Namamaga ang lymph node sa may kaliwang kilikili. Ano pwedeng gawin?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Namamaga po yung lymph node ko sa may kaliwang kili-kili. Any advise na gawin or inumin? Ano pong lunas o gamot?Salamat po!

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello,

Ikaw ba ay may sugat sa bandang kaliwang kamay o sa mismong kaliwang kilikili? Ikaw ba ay lalake o babae? Ang axillary node o kulani sa kilikili ay maaring dahil sa sugat sa kamay o di kaya'y ibang mas malalang sakit. Ang breast cancer at lymphoma ay isa sa mga ito. Balitaan mo ako.

/docjie
Louie T
is in the Philippines
Docjie,
Salamat po sa pag reply. Ako po ay lalaki. Wala nmn po akong sugat kahit saan sa aking kamay. Sa kanang paa lang po meron. May kinalaman po ba ang madalas kong pag ggym? Medyo may kalakihan po ang katawan ko.
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hi Louie,

Walang anuman. Salamat sa iyong impormasyon na ikaw ay isang body builder. Sa pagkakataon ito, naisip ko na maaring ang iyong matinding pagbuhuhat ang naging sanhi ng iyong axillary LN swelling. ito ay dahil sa dalawang lebel. 1) ikaw ay nagkaroon ng CFS o chronic fatigue syndrome na siyang nagpababa ng iyong immune system. Ang pagwowork out ay nakakababa ng immune system na siyang nagpahina sa iyong katawan. Maaring nagkaroon ng muscle exhaustion sa kaliwang banda ng iyong upper extremties. 2) ang injury sa iyong muscle ay pwedeng nakapagpamaga sa iyong Axillary LN.

Magpahinga, magtake ng supplements gaya ng Vitamin C etc.

Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ipatingin sa isang internist o surgeon. Sa pagkakataon ito kasi ay hindi ko parin pwedeng i rule out ang iba pang sakit. Ang physical exams ay napakahalagang aspeto sa pagsuri ng isang lymph node swelling. Balitaan mo ako.

/doc jie
Louie T
is in the Philippines
Marami pong salamat doc jie. Ipapahinga q po muna ang katawan q sa pagbubuhat at mag vitamins na din po ako. So far po kc, ang vitamin lang na iniinom ko ay fish oil. Pa check up n din po aq. Salamat!

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.