Ano ang sanhi ng Swimmer’s Ear o impeksiyon dulot ng tubig sa tainga?
Ang Swimmer’s Ear ay kilala din sa pangalang external otitis ay impeksiyong sa balat na bumabalot sa outer ear canal ng tenga. Ang outer ear canal ay dumadaloy mula sa eardrum palabas ng tainga. Kadalasang nangyayari ito dahil sa tubig na naiiwan sa tainga matapos lumangoy, sumisid, mag-surf at iba pang water sports. Dahil dito, nagiging moist ang tainga at nagiging angkop para sa pagdami ng bacteria dito. Nagdudulot din ng impeksiyon sa loob ng tainga ang pagpasok ng daliri sa loob nito, paggamit ng cotton buds at pagpasok ng iba pang gamit, kung saan nasisira nito ang balat na bumabalot sa ear canal na pwedeng maimpeksiyon. Bacteria ang kadalasang nagdudulot ng impeksiyong ito at kabilang dito ang mga klase ng bacteria na streptococcus, staphylococcus at pseudomonas.
Mga Sintomas ng Swimmer’s Ear
Ang unang sintomas na mararanasan kapag may swimmer’s ear ay ang pakiramdam na puno o barado at ang pangangati ng tenga. Pagkatapos nito, mamamaga ang tainga na may bahagyang pamumula at lalabasan ng tulo na clear at odorless na likido. Kapag may ganitong sintomas na, magsisimula na ang matinding pananakit ng tainga lalo na kapag ginalaw ito o kapag hinila ang panlabas na parte ng tainga o pinisil ang maliit na bukol sa harap ng tainga. Mamamaga ang ear canal at pati na ang gilid ng mukha sa parte ng apektadong tainga ay mamamaga din. Sa paglala din ng impeksiyon, magiiba din ang tulong lalabas sa tainga na magiging nana. Susunod ang paglaki ng lymph nodes sa leeg, kung saan magdudulot ito ng mahirap at masakit na pagbuka ng panga. Makakaranas din ng panghina sa pandinig sa apektadong tainga.
Para sa malalang estado ng impeksiyon, maaari din maranasan ang mga sumusunod:
· Lagnat
· Malalang pananakit ng tainga na pwedeng umabot hanggang sa mukha, leeg at gilid ng ulo
· Tuluyang pagkabara ng ear canal
The initial symptom of swimmer’s ear infection is that the ear may itch and will feel full. Then the ear canal will swell, and ear drainage will occur. At this point the ear will become very painful, especially with movement of the outer part of the ear. The ear canal can swell, and the side of the face can become swollen as well. Finally, the lymph nodes (glands) at the neck may become enlarged, making it hard or painful to open the jaw. People with swimmer's ear may experience temporary hearing loss at the affected ear.
Sanhi ng Swimmer’s Ear
Bacteria ang kadalasang nagdudulot ng impeksiyon na swimmer’s ear. Ang outer ear canal ay may natural na depensa para panatilihing malinis ang tenga at maiwasan ang impeksiyon dito. Meron itong glandula na naglalabas ng waxy substance na tinatawag na cerumen. Binubuo ng cerumen ang water-repellent film sa loob na balat ng tainga at tumutulong ito para iwasan ang pagdami ng bacteria. Ito rin ang nangongolekta ng dumi at dead skin cells sa loob ng tainga at tumutulong ito dalhin palabas. Mula sa middle ear hanggang sa labas, ang slope nito ay bahagyang pababa na tumutulong din sa pag-drain ng tubig palabas ng tainga. Kapag nagka-swimmer’s ear, ang mga natural na depensang ito ay maaapektuhan dulot ng mga sumusunod:
· Sobra-sobrang moisture sa loob ng tainga dulot ng matinding pagpapawis, humid na panahon o naiwang tubig sa tainga dahil sa paglangoy at iba pang water sports ay paninimulan ng impeksiyon.
· Mga gasgas o sugat sa loog ng tainga dulot ng paglilinis ng tainga gamit ng cotton buds o pagkamot sa loob ng tainga gamit ang daliri at iba pa. Dito nagsisimula ang pagkakaroon ng impeksiyon.
· Mga allergic reaction sa balat dulot ng hair products o alahas
Swimmer's ear is an infection that's commonly caused by bacteria usually found in water and soil. Ear infection caused by fungus or virus may also occur but are not that common. Swimming in polluted water can cause swimmer's ear. Water-loving bacteria like the Pseudomonas, and other bacteria or in rare instances fungi can cause these infections. Scratching the ear or inside the ear or getting something stuck in the ear may also cause infection. Cleaning the ear from wax in the ear canal with cotton swabs or small objects can irritate or damage the skin. Long-term swimmer's ear may be caused by an allergic reaction to something placed in the ear or by chronic skin conditions like psoriasis or eczema.
Lunas, gamot at paano maiwasan ang Swimmer’s Ear
Ang mga sumusunod ay tumutulong sa paghilom ng impeksiyong ito:
· Ang paglinis ng outer ear canal na ginagawa ng doktor ay tumutulong para mapunta ang eardrops na gamot sa parte ng impeksiyon.
· Maaaring magreseta ang doktor ng mga eardrops na gamot. Kadalasang nirereseta ang acidic solution, steroid, antibiotic o antifungal na gamot o kaya pain relievers.
Makatutulong ang mga sumusunod para mapadali ang paggaling at iwasan ang paglala ng impeksiyon:
· Iwasang lumangoy, sumisid at iba pang mga water-sports sa mga hindi malinis na tubig
· Iwasang bumyahe sa eroplano
· Iwasang gumamit ng ear plug, hearing aid o headphones bago mawala ang sakit at tulo mula sa tainga
· Iwasang mapasukan ng tubig ang tainga habang naliligo. Gumamit ng bulak na may petroleum jelly para protektahan ang tenga.
· Iwasang magpasok ng mga daliri at iba pang bagay sa loob ng tainga.
· Kapag naramdamang may tubig sa loob ng tainga, i-shake ang ulo sa direksiyon ng apektadong tainga para alisin ang nakabarang tubig
· Gumamit ng swim cap na matatakpan ang tainga ng maigi
The first step in treating ear infection is cleaning the outer ear canal to help eardrops flow to all infected areas. The doctor will perform the cleaning to avoid further ear damage. The doctor will then prescribe eardrops that have a combination of the following ingredients, depending on the type and severity of the infection: an acidic solution to restore the ear's normal antibacterial environment, steroid to reduce inflammation, antibiotic to fight infection-causing bacteria or antifungal medication to treat an infection caused by fungus.
To help the medication work and reduce further discomfort, one may use pain relievers such as acetaminophen or ibuprofen or stronger pain medications to relieve from severe pain. It is recommended to hold the eardrops bottle for a few minutes to bring its temperature close to body temperature in order to lessen the discomfort from cool drops. Lie on the side with the infected ear up so that the medication will travel throughout the infected ear canal. During treatment, it is best to avoid swimming or scuba diving or getting ear canals wet from bathing, avoid flying/travelling via plane and avoid wearing ear plugs or headphones to prevent further irritation.