Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang pinakamalaking apektado ng tuberculosis o sakit sa baga. Tinatayang umaabot ng milyon ang mga taong nagkakaroon nito. May mga taong nagpapakita ng simtomas ng sakit. Ang iba naman ay walang iniindang simtomas ngunit nagdadala ng inpeksyon at nakakahawa. Marami ring naitatalang namamatay dito. Isang nakawiwindang na pangyayari ang naganap noong mga nakaraang taon nang maraming bata ang naulila dahil sa pagkamatay ng magulang sa TB. Ito ay talagang nakapanglulumo at nagsisilbing panawagan sa ating lahat upang na iwasan at sugpuin ang TB.
Deskripsyon
Ang Tuberculosis ay isang seryosong sakit na umaapekto sa mga baga. Ito ay nakakahawang sakit na sanhi ng bacteria na tinatawag na mycobacterium tuberculosis. Kung minsan, hindi lamang ang baga ang apektado nito, pati na rin ang ibang parte ng katawan. Noon, sinasabing “kinakain” ng sakit na tuberculosis ang apektado nito at namamatay ang may sakit dahil tuluyan na lamang siyang nanghihina. Ngunit ngayon, meron na itong lunas.
Sanhi at Transmisyon, Causes
Nakakakuha ng TB ang isang tao sa pamamagitan ng paglanghap ng infected na maliliit na particles ng plema. Ito ay napupunta sa ibang tao sa pamamagitan ng pag-ubo, paghatsing, pasigaw at pagdura. Yung mga taong malapit sa nasabing mga umubo o humatsing ay maaaring makalanghap ng bacteria na maaaring mapunta sa baga. Hindi nakukuha ang TB sa pamamagitan ng paghawak sa taong meron nito, o sa kanyang mga kagamitan. Sa madaling salita, ang TB ay natatransmit lamang person-to-person sa pamamagitan ng pagsinhok ng infected air sa mga sandaling may close contact. Ngunit may isang klase ng TB na nakukuha sa pag-inom ng hindi pasteurized na gatas ng baka. Ngunit hindi na uso ang TB na ito ngayon dahil halos ng mga gatas ay pesteurized na. Meron ring klase ng tuberculosis na makikita sa mga kabataan na tinatawag na Primary Complex. Sinasabing hindi masyadong maraming bacteria ang namamahay sa baga ng mga kabataan na may Primary Complex. Kahit konti lamang ang bacteria ay kailangan pa ring uminom ng antibiotic ang bata. Isang indikasyon ang Primary Complex na ang matatanda na kasama ng bata ay maaaring may TB. Kaya naman ang mga magulang ng bata at malalapit na matatanda ay dapat i-screen kung mayroong TB.
Tuberculosis is caused by the bacteria called Mycobacterium tuberculosis which can be transmitted by coughing, sneezing and talking. This is more likely to happen if you're living in close quarters with someone who has TB or if a room isn't well ventilated.Chances of becoming infected are higher if you come from - or travel to - certain countries where TB is common. People who are at greater risk for TB infection are the elderly, homeless people, people with substance use problems, individuals who have spent time in a correctional facility, and people with weakened immune systems from HIV or AIDS (acquired immune deficiency syndrome).
Sintomas at dahilan, Symptoms
Sa nauna nang sinabi, ang TB infection ay karaniwang nagaganap sa itaas na bahagi ng baga. Ngunit ang immune system ng katawan ay pinipigilan ang pagdevelop nito. Kaya ng immune system na gawing hindi aktibo ang TB. Sa kabilang banda, kung hidi kaya ng immune system na pigilan ang TB, ito ay nagrere-produce sa baga at maaaring mapunta sa ibang parte ng katawan. Lilipas pa ang maraming buwan bago lalabas ang simtomas ng TB matapos maging infected. Ang mga karaniwang simtomas nito ang pangangalay at panghihina, paggaan ng timbang, lagnat, at “night sweats” kung tawagin.
Tuberculosis typically affects the lungs, but can also attack other parts of the body, such as the kidney, spine, and brain. Hence, its symptoms vary but usually include a bad cough that lasts 3 weeks or longer, pain in the chest, coughing up blood or sputum (phlegm from deep inside the lungs), weakness or fatigue, weight loss, lack of appetite, chills, fever and sweating at night.
Gamot at Lunas, medication, treatment, cure
Nadadiagnose ang TB sa pamamagitan ng X-ray at positibong sputum para sa TB bacteria. Maraming antibiotic ang kailangang inumin para labanan ang sakit na ito at maraming buwan ang tinatagal ng pag-inom ng gamot. Ang mga antibiotic na ito ay ang Isoniazid, Rifampicin, Pyrazinamide, Ethambutol, Streptomycin. Iniinom sila ng tumatagal ng 2-6 months depende sa severity ng TB. Marami ring side effects ang dala ng mga antibiotic na ito. Maaaring i-orient muna ang umiinom ng anti-TB medications sa mga side effects nito upang hindi mabahala ng husto ang umiinom. Ilan sa mga karaniwang side effects ay pagiging kulay orange ng ihi, pagkabingi, pananakit ng kalamnan, at iba pa.
Tuberculosis is treated depending on the severity. The initial drug therapy includes four medications - isoniazid, rifampin, pyrazinamide, and either ethambutol or streptomycin. These medicines should be taken strictly as prescribed. Directly observed therapy (DOT) is recommended for all patients. Through this, patients on the above regimens can be switched to 2- to 3-times per week dosing after an initial 2 weeks of daily dosing. Patients on twice-weekly dosing must not miss any doses. Prescribe daily therapy for patients on self-administered medication.
In adjunct to pharmacotherapy, symptoms of tuberculosis can also be managed by certain home remedies. One of these is banana which is an excellent source of nutrients and calcium that can help boost a TB patient’s immune system. It also can help alleviate the cough and fever. Aside from this, orange can also be given because it contains several essential minerals and compounds. Moreover, orange juice has a saline action in the lungs, which eases expectorations and protects the body from secondary infections. It can boost the immune system as well.
Home Remedies
Ang mga natural na pamamaraan tulad ng pagkain ng mususustansyang pagkain, pag-inom ng maraming tubig, pagpapahinga ng sapat ay maiging gawin ng taong may TB o sakit sa baga. Ngunit hindi sapat ang mga ito upang labanan at masugpo ang bacteria. Maaaring ang healthy lifestyle ay mas makakadali ng recovery ngunit ang antibiotic pa rin ang kinakailangang sundin ng maigi.