Nagsusugat nipple ko sa kanang dibdib at kumikirot kaliwang dibdib, Breast cancer sintomas senyales?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Nagsusugat po yung nipple ko sa kanang dibdib at kumikirot po yung kaliwang dibdib ko. Posible po ba na may breast cancer ako? Please help me po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello,

Kamusta ka? Datapuwat ang hindi maipaliwanag na pagsusugat sa dibdib, pamumula, pananakit at paglaki (assymetric growth) ay ilan sa mga senyales at simptomas ng breast ca, hindi ito ispesipikong nagtuturo na ikaw ay may breast ca. Ang definitive o iyong specific na diagnosis para sa breast ca ay biopsy lamang. At ito ay magagawa lamang ng iyong doctor katuwang ng isang pathologist.

Ang pagsusugat ng nipples ay maaring dahil sa trauma o iyong panlabas na pwersang tumatama mismo sa dibdib. Halimbawa kung nakamot ito, nairritate etc. Ang pamamaga ay maaring sa impeksyong dulot sa pagkasugat. May mga lymph nodes tayo sa katawan na tumutulong sa paglaban sa impeksyon. Kadalasan kapag may sugat ang suso, naninigas ang mga lymph node at namamaga na siyang nagdudulot ng pagkirot. Madaming explanasyon ang pananakit ng suso.

ang cancer ay maari natin isipin kung may bukol, hindi maipaliwanag na paglaki ng bukol, pamumula, pagdurugo (bloody nipple dishcarge), pagsusugat at hindi maipaliwanag na pangangati.

Nakikita kong dapat mong ipatingin ang iyong kundisyon para sa karagdagang test. Huwag mo dapat itong ipagwalang bahala dahil minsan 2-3 simptomas lamang sa mga nabanggit ay nagtuturo sa breast ca. Ngunit gaya ng nasabi ko, madaming explanasyong ang pangigirot ng dibdib at pati na rin iyong pagsusugat. Mas mabuti nang malaman ng mas maaga kesa pag huli na ang lahat kaya magpatingin na sa iyong doctor. Ang breast oncologist or pathologist ang gumagawa nyan pero karamihan naming mga duktor ay nagsasagawa ng biopsy at pinapadala sa laboratory para sa pathologic testing.
balitaan mo ako.

/docjie

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.