Bakit po kaya nararamdamang parang bloated? Kahit po wala pa akong kinakain

Florinda Carriaga

Bakit po kya ako nakakaramdam ng bloated? Kahit po wala pa akong kinakain parang busog na busog na po ako at pag kumain naman po ako kahit konti lang wala po akong gana kahit nakakaramdam naman ako ng gutom.


Nag umpisa po ito kagabi pagkatpos kong kumain ng suman at pagkaraan noon, halo-halo nman. Tapos kinagabihan po nagtae naman ako ng 3x sa loob ng magdamag at patuloy din po ung sakit ng tiyan ko kahit na nakadumi na ako. Nawala lang po ung sobrang sakit ng tyan ko ng huling pagdumi ko uminom po ako ng Motilium at Buscopan ng sabay. Pero, kinabukasan po nararamdaman ko pa din ung sobrang feeling ng pagka busog ko at mabigat ang tyan ko. Pero, may kasama pa po syang parang hirap akong huminga at medyo hinihingal pag gumagalaw ako. Kasunod pa po nun nagpa-palpitate pko? Bakit po kya ganun? Ano po dapat kong gawin sa ganitong pagkakataon? Anong gamot po ang dapat kong inumin?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello Florinda,

Ikaw ay nagkaroon ng hyperacidity. Ang buscopan at motilium ay nagpapatigil sa galaw ng iyong bituka. Ang pagkaimbak ng acid sa iyong bituka ay nagpataas din ng acidity sa iyong dugo na naging sanhi ng iyong palpitation. Sa susunod, wag basta basta pagsabayin ang mga over the counter drugs. Ang dalawang gamot na iyong ininom ay sobra sobra para sa lunas na gustong makamit. Sana ay magaling kana sa iyong mga karamdaman.

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.