedeng magdala ng virus. Ang hepatitis B, C at D ay nakukuha kapag nakapasok sa iyong bloodstream ang dugo ng isang taong may sakit nito. Maaari ring makuha ang hepatitis B sa pamamagitan ng contact sa semen o ibang lusaw sa katawan ng infected na tao. Ang hepatitis D ay isang hindi ganap na virus, ibig sabihin, kailangan mo munang magkaroon ng hepatitis B bago ka magkaroon ng hepatitis D. Halos isa lang sa dalawampung tao ang may hepatitis B na may hepatitis D. Ang hepatitis B, C, at D ay nagdudulot ng pangmatagalang problema sa atay, samantalang maikling panahon lang nagtatagal ang hepatitis A at E na gumagaling din kahit hindi gamutin. Mayroong mga vaccines na nakakatulong maprotektahan ka sa hepatitis A at B, pero sa ngayon ay wala pang vaccine para sa hepatitis C, D, o E. Dahil maaring magdulot ng pangmatagalang pagkasira sa atay ang hepatitis B, C at D, mahalagang kumunsulta sa isang infection specialist o hepatologist (espesyalista sa mga sakit sa atay) upang mabigyan ka ng tamang gamot.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Positibo po ang resulta ng test ko sa hepatitis B. Ano po ang ibig sabihin nito?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Marami ang klase ng blood test para matukoy ang hepatitis B. Malalaman ng iba’t ibang test kung acute o chronic ang iyong impeksyon, kung immune ka na sa karagdagang impeksyon, at kung pwede ka bang makahawa sa iba. Kung positibo ka sa hepatitis B, magsasagawa ang iyong doktor ng dagdag na test para malaman kung naapektuhan o nasisira ng virus ang iyong atay. Ang hepatitis B ay natutukoy ng hepatitis B surface antigen (HBsAg) test, isang blood test na naghahanap ng virus sa bloodstream. Ang positive na resulta ay nangangahulugan na meron ka ngang hepatitis B, pero kailangan mo pa ng ibang test para malaman kung bago ka pa lang na-infect (acute hepatitis B) o kung meron kang chronic hepatitis B. Kailangan mo ng karagdagang test para malaman kung gaano kabagsik ang virus at gaano ka ka nakakahawa. Posibleng sumailalim sa test na binibilang ang dami ng virus sa bawat millilitre ng iyong dugo (hepatitis B virus DNA test, kilala din sa tawag na viral load test. Ang ibang mga test ay nalalaman kung immune ka sa hepatitis B. Ito ay dahil baka nagkaroon ka na ng hepatitis B dati at gumaling o dahil sa nagpabakuna ka na. Kapag nagpositibo ka sa active hepatitis B, maaring isailalim ka ulit ng doktor sa liver function test kahit na ilang beses ka ng sumailalim dito sa simula pa lang ng iyong hepatitis B test. Sinusukat ng test na ito ilang enzymes at proteins sa iyong dugo para ma-monitor ng doktor ang pag-unlad ng sakit, halimbawa, kung nasira o namamaga ang iyong atay.
May posibilidad din na imungkahi ng doktor na sumailalim ka sa liver ultrasound scan o biopsy kung saan kukuha ng maliit na sample ng atay na papatingnan sa laboratory para sa anumang sira.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Bakit po walang gamot para sa hepatitis A?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang hepatitis A ay hindi ginagamot dahil isa itong virus na umaalis ng kusa. Ito ay short-term (acute) na impeksyong kadalasan ay kusang umaalis kahit hindi gamutin. Hindi naman ito delikado dahil hindi ito karaniwang nagdudulot ng permanenteng pagkasira sa atay, at aayos din ang iyong pakiramdam sa loob ng ilang linggo. Kung meron kang hepatitis A, ang layunin ng lunas ay bawasan ang anumang nararamdamang pananakit upang masiguradong makakakain ka ng masustansyang pagkain at makakapagpahinga ng maayos. Importanteng uminom ng maraming tubig para maiwasang madehydrate lalo na kung meron kang diarrhea. Maaaring kailanganin mong itigil ang pag-inom ng ilang gamot (prescribed man o over-the-counter gaya ng paracetamol) habang meron kang hepatitis at itigil din ang pag-inom ng alcohol o alak. Ito ay dahil sa hindi maayos na paggana ng atay. Kung hindi ka sigurado kung dapat kang uminom ng gamot, tanungin ang iyong doktor o pharmacist. Kapag nakarecover ka na sa sakit na ito, hindi ka na magkakaroon ulit ng hepatitis A dahil nakabuo na ng immunity ang iyong katawan laban sa virus.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nalaman ng kasamahan ko sa opisina na may hepatitis A sya, e nagshare po kami ng pagkain at nagsasalu-salo madalas, minsan pa nga ata hiniram niya kutsara ko. Hindi rin pa po ako nabakunahan. Ano po gagawin ko? Natatakot po ako baka nahawaan din ako. Salamat po sa sagot
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Magpatingin ka agad sa doctor. Magmumungkahi ang doktor kung alin ang mas mainam gawin sa pagitan ng pagpapabakuna ng hepatitis A o pagpapainject ng human normal immunoglobulin (HNIG).
Mapipigilan ng pagpapabakuna ang hepatitis A kapag naibigay ito sa iyo sa loob ng dalawang linggo mula sa contact. Short-term na proteksyon naman ang dulot ng pagpapa-inject ng HNIG na nagbibigay ng isa hanggang limang buwang proteksyon (depende sa dose). Dahil nagtataglay na ito ng antibodies laban sa hepatitis A, mapoprotektahan ka ng HNIG sa loob lamang ng ilang oras galing pagpapa-inject. Samantala, ang level ng antibodies at ang proteksyon laban sa infection ay matagal mabuo kapag nagpabukuna ka (mahigit-kumulang dalawang linggo). Ito ay dahil sa matagal pa bago makabuo ang katawan ng sarili nitong antibodies laban sa virus. Kahit hindi napipigilan ng HNIG ang pagkakaroon ng hepatitis A, maaari naman nitong bawasan ang bagsik ng sakit. Kung sa tingin mo ay infected ka ng hepatitis A, mahalagang panatilihin ang kalinisan sa katawan, lalo na ang paghuhugas ng kamay para maiwasang mahawaan ang iba.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Meron po akong hepatitis C at buntis ako. Mapapasa po ba sa anak ko ang ito at kelangan ko po bang tigilan ang aking pag breastfeed? pls help po
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kung buntis ka at mayroon kang hepatitis C, mayroong tsansa na ang iyong baby ay magkakaroon din nito. Kakausapin ka ng iyong doktor ukol sa panganib na ito.
Ang sakit na ito ay kadalasang napapasa sa iyong baby kapag ikaw ay nanganak dahil sa posibleng paglipat ng dugo. Kapag nagkaroon ka ng mahirap na panganganak, mas malaki ang tsansa na maimpeksyon ang iyong baby. Maaaring mag test positive ang iyong baby sa hepatitis C antibodies (protein sa dugo na gawa ng katawan para malabanan ang impeksyon). Kapag nawala ang antibodies pagdating ng 12 hanggang 18 buwan, malamang ay nakuha niya ang antibodies sa iyo ngunit hindi nahawaan ng hepatitis virus.
Maaari mo rin mahawaan ang iyong baby kapag meron kang cracked nipples (sugat sa utong) na dumudugo kapag nagpapasuso at merong sugat ang iyong baby sa kanyang bibig. Kaya lang, mababa ang tsansa nito. Ang pagpapa-caesarian ay posibleng makatulong mapababa ang panganib na maipasa ang hepatitis C virus sa iyong baby. Ngunit, marami ding panganib at komplikasyon sa pamamaraang ito.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Habang buhay po ba nakakahawa ang taong may hepatitis b?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kung meron kang hepatitis B, mananatili kang nakakahawa hanggang mayroong virus sa iyong dugo. Depende ito sa taong maysakit. Maaaring ilang linggo lang ito sa taong may acute hepatitis B na tuluyang gumaling, habang panghabangbuhay ito para sa mga may chronic hepatitis B. Ang hepatitis B ay isang nakakahawang sakit at madaling napapasa sa ibang tao sa pamamagitan ng body fluids gaya ng dugo, semen, at vaginal fluid. Kung meron kang chronic hepatitis B, pwede kang maging tagadala ng virus habang-buhay.
Kapag infected ka ng hepatitis B, importanteng subukan na iwasang mahawaan ang ibang tao.
• Huwag makipagsex ng walang proteksyon (gumamit palagi ng condom)
• Huwag magdonate ng dugo
• Huwag magpahiram ng karayom, syringes, pang-ahit o toothbrush (maaaring kontaminado ang mga ito ng virus). Maaaring mabuhay sa labas ng katawan ang hepatitis B virus ng hanggang pitong araw, kaya mabuting itapon ang anumang bagay na maaaring kontaminado ng iyong dugo.
• Tabunan ang anumang sugat ng waterproof dressing.
Ang hepatitis B ay hindi napapasa sa ordinaryong contact tulad ng paghahawak ng kamay at paghahalikan, o paggamit ng parehong tuwalya at mga gamit sa kusina.
Kung meron kang chronic hepatitis B, siguraduhing ang iyong partner o malapit na nakakasalimuha ay nabakunahan para maprotektahan sila laban sa sakit.
Susubaybayan ng doktor ang iyong kondisyon at kung kailangan, ipapakilala ka sa isang infection specialist o hepatologist (espesyalista sa mga sakit sa atay). Ang positibong resulta sa hepatitis B surface antigen ay nangangahulugang meron kang hepatitis B, pero kailangan ang mga karagdagang test para malaman kung gaano kaaktibo ang virus at gaano ka ka nakakahawa.
Marjurie Roaquin
is in the Philippines
yung b.f ko po kasi may sakit sa atay at nahawa po ako sa kanya ng hepa b. pero 2 years palang po kaming mag b.f yung magiging malala po ba agad yung hepa b. ko or posibli pa po ito matanggal? simulang nalaman ko po na may hepa b. ako hindi na po ulet kame nag sex at eto po yung hepatitis profile ko (HBsAg cut-off value 2.0 patient`s count 165.92 remarks reactive, anti-HBs cut off value 10.0 patient`s count 0.01 remarks non-reactive ,ANTI-HCV cut off 0.463 ,ANTI-HAV IgM 0.834) need ko po talaga ng sagot nyo matulungan nyo po sana ako. paalis na po sana ako puntang dubai kaso hindi nga po ako nakapasa dahil sa hepa b. na yan. marami pong salamat sa sagot nyo. Godbless
JEFRIE YCO
is in the Philippines
sir may hepa b po ako pero nalaman ko po yun ngayon lang ... may ma irerekomenada po ba kayong gamot na pwede kong inumin ... salamat po sir
Jerlo Gonzales
is a Production Operator in the Philippines
Meron po akong hepatitis A. Uminom po ako ng paracetamol. Ano pong pwedeng manyari sakin?
Fritzie Baguio
is a janitress in the Philippines
magandang umaga po ako po ay dting ofw at ako po ay nagpamedcal at ang resulta nga po ng aking medcal ay mron po akng hep c.anu ano po ang vitamins n aking iinumin?ako po ba ay makapangibansang pa?umaasa po ako n ako po ay mbigyan nyo ng payo at panahon.maraming salamat po ang god bless po.
Joy Gayo
is in the Philippines
Hi. Doc.binigyan Po ako ng obgyne ko ng Althea pills para..sa polycistic ovary ko. Pero doc. My hepatitis B post ako Ano post syang bing option ko.. O Ibang pills na pwde s may hep. B:)thx. Po
Joy Gayo
is in the Philippines
Ano po pwdeng inumin na pills for birth control..na hindi bawal sa myhepatitis ?
Lyn  Tomas
is in the Philippines
Pls help me po meron po kc akong hepa b,ano po ba ang maganda at pinaka mabilis na lunas dito? Sna po matulungan nyo po aq at natatakot na po aq...
Lyn  Tomas
is in the Philippines
Pks help me po sna...ako po ay my sakit na hepatitis b ano po ba ang magandang gamot na mabisa dto?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Dilaw po yong mata at ihi ko pero po minsan naman po puti yong kulay ng ihi at mata ko sinyalis po ba ito na may hepatitis ako?
Ara Aio
is in the Philippines
Pag me hepatitis a po ba bawal na makipagtalik sa asawa? At mahahawa?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.