Shingles o Herpes Zoster: Ano kumikirot na pantal sa balat, mukha, paa?

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ang Shingles o tinatawag ring Herpes zoster ay isang masakit na pantal sa balat. Ito ay dulot ng pagka-gising ulit ng varicella virus, ang parehong virus na nagsasanhi ng chickenpox o bulutong. Ang mga nakatatanda at mga taong mahihina ang resistensya ay mas mataas ang tsansang magka-shingles. Ito ay maaari ring may kaakibat na sintomas tulad ng sakit ng ulo, lagnat, pakiramdam ng nasusuka, at pananakit ng kalamnan. Madaling natutukoy ng mga doktor ang pantal sa iyong balat at kung ito ba ay shingles sa pamamagitan lamang ng anyo ng mga pantal. Ito ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng antiviral na mga gamot. Matagumpay ang paggamot sa shingles ngunit may ibang nakakaranas ng komplikasyon. Ang pinaka-karaniwan ay ang “postherpetic neuralgia” na nangangahulugan ng patuloy na pananakit ng mga ugat matapos mawala ang mga pantal o “rash”. Mayroong mga bakuna para maiwasan ang shingles.


Ano ba ang shingles?


Ang shingles ay isang sakit na nilalarawan ng masakit, namamaltos, at nag-aapoy sa pakiramda na pantal (rash) sa balat na umaapekto sa isang gilid lamang ng katawan partikular na ang mukha at mga paa. Itinatayang may mahigit kumulang isang milyon na kaso ng shingles kada taon sa Amerika at isa sa bawat tatlong tao ay nagkaka-shingles sa kanyang boung buhay. Datapuwat marami sa nagkaka-shingles ay isang beses lamang sa kanilang buhay nagkakaroon nito, may ibang nakakaranas ng shingles ng paulit-ulit. Ito ay mas karaniwan sa mga matatanda at mayroong mahinang resistensya. Ang pantal o “rash” ng shingles ay nagsisimula bilang nag-aapoy, makirot, at nangangating pantal. Makalipas ang ilang araw, ang pantal ay nagpapakita bilang “stripe” o “band-like” na pattern na sumusubaybay sa direksyon ng ugat na tinatawag na “dermatome” – na umaapekto lamang sa isang parte ng katawan at hindi tumatawid sa kabilang dako ng katawan. Ang “blisters” o pantal ay lumalabas at kahalintulad sa chickenpox. Ito rin ay pumuputok at dahan-dahang tumutuyo at nagka-crust. Mahahawaan ng taong may shingles ang mga hindi pa nagkaka-chicken pox o bulutong dati, pero hindi mahahawaan ng shingles ang ibang tao.




Ano ang Sanhi ng shingles?


Ang shingles ay dala ng muling pagka-aktibo ng varicella zoster virus, ang siya ring virus na nagdadala ng chickenpox. Iyon lamang nagkaroon ng chickenpox at tumanggap ng bakuna ng varicella ang nagkakaroon nito sa ibang pagkakataon sa buhay. Ang unang kontak natin sa varicella virus ay yung panahon na nagkaroon tayo ng chickenpox sa ating kabataan. Matapos tayong gumaling sa chickenpox, ang varicella virus ay namamalagi sa katawan sa mga ugat-ugat nang hindi namiminsala sa ating katawan. Wala kang mararamdaman sa inaktibo na panahon na ito ng varicella. Subalit para sa ibang indibiduwal, sa hindi matukoy na dahilan, narere-activate ang virus at naglalakbay ito sa direksyon ng mga ugat at nagsasanhi ng shingles. Ang lumalabas na kaukulang mga pantal ay nagbibigay sa atin ng ideya kung saang parte ng mga ugat sa ating katawan ang apektado.

Shingles is an infection of a nerve area caused by the varicella zoster virus. It occurs after a person acquired chickenpox wherein the virus particles remain inactive in the nerve roots next to the spinal cord. These virus particles do no harm there, and cause no symptoms. For reasons that are not clear, the virus may begin to multiply again (reactivate) which often occurs years later. The virus may be reactivated by certain triggering factors such as stress, illness and weakened or ageing immune system.


Ano Sintomas ng herpes zoster?


Ang shingles ay karaniwang nagsisimula bilang nag-aapoy, nangangati o kumikirot na pantal. Kung minsan, ang sakit na dulot nito ay napaka-sakit na ang may sakit ay sobrang nagiging sensitibo sa kahit ano mang stimulus. Mayroon ring mga paminsan-minsan lamang na pagkakataon na hindi nagkakaroon ng pantal ang may shingles. Sa kadalasan, ang may sakit ay nakakaranas ng mga sintomas na ito: sakit ng ulo, lagnat at panginginig, pamumuyat, pakiramdam na nasusuka, pananakit ng katawan, pamamaga ng glandula. Matapos ang ilang araw na hindi maganda ang pakiramdam mo sa iyong balat, saka lalabas ang pantal ng shingles. Ito ay nagsisimula bilang maliliit na grupo ng pantal na nagiging maliliit na paltos o “blisters”. Ang mga paltos ay may tubig na laman, pumuputok at tumutuyo. Ang mga tuyong paltos ay karaniwang nahuhulog pagkatapos ng ilang lingo at nawawala ang pantal nang mga apat na linggo.

Herpes zoster, commonly called shingles, is an infectious disease common in older adults and among people who have a weak immune system. Symptoms of shingles appear in different stages. The initial symptoms associated with shingles are headache and sensitivity to light. You may also feel like you have the flu, but not have a fever. At the latter part of the disease, the patient may experience itching, tingling, or pain in a certain area where a band, strip, or small area of rash may appear a few days later. The rash turns into clusters of blisters. The blisters fill with fluid and then crust over. It takes 2 to 4 weeks for the blisters to heal, and they may leave scars. Some people only get a mild rash. And some do not get a rash at all.




Ano ang paggamot at lunas?


Ang layunin sa paggamot sa shingles ay ang sugpuin ang mga epekto ng virus at pati na rin ang pagbawas sa sakit na nararamdaman. Maraming mga medikasyon ang pwedeng inumin ngunit kailangan muna ng payo ng doktor bago ito simulan. Maraming klase rin ng shingles ang nagagamot lamang sa bahay. Para sa ibang mga sitwasyon, ang mga taong mahina ang resintensya at malubha ang mga sintomas ay kailangang dalhin sa hospital. May mga “antiviral medications” na ginagamit laban sa varicella zoster virus. Ang mga gamot na ito ay tumutulong upang paikliin ang haba ng araw ng pagkakasakit ng shingles. Binabawasan rin nito ang paglubha ng sintomas. Ang mga anti-viral ay pinaka-epektibo kung sila ay sinimulang inumin sa loob ng 72 na oras na nagsimulang lumabas ang mga pantal. Ang mga gamot na ito ay ang acyclovir (Zovirax), famciclovir (Famvir), valacyclovir (Valtrex). Sa ilang mga sitwasyon, maaaring magbigay ng antivirals sa pamamagitan ng “intravenous”. Ang mga medikasyon naman upang maibsan ang sakit ay ang acetaminophen at ibuprofen. Para sa ibang may mas grabeng sakit na nararamdaman, maaaring kailanganin ang pagbibigay ng “opioid pain medication”. Para naman mabawasan ang nararamdamang pangangati, pwedeng uminom ng diphenhydramine (Benadryl).

Shingles is caused by a virus. Hence, it is self-limiting and disappears after a certain period of time. However, in some cases, the patient may also undergo antiviral therapy. Some home remedies and natural treatments may also be beneficial to manage the symptoms of shingles, especially the pain. First, taking a cool bath will help ease the pain. Soak in the water for several minutes, and then dry your skin completely. Be sure the water isn’t too cold because your skin will react to water if the temperature is too low, which could lead to more pain. Moreover, a cool compress may also be done instead of cool bath. Wring the water out, and then apply the compress to your rash for several minutes at a time. Do not use ice packs. Lastly, use natural pain relievers. Some creams that contain capsaicin may be useful in reducing pain caused by shingles. Capsaicin is a pepper extract, and it has been used for centuries as a natural pain reliever.




Ano mga Home Remedies o gamot sa bahay at prevention o paano maiwasan?


Ang pag-aalaga sa pantal sa balat ay pwedeng gawin na lamang sa bahay. Mayroong “topical calamine lotion” ang maigi sa pagbawas sa pangangati. Ang mga malalamig na “compress” ay nakakagaan rin sa pakiramdam. Ang dapat tandaan unang-una pa rin ay ang pagiging malinis sa katawan, huwag kamutin ang apektadong balat, at ilayo sa dumi ang mga pantal upang hindi na matabuyan pa ng ibang impeksyon.



About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Maaari po ba mag-swimming kapag may kulebra? Pwede magligo-ligo maski naa koy ugahip?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Hindi, ikaw ay hindi dapat mag-swimming kapag ikaw ay may kulebra. Ito ay naglalagay sa ibang tao sa tsansang makakuha ng virus na maaaring magdulot ng bulutong-tubig kapag hindi pa sila nagkakaroon nito noon. Ang iyong mga pantal ay maaari ring magka-impeksyon.
Ang virus ng kulebra ay nakakalat lamang sa pamamagitan ng direktang kontak sa likido mula sa mga pantal. Ang paliligo ay nagpapataas sa iyong tsansa na makadirektang kontak sa ibang tao at nilalagay sila sa pinsala. Maghintay hanggang ang iyong pantal ay natuyo at nagka-crust bago ka mag-swimming. Huwag makihiram ng tuwalya kapag ikaw ay may shingles.
Kung ikaw ay may shingles, subukang panatilihing malinis at tuyo ang iyong mga pantal. Ito ay nag-iiwas sa iyong mga pantal na magka-impeksyon. Ang paliligo sa dagat o sa swimming pool ay nagtataas sa iyong tsansang magkadaupang-palad sa bacteria. Ito ay maaaring maka-impeksyon sa iyong pantal at nagpapatagal sa paggaling nito.
Huwag rin munang makisali sa mga larong gumagamit ng lakas, tulad ng rugby, kapag ikaw ay may shingles. Maghintay muna hanggang matuyo ang iyong mga pantal at naging mga “scab” o dusdos bago bumalik sa iyong mga karaniwang gawain.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano po ang magagawa ko upang maibsan ang “post-herpetic neuralgia"? Unsa akong mahimo para dili kayo ko mubati ug kasakit gumikan sa “post-herpetic neuralgia”?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Depende kung gaano kalubha ang kirot na iyong nararamdaman, ang iyong doctor ay maaaring maghandog sa iyo ng mga lunas o gamot upang makatulong sa pagbabawas sa hindi magandang pakiramdam.
Ang sakit na dala ng kulebra kung minsan ay nananatili matapos mawala ang iyong mga pantal. Ito ay tinatawag na “post-herpetic neuralgia” (PHN). Ito ay mas karaniwan kapag tumatanda ka na. Umaabot sa may kalahati sa mga taong mas higit sa 50 taon ang edad ang nagkakaroon ng kulebra at maaaring magkaroon ng klase ng PHN.
Para sa karamihan ng mga taong may PHN, ang sakit na iyong nararamdaman ay gumagaan sa mga unang ilang buwan. Subalit, kung minsan, ang kirot ay nananatili nang napakatagal, kung minsan inaabot pa ng mga taon.
Merong mga “over-the-counter pain killers” (tulad ng paracetamol) ang maaaring magpawala sa mga magaan-gaang kirot. Kapag ang iyong kirot na nararamdaman ay mas malubha, ang iyong doctor ay maaari kang resetahan ng mga gamot na karaniwang ginagamit upang malunasan ang mga kondisyon ng “nervous system” o ng mga ugat-ugat sa ating katawan. Kabilang na dito ang gabapentin at pregabalin, na karaniwang mga “anticonvulsants” (karaniwang gamot para sa epilepsy), at “amitryptylin (karaniwang ginagamit upang malunasan ang depresyon). Palaging magtanong sa iyong doctor para sa mga payo at magbasa ng mga impormasyon kasama ng iyong mga gamot.
Ang iyong doctor ay maaaring maghandog sa iyo ng cream para ilapat sa iyong balat. Ang mga creams na ito ay karaniwang naglalaman ng “capsaicin”, na tinatayang nagdudulot ng kabawasan sa kirot na nararamdaman. Maaari ka ring gumamit ng “topical lidocaine ointment”, na merong epektong parang pamamanhid, o kaya’y “lidocaine patch”.
Ang “opioids”, halimbawa ang “codeine at morphine”, kung minsan ay nirereseta rin, datapuwat merong limitadong mga ebidensya pa lamang na nagsasabing sila ay nagpapababa sa kirot na nararamdaman sa PHN. Ang direktang ineksyon ng “corticosteroid” sa loob ng iyong gulugod ay maaaring makatulong sa mga grabeng sakit, subalit ito ay kung minsan lang ginagawa. Ang “corticosteroid” ay isang klase ng gamot na ginagamit upang malunasan ang pamamaga ng parte ng katawan.
Makipag-usap sa iyong doctor para sa mga gamot na nababagay sa iyo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Meron bang bakuna para sa kulebra? Naa bay bakuna sa ugahip?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Oo, merong bakuna para sa varicella zoster virus. Ang bakuna ay makikita sa Britanya para sa mga taong may edad na pitumpo.
Ang kulebra ay nakaka-apekto sa sinuman na nagka-bulutong-tubig na noon, ngunit ito ay mas karaniwan sa mga taong 50 taong gulang pataas. Sa mga klinikal na saliksik, ang bakuna ay pinababa ang tsansa na makakuha ng shingles sa kalahati. Ito rin ay nakakabawas sa kirot ng shingles sa mga taong nakakuha ng shingles matapos mabakunahan.
Ang Joint Committee on Vaccination and Immunisation ay nagrekomenda ng programa para sa bakuna ng kulebra para sa mga taong edad pitumpo sa isang kilalang bansa. Ang programa ay nagsimula noong Setyembre 2013. Ang bakuna ay karaniwang hinahandog kapag ikaw ay umabot na sa edad na pitumpo upang matulungan kang makaiwas sa shingles. Ang programang ito ay meron rin para sa mga taong edad 79 na taon noong Setyember 1, 2013 (mga pinanganak noong Setyembre 1, 1933 to Seytembre 1, 1934) para sa taong 2013 at 2014.
Meron ring bakuna para sa varicella zoster na tumutulong maiwasang magka-bulutong-tubig ang mga taga Britanya. Ito ay nagpo-protekta sa iyo na makuha ang virus kahit pa sa unang beses. Subalit, ito ay nirerekomenda lamang para sa ibang mga tao, tulad ng nagtatrabaho sa mga ospital at iyong mga malimit ang kontak sa ibang mahihina ang resistensya. Halimbawa, sa mga taong merong sakit tulad ng kanser, o tumatanggap ng mga gamot, tulad ng “steroids o chemotherapy”.
John Adam Del Mar
is in the Philippines
Doc Arvin, pano po kung 34 years old palang tapos meron na nitong shingles... Applicable din ba ang mga suggested na paggagamot na nilagay nyo dito?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nakakahawa ba ang shingles o kulebra? Makatakod ba ang ugahip?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang “shingles” o kulebra ay hindi napapasa mula sa isang tao patungo sa isa pa. Subalit ang virus na nakakasanhi ng kulebra (varicella zoster) ay maaaring kumalat mula sa isang may kulebra patungo sa isang tao hindi pa nagkaka-bulutong-tubig (chickenpox) noon. Ito ay dahil ang bulutong-tubig ay dulot ng parehong virus.
Ikaw ay makakakuha lamang ng bulutong-tubig sa taong may kulebra kapag hindi ka pa nagkakabulutong-tubig noon. Sakaling ikaw ay nagka-bulutong-tubig na, ang varicella zoster na virus ay nananatili sa iyong katawan at hindi ka na magkakaroon nito ulit. Hindi ka makakakuha ng kulebra sa taong merong bulutong-tubig, o kaya’y makakuha ng shingles mula sa taong may kulebra.
Ang kulebra ay mas hindi nakakahawa kaysa sa bulutong-tubig. Kapag ikaw ay may kulebra, ang tsansa na maikalat ang virus nito ay maliit lamang basta’t meron lamang takip ang iyong mga pantal. Ito ay dahil ang virus ay kumakalat lamang sa pamamagitan ng direktang kontak sa likido mula sa bulutong. Kaya naman, ang kalinisan sa katawan ay napaka-importante – dapat takpan ang mga apektadong parte nang mabuti kung makakaya. Kapag ikaw ay may kulebra, hindi ka nakakahawa bago lumabas ang mga pantal na may lamang tubig, at hindi ka rin nakakahawa kapag ang iyong pantal ay natutuyo na.
Ariannel Baby1
is in the Philippines
Good Morning! Tanong ko lang po kung nakakaapekto po ba sa unborn baby ang pagkakaroon ng shinges habang ikaw ay buntis. Nagka shingles po ako nun 9 weeks ako sa pgbunbuntis. Worry lng po. Salamat
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Kapag nagkaroon ka ng shingles when pregnant, it’s usually mild and there’s no risk to you or your baby. But early recognition and treatment will minimize any risk or complications. So you should see and talk to your doctor/ob gyn about this.
A B
is in the Philippines
nakakahawa po ba ang shingles sa batang edad 2 anyos at nakapag pabakuna na ng para sa chicken pox?at sa buntis ?
Rj Fabie
is a chef in Taiwan
Ask lng poh mahigit siang linngo n poh namamatal at makati ang ibat iban g part ng katawan q ano poh ba ang mabisang gamot dito? Salamat poh.
Nakakamatay po ba ang shingles?? Meron po shingles ang dad ko naun eehhh... pwde po ba pahiran ng mga ointment??
ANna CArag
is in the Philippines
Hello po tanong ko po may shingles po ang aking nanay wla na pong sugat peklat nlng po peo sobrang masakit po daw ano po kaya pedeng gamot pra mawala ang skit? Hnd po kasi siya nakakatulog sa sobrang sakit pahelp nmn po salamat
Edgardo Mandac
is in the Philippines
Doon po sa nakakaranas ng sobrang sakit dulot ng Kulebra na nais subukan ang ginawa kong pangpahid at maari pong makipag ugnayan sa akin. Nawawala po kaagad ang sakit sa balat sa loob ng ilang minuto pagkapahid. Nasubukan ko na po ito sa ilang kaibigan na may Kulebra at Fibromyalgia. Ito po ay libre, sa ngayon, sa unang 20 katao. (Ito lang po kasi ang bilang ng sample na nagawa ko sa kasalukuyan).
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.