Totoo ba ang hilot o yung mga midwife kung tawagin? Last December po kase nag pills ako. Nung naubos ko po ung pills, spotting lang ako nun ng 1 day. Hindi ko na po tinuloy ung pills. Then nung January 18 po, nagkaroon ako 1 day na sobrang mahina. Pero nung sumunod na araw, sobrang lakas po kulay red na red. Pero 2 days po na malakas. Yung sumunod na araw, halos wala na po. Di naman po ganun ung normal ko.
Netong February 11 po, nagpahilot ako. Kinapa nya po ung Matress ko at ang sabe po nung Midwife mababa po ung matress. So inangat nya po pero may nakapa po sya na buntis daw po ako ng 1 month and 3 weeks na po kung susumahin ko ngaung araw. Expected ko po dapat February 18 po magkakaron ako pero till now wala pa din po ako . Madalas po sumakit ang balakang ko at bigla bigla po ako nahihilo. Minsan sumasakit rin po ulo ko at ung pakiramdam ko po parang magkakaron ako, pero wala pa din po. Then nakakaramdam po ako sa tyan ko na bigla bigla nalang may pumipintig tapos mawawala.
Pakiramdam ko rin po na parang mabigat at parang malaki po tiyan ko. Bale 7 days na po ako delay. Tingin nyo po ba buntis ako? Last February 3 , 4 , 17 and 18 po may nangyari samin ng bf ko. Sobrang worried na po ako . MARAMING SALAMAT PO SA SASAGOT .