How to have breast milk? Ano dapat gawin para magkaroon ng gatas sa suso?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano po ang dapat kong gawin upang magkaroon ng gatas yung suso ko ? Tulungan niyo naman po ako


Translation: What should I do to have breastmilk? How can I produce breast milk after giving birth?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Ryan Neal  Salapa
is a Medical expert in the Philippines
Hello,

Sa sandaling lumabas ang iyong anak, at sa susunod 3 hanggang 4 na araw, nagkakaroon ng gatas ang iyong mga suso na tinatawag na colostrum, na mas malapot kaysa sa regular na gatas ng ina. Ang madilaw o mala-kulay gintong unang gatas na ito ay naglalaman ng lahat ng mga sustansyang kinakailangan ng iyong bagong panganak para sa unang ilang araw.

Karaniwan, ang gatas sa suso ay sapat sa pangangailangan ng bata. Kapag inubos ito ng bata, gagawa uli ang suso ng mas marami. Kapag hindi naubos ng bata, konti lang ang gagawing gatas. Pero kapag nagkasakit ang bata at tumigilsa pagsuso.tumitigil din sa paglikha ng gatas ang suso ng ina pagkaraan ng ilang araw. Kaya kapag gumaling na ang bata at muling sususo, at kailangan niya ang sapat na gatas, maaaring wala na siyang masuso.

Para makagawa ng sapat na gatas:
1. Dalasan ang pagpapasuso. Habang mas malakas kang magpasuso, mas maraming gatas ang gagawin mo.
2. Uminon ng sapat na mga likido at damihan ang pagkain. (Pakainin ang sanggol mo sa pamamagitan ng pagpapakain sa sarili.)
3. Dalasan ang pahinga. (Kapag tumutulong ang tatay at pamilya sa mga gawain, mas maaalagaan ng nanay ang kanyang bagong sanggol.)

About the author

Dr. Ryan Neal Salapa

Dr. Salapa is an MHGap trained General practitioner with over 5 years experience treating mental health disorders including anxiety, depression, trauma, psychosis, neurodevelopmental/neurocognitive disorders and many more. He also works as an Occupational Safety and Health Physician and is an expert in this field.
Profession: Psychiatry
Office Address: Makati City
Philippines , Bataan
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.