Ang Systemic Lupus Erythematosus o SLE
May isang milyon at higit pang katao ang may lupus sa buong mundo at marami pang iba ang nawawalan ng buhay dahil dito. Ang lupus ay isang auto-immune na sakit at may mild to life-threatening na mga sintomas. Kasama na sa mga nararanasan ng may lupus ang sakit, panghihina, kawalan ng pag-sa sa buhay, depresyon at takot. Sa ngayon ay wala pang naitatalang gamot para sa lupus. May apat na klase ng lupus. Isa na dito ang Systemic Lupus Erythematosus (SLE) na karaniwang malubha na klase at umaapekto sa balat, kasu-kasuan, at iba pang mga organ ng katawan tulad ng baga, kidneys, puso, o utak. Sa kabuuan, 70 porsyento ng lupus ay Systemic na klase. Sa kalahati ng mga kaso, isang major organ ang apektado. Ang isa pang klase ng lupus ay ang Cutaneous Lupus na umaapekto sa balat. Ang ikatlong klase ay ang Neonatal Lupus. Ang ganitong lupus ay matatagpuan sa mga batang ipinapanganak ng inang may lupus. Ang bata ay nagkakaroon ng skin rash pagkapanganak, may problema sa atay, low blood cell counts. Ngunit ang mga sintomas na ito ay nawawala rin naman makalipas ang ilang buwan. Ngunit ang ilan ay nagkakaroon ng seryosong sakit sa puso. Ang ikaapat na klase ay ang Medically-induced na lupus. Ito ay lupus na sanhi ng mga gamot para sa hypertension, tuberculosis, at sakit sa puso. Ngunit hindi sa lahat ng oras na ang umiinom ng mga gamot na ito ay nagde-develop ng lupus.
Sanhi at Transmission
Ang lupus ay nangyayari kapag ang iyong immune system ay inaatake ang sarili niyang malusog na tissue ng katawan. Ang lupus ay maaaring dahil sa kombinasyon ng genetics at environment. May naitala na ang mga taong may nakuhang genes ng lupus ay maaaring magdevelope ng lupus kung siya ay nagka-come in contact ng kung ano sa paligid na naka-trigger ng kanyang lupus. Ang dahilan ng lupus datapuwat, ay hindi pa natutukoy. Ang mga potensyal na triggers ay ang mga ito. Sinag ng araw. Ang sinag ng araw ay maaaring magsimula ng lupus lesions sa balat at magsimula ng internal response sa mga tao na may tsansang magka-lupus. May mga gamot na nag-titrigger ng lupus tulad ng anti-seizure na gamot, gamot para sa blood pressure at antibiotics. Ang lupus ay auto-immune na sakit na nauna nang nasabi at ito ay nagdudulot ng “inflammation” at pagkasira ng tissue sa katawan. Ito ay isang “chronic” na sakit na nangangahulugang magkakaroon ka nito habang ikaw ay nabubuhay. Hindi nakakahawa ang lupus. Hindi ito tulad ng cancer o AIDS. Hindi predictable ang lupus. Kung minsan nandiyan ang sintomas, kung minsan ay nawawala at nag-iiba-iba. Dahil ang lupus ay umaapekto sa joints at muscles, maaaring magpatingin sa rheumatologists. Ngunit kapag naapektuhan ang mga kidneys, kailangan ring magpatingin sa nephrologist. Kapag may rashes, kailangang magpatingin sa eksperto sa balat tulad ng dermatologist. At marami pang ibang espesyalista ang kailangang konsultahin para sa mga sintomas.
Sintomas
Walang kahit alinmang kaso ng lupus ang pareho ang mga sintomas. Ang mga sintomas ay maaaring magdevelope agad-agad o dahan-dahan. Maaaring malubha ito o mild lang, panandalian lamang o permanente. Narito ang mga karaniwang sintomas ng lupus: panghihina at lagnat, masakit na kasu-kasuan, pamamaga at paninigas nito, “butterfly-shaped” rash na pumapalibot sa mukha at ilong, mga kamay at paa na namumuti o nagiging kulay asul kapag na-expose sa lamig o sa mga panahong nai-stress, hirap sa paghinga, sakit ng dibdib, panunuyo ng mga mata, pananakit ng ulo, pagkalito at pagkawala ng memorya.
Lunas
Ang gamot sa lupus ay nagdedepende sa mga sintomas na lumalabas. Ito ay nangangailangan ng payo ng doctor. At kung minsan mayroong flare ups o pagkawala ng sintomas, ang doctor ay maaaring iba-ibahin ang dosage ng gamot. Ang mga medikasyon na karaniwang ginagamit para sa lupus ay Non-steriodal anti-inflammatory drugs (NSAIDS). Halimbawa nito ay ang naproxen at ibuprofen. Ito ay para maibsan ang sakit, lagnat at pamamaga na dala ng lupus. Mayroon ring corticosteroids. Halimbawa nito ang prednisone. Maraming side effects ang prednisone sa katagalan kaya naman maiging kumunsulta sa doctor para ma-adjust niya ang mga dosage. Para sa mga seryosong kaso ng lupus, kailangan ang immune suppressants. Ito ay ang mga cyclophosphamide, azathioprine, methotrexate at marami pang iba. May mga potensyal itong side effects tulad ng infection, pagkasira ng atay, pagiging baog, at malaking tsansang magka-cancer.
Home Remedies at Prevention
Mahalagang pangalagaan ang iyong katawan kung ikaw ay may lupus. Ang mga simpleng gawain na ito ay makakatulong para hindi mag-flare up ang lupus at madali kang makaka-cope sa mga sintomas. Ang mga ito ay: pagkakaroon ng sapat na pahinga. Matulog ng mabuti sa gabi at matulog rin pag may pagkakaton during daytime. Huwag magpapa-espose sa araw. Magsuot ng long sleeves at long pants at gumamit ng sun screens. Magkaroon ng regular na ehersisyo. Huwag manigarilyo. At kumain ng masustansyang pagkain na may prutas, gulay at whole grains.