Ano ang Zika Virus? Nakakamatay ba ito? Saan ito Nanggaling?Kahulugan

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ano ang Zika Virus? Nakakamatay ba ito? San ito Nanggaling?


Ang Zika Virus ay may kaugnayan sa mga virus tulad ng Dengue, West Nile, at Yellow Fever virus. Ito ay isang lamok na may dalang virus o nalipat na virus, at ang pangunahing lamok na nagdadala ng virus ay tinatawag na Aedes aegypti, kung saan magkaparehong pangalan sa lamok na may dalang dengue. Ayon sa WHO o World Health Organization ang Brazil ay isa sa mga malalaking bansa kung saan maraming mga mamamayan ang naapektuhan ng Zika Virus. Kumakalat din ito sa bansang Amerika.

Ito ay isang bagong virus, ibig sabihin ito ay hindi pa nakikitang sakit sa mga tao ng mga nagdaang taon. Nadiskubre ang sakit na ito sa isang Rhesus kung saan isang klaseng unggoy noong 1947. Ang mga siyentipiko ay talagang naghahanap para sa Yellow Fever virus, ngunit napag-alaman nila na iba't ibang mga virus ang dala ng mga lamok at ang Zika Virus ang isa sa kanila.

Nakakabahala ang sakit na ito lalong lalo na sa mga babaeng buntis, dahil maari magkakaroon sila ng inpeksyon o infection o Microciphaly na ang ibig sabihin ay ang pagiging abnormal na pagliit ng ulo o mas kilala sa Congenital Condition kung saan magiging negatibo ang Brain Development ng sanggol. Sa ngayon wala pang gamot para dito. Oras na magkakaroon ang isang buntis, wala pang maibibigay ng gamot para sa ina at sa sanggol na nasa sinapupunan.

Senyales o Sintomas- Isa sa limang may Zika Virus ay nakakaramdam ng malubhang sintomas. Isa sa mga madalas na senyales ng Zika ay pagkakaroon ng lagnat, Rashes, pagsakit ng kasu-kasuan o pamumula ng mata. Isa sa mga madalas mararamdaman kapag may ZIka ay ang pagsakit ng ulo at pananakit ng mga kalamnan. Mga ilang araw o minsan umaabot ng lingo bago mo mararamdaman ang mga ganitong sintomas. Madalas ding katamtamang sakit lamang ang mararamdaman na umaabot ng linggo. Bihira lamang ang namamatay sa ganitong klaseng sakit. Ang sintomas ng Zika ay pareho sa sakit ng Dengue.

Paggamot- Isa sa paraan kapag may Zika Virus ay uminom ng maraming tubig, uminom ng gamot para sa pagpawi ng lagnat. Mas maiging magpahinga ng mahaba at iwasang uminom ng aspirin at nonsteroidal anti-inflammatory Drugs o NASAIDs na gamot.


Mas makakabuting mag-ingat sa lamok. Panatilihing malinis ang paligid at iwasan ang pag-imbak ng tubig na maaring bahayan ng lamok. Isa ding paraan ay ang paglagay ng screen ng mga bintana upang hindi makapasok ang lamok sa bahay. Magsuot ng mga pajama, long sleeves o mga damit na mahaba sa gabi upang makaiwas sa kagat ng lamok.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.