May dugo sa vagina pagkatapos magtalik, patak patak na stain

Nestor Natividad
is a non-Filipino member from United States

Yung misis ko po nagkaroon ng period nung December 18 natapos ng Dec 23. Irregular po menstruation nya. Nagtalik po kami nung Dec 27. Pero nung nagtalik kami ng January 1 at pinutok ko sa loob. After few minutes na nasa loob yung ari ko napansin ko na may dugo yung vagina ng misis ko. Sabi nya nung Dec 31 may stain ng dugo yung panty nya pero patak lang. From Dec 31-Janurary 4 today meron pa din patak patak na stain. Dinala ko sya sa ospital and chineck yung ihi nya kung buntis ba sya pero negative ang result. Pati po yung blood test nya is negative from any infection. Tapos ngayon pagkagaling nya ng work sabi nya masakit daw katawan nya at eto nga nilalagnat po sya ngayon.

Ano kaya nangyayari sa kanya. Buntis kaya sya? 4 months pa lang po kami magasawa.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
hello nestor,

Ang iyong misis ay nakaranas ng mild laceration secondary to trauma sa kanyang ari. Lalot sabi mo ay 4 na buwan pa lamang kayong kasal. Ito naman ay pangkaraniwan lalo pa at bagong kasal pa lamang kayo. Ang spotting o patak patak na dugoay dapat mawala pagkatapos ng isang linggo na walang naisagawang pagtatalik. Ngunit dapat obserbahan ang iyong misis sa posibleng impeksyon. Sa ngayon, na nilalagnat siya, maaring may pamamaga sa kanyang ari na pwedeng dahilan ng impeksyon.Kahi negatibo siya sa impeksyon sa blood test noon, maaring hindi pa sapat ang WBC o inflamatory cells para madetect. Payo kong ibalik siya sa inyong doktor at ipamahagi ang nangyari. Lalo pa't nananakit ang kanyang katawan na may kasamang lagnat na pwedeng dahilan ng impeksyon.

Sa iyong katanungan kung buntis ba ang iyong asawa, maaring oo at maaring hinde. Ang PT strip ay nagdedetect ng HCG na matatagpuan sa ihi ng babaeng buntis. Maaring may HCG na as early as 4 days ng pagbubuntis. Subalit, kadalasan ang maagang pagkuha ng PT ay nagbibigay ng false negative result. Kaya maaring ulitin ang test pagkatapos ng ilang linggo. Tandaan na sabihing maaring buntis ang iyong misis sa iyong doktor sapagkat ang antibiotics ay maaring makasasama sa bata kung sakaling reresetahan siya para sa posibleng impeksyon.

/doc jie
1 person likes this
Nestor Natividad
is a non-Filipino member from United States
Salamat po doc. May nurses akong mga kaibigan na nag opinyon baka nga daw UTI yung isa naman ang sabi baka daw polycystic ang misis ko. Kaya kumonsulta ako dito. Gusto na din po kasi namin magkababy ng misis ko. Ano po ba ang maari nyang inumin o kaya ay ako para mas mabilis siyang mabuntis? Nasa posisyon din po ba iyon ng pagtatalik para mas mapabilis ang pagbubuntis nya?

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.