Ano mabisang gamot sa fistula bukod sa operation?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano po mabisang gamot po sa fistula, bukod sa operation? Umulit kasi yung fistula na naoperahan na

1 person likes this

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Ryan Neal  Salapa
is a Medical expert in the Philippines
Ano po bang klase ng fistula ang mayroon kayo?

Maraming uri ng fistula at ang pinaka-karaniwan ay ang anorectal na ang connection ay sa anal canal patungo sa skin. Kasunod ng pagkakaroon ng anorectal ay ang abscesses at discharge.


Ang ikalawang uri ay ang urinary fistula. Ito ay maaaring maging dahilan ng urinary tract infection at magkaroon ng connect sa skin o maaaring kahit saan; maaaring sa uterus, vagina, small intestine or abdominal wall. Kadalasang mga babaing nagkaroon ng injury sa panganganak ang nagkakaroon ng urinary fistula.


Ang ikatlo ay ang salivary fistula. Ito ay maaaring maging dahilan upang ang saliva (laway) ay dumaloy sa pisngi sa halip na sa bibig. Blockage of the salivary duct may lead to a salivary fistula.


Ang ikaapat ay ang arteriovenous fistula na maaaring maging dahilan ng arterial o venous insufficiency at madarama ang warm mass sa bahaging iyon.


Sa lahat ng mga kaso ng fistula, ang operasyon (surgery) ang kinakailangan. Gayunman, sa kaso ng anorectal fistula, ito ay may kahirapan lalo na kung ito ay matagal nang nagpapahirap sa pasyente. Sa pamamagitan ng operation maibabalik ang natural connection. May katagalan lamang itong gumaling at kumplikado lalo na sa pagdaan ng dumi.


Maraming dahilan sa pagkakaroon ng fistula. Maaring ito ay congenital subalit mas marami ang nagkakaroon nito dahil sa injury o pagkakasakit.


Ang maipapayo ko sayo sa ngayon ay bumalik sa iyong doctor at magpakonsulta. kailangan nya kasing macheck ulit ang fistula mo at sya rin ang makakapagsabi kung kinakailangan mo pa ng isa pang operasyon.
Vin Dangat
is in the Philippines
salamat po sa reply,,fistula in ano po,, nung huling check up di na nila ni recommend na operahan,, kc paulit ulit daw tlaga ang fistula,, sasariwa lng tas malapit sa impeksiyon at uulit na nman,, di din nman daw pde na mhabang pag take ng antibiotic,, kaya puro ointment lng, di nman po nagaling sa ointment.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Katatapos lang po no operation ko sa puwet nagkafistula po ako kasalukuyan po akong nagpapagaling. Ano po ba pwedeng halamang gamot na pwede kong ipanghugas sa sugat ko para mas mapabilis ang paghilom pwede po ba yung dahon na bayabas?salamat po

About the author

Dr. Ryan Neal Salapa

Dr. Salapa is an MHGap trained General practitioner with over 5 years experience treating mental health disorders including anxiety, depression, trauma, psychosis, neurodevelopmental/neurocognitive disorders and many more. He also works as an Occupational Safety and Health Physician and is an expert in this field.
Profession: Psychiatry
Office Address: Makati City
Philippines , Bataan
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.