Pwede pa rin ba mabuntis kahit irregular menstruation at gagamit ng condom?

Arianna Domingo
is a warehouse staff in the Philippines

If irregular po yung menstrual period ko tas kung makikipag sex po ako tas may condom naman po yung partner ko, posible pa din po ba ko mbuntis?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
hello,

siyempre naman. Pwede kang mabuntis. Una, irregular ka. Ibig sabhn, hindi mo alam kung kailan ang iyong ovulation period, menstrual period etc. at pangalawa, ang condom ay hindi maasahan. Napakarami na akong pasyente na nakabuntis kahit gumamit ng condom.
Arianna Domingo
is a warehouse staff in the Philippines
ganun po ba dok akala ko po safe ang condom? bali wala din po pala kung gagamit ng condom yung partner ko... bakit po ganun nag condom na mabubuntis pa din?

slamat po
Arianna Domingo
is a warehouse staff in the Philippines
prang nguluhan po ako dun na kahit mag condom eh mabubuntis pa din????,,
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Safe ba ang condom? symepre hinde. Ngunit ang condom pag nagamit ng mabuti ay 92% effective. isipin mo nalang. gawa yan sa rubber ung iba plastik. Ang lobo nga minsan pumapalya dba. Pumuputok. nagkakaroon ng singaw Paano kapag ang nabili mo ay may depekto pala? yun ang 8%! at alam mo ba kung ilang porsyento ang nagkakamali sa paggamit ng condom sa tuwing gamit nila dito? 86%

wag kang maguluhan. sadyang mababa lamang ang sexual edukasyon sa pinas kayat karamihan ay sinasamba ang condom para hindi mabuntis at magkasakit. sa totoo nyan ITS NOT ABSOLUTE.

ano ang pinakamainam na paraan para hndi mabuntis? una, wag makipagtalik kapag hindi handa. at pangalawa, komunsulta sa iyong OB gyne. Siya ang nakakaalam sa iyong hormonal cycle sa pamamagitan ng pakikipanayam mo.
Arianna Domingo
is a warehouse staff in the Philippines
dok may ask pa po ako kasi nung nag buntis po ako at nangank nag take po ako ng pills nung andito po po yung asawa ko,,kaso po nag abroad na po sya nung 2013 so tinigil ko na po yung pag take ng pills,,tas nung tinigil ko po yung pills cguro po mga after 5months nag loko n po yung mens ko nung una 1month po ako n dedelay tas mag kakaroon ako tas nging 2months delay n po,,ginawa ko po nung nlman ko n malpit n syang umuwi nag take po ulit ako ng pills kasi gusto po namin mag ka baby ulit,,db po pag tinigil yung pills sbi ng kramihan mdaling mabuntis pag gnun pero ndi po kami nkabuo nag karoon p po ako nun,, tas nung pag alis nya tinigil ko po ulit ung pag take ng pills pero po wlang pag babago ung mens ko gnun pa din po n dedelay po ako,,sa tinggin nyo po b need ko ulit mg take ng pills pra mging normal ulit ung mesntration ko po???
Arianna Domingo
is a warehouse staff in the Philippines
tska po dok ang pag tataka ko po bkit gnun ndi po kami nkabuo eh hininto ko po yung pills ko nun???,,, nkakataka lang po yung iba nga po na babae db pg nlimutn nila uminom ng pills tas nkipagtalik sila eh mbilis mabuntis???

salamat po.
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello Arriane,

Kakaiba nga ang karanasan mo. Ikaw ay nabibilang sa mangilang-ilang porsyento ng mga kababaihang nakakaranas ng ganyan. Subalit karamihan sa mga dahilan ng pagkabuntis kahit numiinom ng contraceptives ay dahil rin sa hindi tamang paginom dito. May mga tanong akong kailangan mong sagutin.

1) Iniinom mo ba ang gamot sa PARE-PAREHONG oras araw-araw? halimbawa, sinimulan mong uminom ito ng alas siyete ng umaga. Dapat parehong oras din sa mga susunod na araw.

2) Ikaw ba ay umiinom ng alak?

3) Nakakaligtaan mo bang uminom nito kahit minsan lang?

4) May iniinom ka bang ibang gamot gaya ng antibiotics kasama ang pill?

5) Paiba-iba ka ba ng contraceptive pill brands?

Una sa lahat, ang pagtake ng pills ay siguradong makakasira sa normal na menstruation sapagkat nagkakaroon ng hormonal changes. Kahit ito ay natigil na. Madaming kababaihan ang umaabot sa 3-5 buwan ang pagiging irregular bago bumalik ang natural menstruation. Ngunit may ilan namang bumabalik agad right after 1 natural menstruation. Ibig sabihin ay pwede na ulet magkababy. Kapag nagbabalak kang magkababy, dapat kumain ng masusustansyang pagkain, mag -ehersisyo, itigil ang pag-inom at paninigarilyo. Uminom din ng Folic Acid para tumibay ang reproductive organs.

Ang pinakamabuting gawin para malaman ang tunay na dahilan ng iyong irregularidad ay iyong Ob-gynecologist. Siya rin ang mas makakasagot sa iyong mga katanungan para sa iyong mas malalim na pag-unawa. Balitaan mo ako.

/doc jie
Daisy Santos
is in the Philippines
hello
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hello pwede din bang mabuntis ang abnormal menstruation
Daisy Santos
is in the Philippines
advvice naman po.. Last year june to dec hidni po ako nagkaroon then 2017 jan at feb regularr maganda means ko ngaung march wala nnmn po apti april puro sakit lng ng puson pero pag malpit nko magkaroon nggng moody na like nung pag nagkakaroon ako same feeling langg po,

may pag asa pa ba akong mag kaanak nun :(
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
hello doc napagtanto kolang na once pala pagnagkamens ang irregular na babae saka lang nila malalaman na fertile sila or hindi? tama po ba den that month na di sila dinatnan ibig sabhin ba non infertile sila ? ang hirap naman kase pag irregular yong mens namin napansin ko yong mens ko Start nong oct.(mens) nov.(no mens) dec.(mens) jan.(no mens) feb(mens) march(no mens) this month off april unsure na magkakamens ako kase nakipagtalik ako nong feb1,2,3,4,5 mens days ko usually kase 5 days lang tagal ng mens ko.. pero nong 4 may nangyare samin once lang naputok sa loob den 5 wala na mens ko imbis paltak lang nawala.. nag PT naman ako negative nong march 31 den nong first week ng april negative den..

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.