Chronic Kidney Disease: Walang Sinasanto, Bata man o Matanda
Halos lahat ng edad, bata man o matanda, ay naapektuhan ng Chonic Kidney Disease o CKD. Sa statistics ng United States, dalawamput-anim na milyon na American adults ang may CKD at milyon-milyon pang iba ang may risks na magdevelop nito. Madalas na sanhi ng pagkamatay ng may CKD ay ang sakit sa puso. Ang hypertension ay nagdudulot ng CKD at ang CKD ay nagdudulot ng hypertension. May tinatawag na high risk groups at sila yung may mga diabetes, hypertension at history ng pagmatay mula sa kidney disease ng mga kapamilya.
Sanhi
Ang Chronic Kidney Disease o sakit sa bato ay isang kondisyon kung saan mayroong dahan-dahang pagkawala ng kidney functions. Maraming mga functions ang kidney at kung ito ay tuluyang tumigil ay hindi maganda ang resulta. Kapag ang kidney damage ay grumabe nang grumabe, ang mga wastes sa dugo ay hindi nailalabas at naiimbak sa loob ng katawan na nagbibigay sa tao ng hindi magandang pakiramdam. Dalawa ang tinatayang malaki ang ginagampanan sa pagdevelop ng CKD at ito ay ang hypertension at diabetes. Ang diabetes ay buhat ng mataas na sugar sa dugo na kapag masyadong mataas ay nakakasira ng maraming body organs tulad ng kidneys, puso, pati na rin ang blood vessels, ugat at ugat sa mata. Ang high blood pressure naman ay ang kondisyon kung saan napakataas ng pressure na dumadaloy sa mga blood vessels at nakakasira sa mga maliliit na blood vessels sa kidneys. Ang ibang dahilan ng pagkasira ng kidneys ay infection sa glomerulonephritis na mahalagang parte ng kidney, kidney stones, tumors, pabalik-balik na urinary tract infection at marami pang iba.
Sintomas o senyales
May ibang mga tao na saka lang napapansin ang sintomas ng Chronic Kidney Disease hanggang sa grabe na ito. Subalit ang mga sintomas na ito ay karaniwan at dapat na bigyang pansin. Ito ay ang pagkakaroon ng mahina at mababang enerhiya, pagkakaroon ng problema sa konsentrasyon, walang ganang kumain, may problema sa pagtulog, masakit ang mga muscles kung gabi, may namamagang mga paa, nagpa-puffy ang mga mata lalo na sa umaga, nanunuyo at kumakati ang balat, palagiang pag-ihi lalo na sa gabi. Ang iba pang sintomas ay ang pagsusuka, problema sa pagtulog, pagbabago sa dami ng naiihi, pananakit ng dibdib. Ang mga sintomas ng Chronic Kidney Disease ay karaniwang non-specific o hindi agad natutukoy kung ano ang dahilan. Dahil ang mga kidneys ay highly adaptable at nagkocompensate kung may problema sa katawan, madalas na lumalabas ang grabeng sintomas kapag huli na ang lahat. At ilan sa mga komplikasyon ng sakit na ito ay fluid retention o ang pagkakaroon ng tubig sa ibat-ibang parte ng katawan, pagtaas ng potassium sa dugo na hindi maganda dahil maaaring makaapekto ito sa pagtibok ng puso, magkakaroon ng marurupok na buto, maaaring magkaroon ng anemia, pagkawala ng gana sa pakikipagtalik, damage sa central nervous system, humihina ang panlaban natin sa sakit, at hindi na nalulunasan pang pagkasira ng kidneys.
Lunas at gamot
Kung ikaw ay may malaking puruhan na magkaroon ng Chronic Kidney Disease, mas maiging kumunsulta na sa iyong doctor. Ang doctor ay maaaring magmonitor ng iyong blood pressure at kidney function sa pamamagitan ng urine at blood tests. At depende sa nagdadala ng sanhi sa kidney disease, may ibang mga klase nito na maaaring malunasan. Ngunit ang iba na wala nang lunas ay mga sintomas na lamang ang iniibsan, binabawasan ang komplikasyon, at pinapabagal ang pagdevelop ng sakit. Sa paggamot sa komplikasyon, ito ang binibigyang pansin. Pinapababa ang blood pressure. Ilan sa mga gamot sa mataas na blood pressure ay yung mga Amlodipine, metoprolol, captoril at marami pang iba. Dapat kumunsulta muna sa doctor bago uminom ng mga ito. Isa pang paraan ng pagbawas sa komplikasyon ay pag-inom ng mga gamot para bumaba ang cholesterol level sa dugo. Maaari ring bigyan ng gamot ang pasyente para hindi na grumabe pa ang anemia. Vitamin D supplements para proteksyon sa mga buto. Gamot na source ng protein para hindi masyadong maraming protein wastes sa katawan. Para sa End-Stage Renal Disease, ang mga kinakailangan ay Dialysis at kidney transplant.
Home Remedies at Prevention o paano maiwasan
Ang Chronic Kidney Disease ay nagdedevelop paglipas ng mga taon. Ngunit kung meron na tayong sakit na ito ay dapat nating iwasan ang maaalat at maaasin na mga pagkain, kumain ng pagkain na mababa ang potassium, at dapat limitahan ang pagkain ng karne, legumes at pagkain na matataas ang protein content. Ilan sa mga prevention tips kung wala pang kidney disease ay ang pag-iwas sa sobrang maaalat, matatamis, mamantikang pagkain, pag-eehersisyo, at pagsunod sa healthy na lifestyle. Sa ganitong paraan, kapag inaalagaan natin an gating mga kidneys (bato), tayo ay malayo sa sakit at malaking gastos.