ACID REFLUX o GERD, herbs, ulcer, baking soda, gastric heartburn

Marvin Ferrer
is a Service Planner in Saudi Arabia

May lunas po ba ang ACID REFLUX o GERD? Nakakamatay po ba ang ganitong karamdaman? Ano po ang pwedeng home remedy sa ganitong sakit? Hanggat maari po sana kung maiiwasan ay ayaw kong uminom ng mga gamot..


Topic: Is there a cure or remedy for acid reflux or Gerd? Is this sickness deadly? What is a home remedy for this problem? As much as possible, I do not want to take any drugs

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Nagkakaroon ng acid reflux kapag ang acid na ginagawa ng cells ng ating stomach ay bumabalik paakyat sa tagpuan ng esophagus at stomach (lower esophageal junction). Iilan sa karaniwang sintomas nito ay ang hindi pagkatunaw ng pagkain, sobrang pagdighay, pagsinok at chest pain (o heartburn). Makakatulong ang pagiwas sa mga pagkaing madalas nagiging sanhi ng acid reflux tulad ng mga pagkaing mamantika o may taba, kape, at tsokolate.
Maaaring makatulong din ang pagnguya ng chewing gum paminsan minsan (piliin ang sugar free gum). Nakakapagpalabas ng laway ang pagnguya ng chewing gum, na nakakapanghina sa epekto ng acid. Isa pa, napapadalas ang paglunok natin tuwing ngumunguya ng chewing gum, na maaaring makatulong sa pagtulak ng mga acids palabas ng esophagus.
Hindi naman matatawag na karamdaman ang acid reflux, kapag sa mababang antas at bihira lamang, ngunit kapag ilang beses sa isang linggo ito nangyayari, matuturing na itong GERD o gastroesophageal reflux disease. Sa ganitong sitwasyon, kailangan magpatingin sa doctor.
Marvin Ferrer
is a Service Planner in Saudi Arabia
may parang maliit na bagay na nakabara na sa lalamunan ko..parang kasing laki ng isang butil ng mani..twing pagkatpos ko pong kumain bumabalik po sa lalamunan ko ung ibang butil ng kinain ko..malala na po ba ito?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nagpatingin po ako sa doctor at sabi daw nya ang hindi pagkatunaw ng pagkain sa tiyan ko sanhi ng gastro-esophageal reflux disease (GERD). Ano ang ibig sabihin nito at ano and pwedeng gawin sa ganitong sakit?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Nangyayari ang gastro–esophageal reflux disease (GERD) kapag ang pagkain sa tiyan ay bumabalik pataas sa iyong esophagus (pipe na dinadaanan ng pagkain mula sa bibig papunta sa stomach). Kapag nangyayari ito ang acid sa iyong tiyan ay nagsasanhi ng burning sensation o heartburn. Kung may GERD ang isang tao, maaaring hindi maayos ang pag-function ng kanyang valve na nagsisilbing connection sa gitna ng esophagus at stomach. Ang valve ay normal na magrerelax upang makadaan ang pagkain papunta sa tiyan at magsasara ito pagkatapos lumunok. Kung may GERD ka, ang valve ay hindi magsasara pagkatapos lumunok. Ibig sabihin, ang pagkain sa iyong tiyan ay bumabalik sa iyong esophagus. Wala pang klaro na dahilan kung bakit hindi nagsasara ang valve. Ang mga bagay na pwedeng maging dahilan sa paglala ng GERD ay konektado sa ating mga lifestyles. Ang mga halimbawa nito ay ang pagkain ng madami, pagiging overweight, paninigarilyo, pagkain ng matatabang pagkain, madaming tsokolate, at paginom na alak at kape. Maraming mabibili na gamot over the counter upang maibsan ang mga sintomas ng GERD. Ang mga ito ay ang mga antacids na nagbabalanse ng acid sa iyong tiyan. Ang ibang gamot ay mayroon naman alginate na nagsisilbing harang sa itaas ng iyong tiyan upang maiwasan ang pagreflux. Ugaliing basahin ang leaflet na kasama ng gamot at kung may mga katanungan ay maaaring lapitan ang pharmacist. Pwede ka din magkaroon ng pagbabago sa pamumuhay at sa mga hindi magandang nakasanayan, upang matanggal ang mga sintomas ng GERD. Ilista ang mga kinain na pagkain at tandaan ang mga pagkain na nag-trigger ng iyong heartburn. Iwasan kainin ang mga ito upang maiwasan din ang pagkakaroon ng heartburn. Maaari din naming bawasan ang paginom ng alak, ang paninigarilyo at magbawas ng timbang upang maiwasan ang mga sintomas ng GERD. Makakatulong din ang pagkain ng pa konti-konti at ang pagkain ng hapunan tatlo hanggang apat na oras bago matulog.
Jovie Torres
is a Customer Service Representative in the Philippines
Adviseable po ba ang paginom ng baking soda 3x a week sa may GERD?

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.