Posible po bang buntis ako pero may period ako? Kaso hindi po siya ganun karami tulad nung last month na nagkaroon ako. Pangalwang araw ko palang po ngayon.
Kasi ganito po, nagkaroon ako nung last month ang pagkakatanda ko lang po natapos ako ng menstruation mga Sept 10 or 11. Nung Sept 9 meron nangyari samin ng bf ko (unprotected sex) and then ngayong October inaansahan ko po na magkakaroon ng period nitong October 9 (pang 28 days), pero hindi pa din ako nagkaroon. Kaya inisip ko mga 32 days ang ibilang ko simula nung natapos ako magmens nung Sept.
Bali dapat po October 13 dapat magkaroon na ako pero wala pa din po kaya po naghintay ako. Pero noong October 16 meron po ulit nanyari samin ng bf ko, ganun po ulit wala pong proteksyon. Posible po bang implantaton bleeding ito? O period na po? O kaya nadelay period ko dahil din po sa pagiba ng oras ng tulog ko? Nung Oct 12 po kasi nagstart kami sa work namin na ang pasok ay 3 pm to 12 am po. Ano po kaya ang maipapayo at msasagot nyo sa tanong ko po? Thank you. Sana po masagot nyo ang katanungan ko.