Dugo! Layuan Mo Ako! (Ano ang MELENA at HEMATOCHEZIA?)

Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua

Ayon sa pag-a

aral ni Sheper

bloodbleeding600

-Hughes, isang

Anthropologista, likas na takot ang mga tao sa dugo. Ang dugo ay nagpapahiwatig ng kapahamakan, sakuna at higit sa lahat ay kamatayan. Likas sa mga higher mammals na ang amoy ng dugo ay amoy ng panganib. Ang pag-aaral ng mga primatologist sa isang gubat sa Borneo ay nakapagpatunay na salamin ng pighati at pagluluksa ang pagdaloy ng dugo sa mga kapwa nilang orangutan na nasugatan at namatay. Ang mga orangutan na nagluluksa ay isa isang inaamoy ang dugo ng kasamahan habang lumilikha ng tunog na maihahanlintulad sa isang hinagpis. At tayong mga homo sapiens sapiens o mga tao ay mas malalim na kuru-kuro tuwing tayo ay nakakakita ng dugo. At kadalasa'y walang iba kundi ang pagkarindi na may dalang takot at pag-iwas.


Sa medisina, ang dugo ay isang napakahalagang elemento ng buhay. Kaya nga may blood test na isinasagawa tuwing tayo ay nagpapa-general check-up dahil madaming impormasyon ang pwedeng ikwento ng dugo. Gaya ng hematochezia at melena, mga karaniwang simptomas na nararansan ng karamihan na may kasamang dugo sa pagdumi. At minsa'y itoy binabalewala o di kayay nagdudulot ng matinding pagkabahala. Mainam lamang na mapalawak ang ating kaalaman ukol sa duming may kasamang dugo. Maituturo kasi nito ang posibleng dahilan ng pagdurugo at ang lokasyon ng bleeding: sa taas o sa ibaba ng gastrointestinal tract.


Ang hematochezia at melena gaya ng nabanggit ay parehong m

download

ga simptomas ng may dugo sa dumi. Ang hematochezia ay pagduming may kasamang pula o preskong dugo at minsan ay purong dugo ito na walang halong dumi. Kadalasan, ang mga nakararanas nito ay may makikitang dugo sa kanilang underwear o sa mismong toilet bowl. Tandaan na ang pulang dugo ay tumuturo sa m


ga laman at daanan sa pang-ibabang bahagi ng sikmura at malaking bituka colon. Ang almuranas ang kadalasan dahilan kapag ang pasyente ay 20 years pataas at may bahid ng dugo ay underwear. Ang bagong panganak na sanggol na may hematochezia ay hindi dapat ikabahala sapagkat maaring nakainom ang sanggol ng dugo ng n


anay sa sinapupunan. Ngunit kapag ang bata ay laging kinakabag at paglaki ng tyan ay dapat punahin sa posibleng nakamamatay na necrotizing entercolitis. Ang mga matatandang 65 pataas na may hematochezia ay maaring i

sipin ang kanser, bleeding diverticulum o arteriovenous malformation. Ang mga bata 6 mos hanggang 12 gulang ay dapat obserbahan sa Meckel's diverticulum, intussusception at juvenile polyps.



Sa kabilang banda, ang melena ay ITIM na dugo na kasama sa pagdumi. Ang grasa o asete ay halos kaparehas ang hitsura nito.
Ang kasong ito ay nagtuturo sa ITAAS na bahagi ng gastrointestinal tract. Ang itim na kulay ay dahil sa paghalo ng dugo sa gastric acid. Isipin mo nalang ang dinuguan na may suka/vinegar. (yummy). Ang mga karamdaman sa upper gastrointestinal tract ay Peptic Ulcer at alcoholism. Tandaan na ang mga pasyenteng may melena ay karaniwang namamayat at walang ganang kumain. Minsan kasi ay pwedeng may problema sa atay ang mga taong ito at posibleng Liver Cancer. Ngunit ang aspirin, isang gamot para sa sakit ng ulo at hypertension ay nakakasugat ng sikmura at nagdudulot din ng melena.


Laging tandaan na ang Hematachozia ay PULA = IBABANG BAHAGI ng TYAN. Samantalang ang melena ay ITIM na parang ASETE = ITAAS NA BAHAGI ng TYAN. Sa susunod, kapag may mahal tayo sa buhay o di kaya'y mismong sarili natin ang nakaranas ng ganitong karamdaman, huwag mag-panic. Dalhin agad sa duktor at ikwento na parang feeling close kayo nina Melena at Hematochezia. Madami pang test ang isasagawa para malaman ang totoong karamdaman at tuluyan itong magamot at maagapan. Habang mas maagang ipinatingin sa amin, mas maaga rin pag-galing.

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.