Di pantay-pantay Kalagayan ng Kalusugan ng mga Mamamayan

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Ang kalusugan ng bawat mamamayan ay isa sa mga mahahalagang aspeto ng isang maunlad na bayan. Dahil dito, mahalagang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan kasama ang bawat taong nasasakupan nito ang mga isyung pangkalusugan at magkaisa sa pagpapatupad ng mga programa upang masolusyonan ito. Bilang isang mamamayan, hindi sapat na iasa natin sa gobyerno ang ikauunlad ng kalagayan ng ating kalusugan sapagkat kung wala naman ang kooperasyon ng bawat isa, mababalewala lamang ang mga adhikain ng mga programang kanilang ipinatutupad.


Kaugnay nito, sinasabing ang pagkakaiba-iba ng kalagayan ng kalusugan ng mga mamamayan ay dulot ng hindi pantay-pantay na distribusyon o hindi sapat na dami ng pinagkukunang yaman. Ang pangunahing dahilan ng suliraning ito ay kahirapan, banta ng kalikasan, pag-uugali ng mga mamamayan at ang kakulangan ng kaalaman. Sa katunayan, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang kawalan ng edukasyon ay nagbubunga ng iba't ibang panganib at suliraning pangkalusugan gaya ng labis na katabaan (obesity), paggamit ng ipinagbabawal na gamot (substance abuse) at kapahamakan. Sa kabilang dako, ang mataas na antas naman ng edukasyon ay inuugnay sa mahabang buhay at kahandaan sa pagtanggap ng mga bagong impormasyon upang mapabuti ang kalagayan ng sariling kalusugan.


Bukod dito, ayon sa Agency for Healthcare Research and Quality ng Amerika, nakaaapekto rin sa kalidad ng serbisyong pangkalusugan ang lahi at katayuan sa buhay o kalagayang pinansyal ng isang tao. Sa katunayan, sinasabing ang mga Asyano ay nakatatanggap ng mas mababang kalidad ng serbisyong pangkalusugan kaysa sa mga Whites gayundin ang natatanggap ng mga mahihirap kumpara sa tinatanggap ng mga mayayaman.



Dahil dito, gumawa ng hakbang ang ating pamahalaan upang matugunan ang suliraning ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng Aquino Universal Healthcare Agenda na naglalayong mapabuti ang kalusugan ng bawat mamamayan. Sa ilalim ng programang ito, ipinatupad ang 'Sin Tax' Act of 2012 na nagpapataw ng mas malaking buwis sa mga sigarilyo at alak at ang buwis na ito ay siyang gagamitin sa pagbibigay ng libreng Philhealth insurance sa mga mahihirap. Bukod dito, saklaw din ng programang ito ang Responsible Parenthood and Reproductive Health (RH) Law 2012 na siyang naghahangad na bigyan ng sapat at tamang kaalaman ang mga kabataan tungkol sa sex education at bigyan ng libreng contraceptives ang mga mag-asawa upang makontrol ang pagbubuntis. Panghuli, sakop din ng Aquino Universal Healthcare Agenda ang National Health Insurance Act 2013 na nagbibigay ng libreng insurance sa mga nangangailangan at mapalawig pa ang mga benepisyong ibinibigay nito.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.