Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD): Pumapatay ng Maraming mga Baga
Ang Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) ay tawag sa grupo ng mga sakit sa baga na nagdudulot ng hindi normal na pagdaloy ng hangin sa loob ng baga at nagpapahirap sa atin sa paghinga. Sa United States, may estimated na 24 na milyon na tao ang pinaniniwalaang may COPD. Sa 24 na milyon, 12 million ang wala pang alam na sila ay may COPD. Ang COPD rin ang ikaapat sa mga nangungunang sakit na dahilan ng pagkamatay ng mga tao sa United States, na tinatayang kumikitil ng 127, 000 na buhay kada taon at ikatlo sa cause of death sa buong mundo. Hindi lang paninigarilyo ang sanhi ng COPD, ang second-hand smoke, mga occupational dust at chemicals, air pollution, at genetic factors ay maaari ring magdala ng COPD. Mas maraming namamatay na babae buhat ng COPD kaysa sa mga lalaki. May apat na libong kabataan ang nagsisimulang manigarilyo kada araw.
Generally, symptoms of chronic obstructive pulmonary disease (COPD) do not appear until significant lung damage has occurred. This condition is also characterized by episodes of remissions and exacerbations. Two common respiratory conditions that fall under COPD are emphysema and chronic bronchitis. For chronic bronchitis, the main symptom is a cough that you have at least three months a year for two consecutive years. Other signs and symptoms of COPD include shortness of breath that worsens during physical activities, wheezing, chest tightness, excess mucus in the lungs, a chronic cough that produces sputum that may be clear, white, yellow or greenish, blueness of the lips or fingernail beds (cyanosis), frequent respiratory infections, lack of energy and unintended weight loss (in later stages).
Sanhi at Transmission
Ang Chronic Obstrcutive Pulonary Disease (COPD) ay nilalarawan ng chronic na obstrsuction sa airways na nagpapahirap sa paglabas ng hangin sa baga. Ang obstruction sa air flow sa kabuuan ay permanente at maaari pang maging mas seryoso pagdaan ng mga taon ngunit mayroong mga gamot upang malunasan ang mga nararamdamang sintomas. May dalawang sakit ang related sa COPD at ito ay ang chronic bronchitis at emphysema. Sa chronic bronchitis, mayroong “inflammation” at pamamaga sa lining ng airways na nagiging sanhi ng kanilang pagkipot at obstruction. Sa emphysema, mayroong permanenteng pagluwag ng airways na nagiging sanhi rin ng pagkipot at obstruction. Iyong may mga asthma, kapag hindi nahahanapan ng lunas tuwing umaatake ang sakit ay maaaring magkaroon ng COPD. Ito ay dahil sa chronic na inflammation na dala nito na maaaring maka-obstruct sa daanan ng hangin at maging permanente nang may bara. Ang COPD ay nagdudulot ng poor gas exchange sa baga na nagreresulta sa mababang oxygen level sa dugo, mataas na carbon dioxide level, at hirap sa paghinga. Ang pinakamalaking sanhi ng COPD ay ang paninigarilyo. Ang iba pang sanhi ay nasabi na sa itaas tulad ng polusyon sa hangin, pabalik-balik na infection sa baga, at isang inherited na sakit na tinatawag na “alpha-1 antitrypsin deficiency.”
The cause of COPD is multi-factorial and smoking is one of the top causes. Cigarette smoke is by the far the most common reason why people get COPD. You can also get it from tobacco products, like cigar and pipe smoke, especially if you breathe in the smoke. Moreover, even if you don't smoke yourself, you can get COPD from living with a smoker and breathing in smoke. On the other hand, air pollution can also lead to COPD. Inhalation of chemical fumes, dust, or toxic substances at work can also cause it. Furthermore, COPD can also be inherited. About 3 in 100 people with COPD have a defect in their DNA, the code that tells your body how to work properly. This defect is called alpha-1 antitrypsin deficiency or AAT deficiency. Your lungs don't have enough of a protein needed to protect them from damage. If you or a family member had serious lung problems - especially at a young age - you're more likely to have AAT deficiency. Lastly, though it's not common, asthma can also lead to COPD, especially if it was left untreated.
Sintomas
Ang mga sintomas ng COPD ay hindi nagiging kapansin-pansin hanggat hindi pa malaki ang damage na naidulot nito sa baga. Subalit kung nagsimula na itong lumabas, ang mga sintomas ay karaniwang gumagrabe sa paglipas ng oras. Para sa chronic bronchitis, ang main na sintomas ay ang ubo na may tagal na tatlong buwan kada taon sa loob ng sunod-sunod na dalawang taon. Ang iba pang mga sintomas ay hirap sa paghinga lalo na kapag may mga gawain, “wheezing” o mga tunog na naririnig sa baga, pagsikip ng dibdib, pag-ubo ng maraming plema sa umaga buhat ng sobra-sobrang plema na namumuo sa baga, ubong hindi mawala-wala na nagpo-produce ng plema na kulay puti, dilaw, o berde, pagiging kulay ube ng mga bibig at kuko, madalas na respiratory infections, mababang enerhiya, wala sa planong paggaan ng timbang.
Lunas, gamot, cures
Kapag nadiagnose kang may COPD, huwag isiping katapusan na ng mundo. Para sa bawat stage ng sakit, may lunas na epektibo sa pagkontrol ng sintomas, pagbaba ng komplikasyon, at magbagong buhay tungo sa malusog na pamumuhay. Ang pinaka-importanteng hakbang sa treatment plan ng may COPD ay ang pagtigil sa paninigarilyo. Ito ang tanging paraan upang hindi na grumabe pa ang sakit. May mga gamot ring maaaring ibigay ang doctor para sa iyo tulad ng bronchodilators. Ang mga gamot na ito ay karaniwang nagpaparelax ng muscles sa mga daanan ng hangin. Mayroon ring inhaled steroids na nagre-reduce ng airway inflammation at mayroon itong mga side effects na kailangang tandaan. Mayroon ring combination inhalers, oral steroids, theophylline, at antibiotics. Ang mga karagdagang therapies na maaaring i-order ng doctor ay oxygen therapy at pulmonary rehabilitation programs tulad ng pagkakaroon ng wastong kaalaman tungkol sa COPD, pag-eehersisyo, nutrition advice at counseling. Pwede ring sumailalim sa operasyon ng lung volume reduction surgery at lung transplant.
Treatment for COPD involves smoking cessation, management of airway inflammation and maintenance of adequate ventilation. This can be achieved by utilizing a multidisciplinary approach. Certain medications such as inhaled corticosteroids and mucolytic agents are used to manage COPD symptoms. Oxygen therapy is also beneficial to address progressive hypoxemia.
Home Remedies at Prevention (paano maiwasan)
Para sa pagkontrol ng COPD, may magagawa tayong mga simpleng gawain upang maibsan ang mga sintomas nito. Ito ay ang paglilinis sa airways sa pamamagitan ng wastong paraan ng pag-ubo, pag-inom ng maraming tubig. Mag-ehersisyo din regularly dahil ito ay nakakapag-improve ng overall strength at endurance ng respiratory muscles. Kumain ng masusustansyang pagkain. Iwasan ang paninigarilyo at air pollution at regular na magpa-check-up sa iyong doctor.