IF WATERY FLUID, CLEAR DISCHARGE, WAS THAT AN OVULATION SIGN????

Harriote Gevana
is a Employed in the Philippines

ANO po ibig sabihin ng watery fluid and clear, para lang siyang water na dumi discharge sa kin , is this kind of ovulation? never akong nag notice ng egg white cell or something. kada buwan lang nag e excess siya . sometimes, kaunti lang, sometimes like previous month excess siya lalo sa undies ko ti to my knickers.. was that an ovulation too? thank you????

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Ryan Neal  Salapa
is a Medical expert in the Philippines
Obulasyon o ovulate ay isang proseso kung saan ang isang ganap na itlog o mature egg cell ay inilabas mula sa obaryo, patungo sa fallopian tube, at maaring nang i-fertilized ng sperm ng lalaki.

Ang mismong katawan ng babae ang magbibigay ng malinaw na clues o mga palatandaan kung kailan mayabong o kailan fertile ang babae.

Mayroong mga babae na batid na sila at nakakaranas ng obulasyon dahil sila ay nakakaramdam ng pananakit sa ibabang parte ng tiyan. Kung wala naman ang pananakit, maaaring malaman kung may nangyayari ang obulasyon sa pamamagitan ng pag-obserba sa mga natural na pagbabago ng katawan.

1. Pagbabago sa cervical mucus - Habang ang obulasyon ay lumalapit, nagkakaroon ng mga pagbabago sa dami at lapot ng cervical mucus. Kapag ang babae ay hindi dumaranas ng obulasyon, ang cervical mucus ay maaaring madikit, ma-krema kung tignan o minsan ay wala. Habang papalapit ang obulasyon, dumadami ang cervical mucus at ito ay parang nagiging matubig at ang lapot nito ay parang hilaw na puti ng itlog. Ito rin ay maaaring humaba is isang pulgada o higit pa sa pagitan ng mga daliri.

2. Mas mataas na pagnanais na makipagtalik - May mga pagsasaliksik na nagsasabi na mayroong mga babae na nakakaranas ng mas mataas na pagnanais na makipagtalik kapag sila ay pinaka-fertile. Ito ay nangyayari ilang araw bago ang obulasyon. Ang panahon na ito ay angkop kung nais na magbuntis ng isang babae.

3. Pagtaas ng basal body temperature - Ang body basal temperature charting ay isang popular na paraan ng pagbantay sa obulasyon ng babae na nais magbuntis. Ang basal na temperatura ng katawan ay tumataas ng kalahati hanggang isang gradong Farenheit at nananatiling mataas pagkatapos ng obulasyon. Ang pagtaas ng temperatura ay sanhi ng hormone na [[progesterone] ] na tumataas pagkatapos ng obulasyon.

4. Pagbabago sa posisyon ng cervix – Kasabay sa pagbabago ng cervical mucus ang posisyon ng cervix. Kapag ang babae ay pinaka-fertile, ang cervix ay mas mataas ng kaunti, mas malambot at mas nakabuka.

5. Pagiging malabot at sensitibo ng suso - May mga babae na nakakaranas ng pagiging malambot at sensitibo ng suso bago o pagkatapos ng obulasyon. Ito ay may kinalaman sa pagdagsa ng mga hormone sa katawan para sa posibleng pagbubuntis.

6. Positibong resulta ng ovulation predictor test - Isang karaniwang paraan upang malaman kung ang babae ay nakakaranas ng obulasyon ay ang paggamit ng ovulation predictor test kit o OPK test. Kailangang umihi sa isang test stick o itubog ang espesyal na papel sa nakolektang ihi, isang beses sa isang araw sa loob ng isang linggo bago ang panahon ng obulasyon. Mayroong dalawang linya ang test strip. Kapag mas madilim ang test line kumpara sa control line, ang test ay nagpapahiwatig ng paglaganap ng luteinizing hormone (LH).

7. Saliva ferning - Ito ay isang hindi karaniwan na paraan upang malaman ang obulasyon. Ang ferning pattern ng laway ay isang positibong sensyales ng obulasyon. May mga espesyal na mikroskopyo para dito ngunit maaari din gumamit ng simpleng mikroskopyo. Isang ferning pattern na parang hamog sa salamin ang maaaring makita at nangyayari ito kapag ang katawan ay mayroong paglaganap ng LH sa pagitan ng 24-48 na oras pagkatapos ng obulasyon.

About the author

Dr. Ryan Neal Salapa

Dr. Salapa is an MHGap trained General practitioner with over 5 years experience treating mental health disorders including anxiety, depression, trauma, psychosis, neurodevelopmental/neurocognitive disorders and many more. He also works as an Occupational Safety and Health Physician and is an expert in this field.
Profession: Psychiatry
Office Address: Makati City
Philippines , Bataan
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.