Dystonia

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Hi Doc,

Good day!

Magtatanong lang po regarding sa Dystonia.
is it true na babaeng anak ang pwedeng makapagmana? May specific gender po ba para mamana ito?

Yung father po kase ng asawa ko may dystonia (eto na din po naging factor kung bakit sya binawian ng buhay.) Yung tito din po nyang namatay may dystonia din po (Kapatid ng father ng asawa ko)


Yung brother-in-law ko po may isang anak, babae mamamana daw po ng anak nya yung naging sakit ng father nya at tito nila?

Thanks!!

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello,

Paumanhin po sa hindi agarang pagsagot sa iyong katanungan.

Ikinalulungkot ko pong malaman ang nangyari sa inyong mga kamag-anak at mahal sa buhay. May mga kilala rin po akong may dystonia at buong pamilya po ay apektado. Lalo na po ang mayroon nito. Ang pagsabi ng mga simpleng bagay ay sobrang torture sa kanila dahil hindi tuwid ang koordinasyon ng halos lahat ng motor at speech movements ng kanilang katawan.

May mga klase po ng dystonia. At sa Pilipinas ay may isang uri ng dystonia na sariling atin lamang. Ang X-linked dystonia-parkinsonism. Ito ay makikita samga Pilipinong lalake lamang.

kapag sinabing x-linked, babae o lalake ang carrier o tatay atnanay nito. Ngunit sa mga babae, hindi ito nagmamanifest o nakikita sa panlabas na simptomas at senyales sapagkat ito at ay natatakpan. Bakit? may sex chromosomes na tinatawag. Sa mga lalake, ito ay XY at XX naman sa mga babae. isipin mo, ang babae ay may reserbang isa pang X dahil dalawa ang X ninyo. Sa mga lalaki, isang X lang kayat wala nang reserba. Kaya ang babae ay posibleng may 50% chance na ipasa ang x-linked gene na ito sa kanyang mga anak na lalake at 25% naman sa anak na babae. kayat hindi ito nakikita sa mga babae kahit mayroon silang gene na ito.

Sana ay nalinawan po kayo. Balitaan nyo po ako.

/doc jie

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.