Hi Jeff,
Bagaman ang almoranas ay napakasakit, hindi naman ito nakamamatay at kadalasang nawawala kahit na hindi gamutin.Karaniwan sa almoranas aynapapagaling ng simpleng pagbabago ng diet at bowel movements.
Makakatulong ang sumusunod sa para agapan ang pananakit at pamamaga na dulot ng almoranas.
1. Kumain ng mga prutas at gulay na mataas sa fiber. Kailangang kasi, mabawasan ang pwersa habang dumudumi kaya dapat panatilihing malambot ang dumi.
2. Iwasan ang pag-iri habang dumudumi, sapagkat nakakataas rin ito ng presyon sa puwitan.
3. Upang ma-relax ang mga ugat, ang paliligo sa maligamgam o mainit-init na tubig ay iniuulat rin na may positibong epekto sa almoranas.
4. Para mabawasan ang pananakit, maaari mong ibabad sa palangganang may maligamgam na tubig ang puwet mo sa loob ng 10 minuto.
5. Uminom ng maraming tubig
Kung nakararanas ng sobrang sakit at pagdurugo maakabubuting kumonsulta sa Doctor para malaman ang pinakamabisang paraan para matanggal ang almoranas. Maaaring gamitin ang rubber band ligation, sclerotherapy, coagulation o surgical procedure.