Sintomas o sign ba ng buntis ang madalas na pag-ihi at hirap dumumi?

Shela Santos
is a Employee in the Philippines

Doc sana matulungan niyo po ako.

Last November 3 po may nangyari po sa amin ng boyfriend ko pero walang intercourse na naganap pero hindi ko alam kung may lumabas sa ari niya nung dumikit ito sa ari ko. Pagkatapos ay hinawakan noya rin ang ari ko. November 6 po ng gabi ay parang kumulo ang tiyan, hindi ko alam kung gutom lang ito. November 7 po hanggang ngayon ay parang nasusuka ako pag kakain, minsan ay hirap din akong dumumi, at may pagkakataon na sumasakit ang ulo at bandang baba ng likod ko, sa ngayon ay parang napapadalas din ang pagihi ko. Posible bang buntis ako kahit na niregla ako noong november 10 hanggang 15? At ito naman ay regular, parang katulad ng dati ang lumabas, sa unang araw ay napakasakit at maraming lumabas hanggang pangalawang araw at nung ikahuli ay paunti unti nalang. Muli, maaari po bang buntis ako? Salamat po. Sana ay matulungan niuo ako.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Ryan Neal  Salapa
is a Medical expert in the Philippines
Hi Shela,

After po ba ng regla nyo noong NOvember 15 ay nagkaroon po ulit kayo ng contact ng bf nyo? Kung hindi na po, malabo pong nabuntis kayo after ng last contact nyo noong NOvember 3 kasi nagkaroon na kayo ng menstruation (November 10-15).

Mas makabubuting magpakonsukta sa isang doctor para masuri kayo at malaman ang sanhi ng mga nararamdaman nyo. Balitaan mo ako Shela sa mga resulta.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Doc, pag niregla ba hindi buntis ?
Dr. Ryan Neal  Salapa
is a Medical expert in the Philippines
yes, pag nagkaroon ng menstruation ang isang babae ibig sabihin hindi sya mabubuntis. Kailan ka nagkaroon at ilang araw ito tumagal?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
nov.12 until 16 yung first 3 days lang po ang malakas the rest spotting nalang ! buntis poba ako nun doc?
Dr. Ryan Neal  Salapa
is a Medical expert in the Philippines
Kung nagtalik kayo at dumaying ang iyong buwanang dalaw, hindi ka buntis.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Doc, normal lang po ba sa may uti ang pag laki ng puson minsan lalo na pag busog at dipa nakkaihi tapos minsan lumiliit rin and nakakaranas rin ng pananakit ng tagiliran bandang likod at madalas na pananakit ng mga muscles at balakang tapos minsan biglang kinakabahan na parang bumibilis ang takbo ngpuso at minsan nasakit ang dibdib at nangangati rin ang bandang tyan ang ibang parte ng katawan.? sana po matulungan nyo ako. salamat po
Dr. Ryan Neal  Salapa
is a Medical expert in the Philippines
Hi,

Ang impeksyon sa ihi o UTI ay isa sa pinakakaraniwang sakit lalo na sa mga kababaihan. Dahil mas maikli ang daluyan ng ihi ng babae, mas mabilis makapasok ang mga mikrobyo para magdulot ng impeksyon sa pantog o bladder at sa daluyan ng ihi o urethra.

Mga sintomas ng UTI o impeksyon sa ihi:
Makirot na pag-ihi (Dysuria)
Balisawsaw
Mabaho at hindi malinaw na ihi
Pananakit sa pantog
Panakakit sa tagiliran
Lagnat

Yes, normal lang na lumaki ang puson kapag hindi pa nakakaihi dahil naiipon ang ihi sa bladder at liliit din ito matapos kang umihi. Kapag nakararanas ng mga sintomas ng UTI mas makabubuting kumonsulta agad sa isang docotr para masuri at mabigyan ng kaukulang lunas.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc, sana po matulungan nyo po ako at nangangamba po ako kung ako ay buntis or hindi. Last June 5 po kasi may regla ako at nakipag talik po ako sa bf ko noong June 7 at June 9 kaya habang nakikipag talik po ako eh may mens ako non. Pagdating ng June 10 hindi na po ako dinatnan ng kahit kaonti. Ngayon po at madalas na po ako ihi ng ihi June 14. Maaari po ba akong buntis? Sana masagot po ang tanong ko para mapanatag po ako thank you and god bless po.

About the author

Dr. Ryan Neal Salapa

Dr. Salapa is an MHGap trained General practitioner with over 5 years experience treating mental health disorders including anxiety, depression, trauma, psychosis, neurodevelopmental/neurocognitive disorders and many more. He also works as an Occupational Safety and Health Physician and is an expert in this field.
Profession: Psychiatry
Office Address: Makati City
Philippines , Bataan
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.