Malapit na manganak: Ano dapat gawin o kainin para bumaba blood pressure?

Jaqeline  Bardolaza
is in United States

Malapit na po ako manganak, kaya lang po tumataas po ang bp ko. Ano po ba ang dapat kong gawin o kainin para pampa-baba ng blood pressure?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello Jaqeline,

Gaano ba kataas ang iyong BP? Subalit madaming nanganganak na may slight hypertension at nagkakaroon ng normal delivery, madami rin namang nanay at sanggol ang namamatay dahil sa komplikasyon nito kung hindi naagapan.

Ang mataas na BP sa ika 28 hanggang 39 weeks ng iyong pagbubuntis ay delikado at nagtuturo sa mas malalang komplikasyon. Kayat ang pinakamabuting payo ko sa iyo ay IPATINGIN SA IYONG OB GYNE. Sumasakit ba ang iyong tyan? Ikaw ba ay nahihilo at parang lumalabo ang paningin? Umaasa ako na dumadalaw ka na sa iyong OB GYNE every other week simula noong ika 28 na linggo at ever week simula noong ika 34th week mo. Lalot ikaw pala ay may iniindang hypertension. Ayaw nating mauwi sa preeclampsia ang iyong pagbubuntis na nagiging sanhi ng pagkamatay ng parehong sanggol at ina. Wala kang pwedeng kaining makakapagpababa sa iyong BP sa ngayon sapagkat ang iyong hypertension ay gestational o dala ng pagbubuntis at dala ng iyong previous lifestyle. Kompleto ba ang iyong prenatal check up? Madami akong gustong itanong subalit sa ngayon lalot malapit ka nang manganak, ang pinakamainam ay ang pagpapakonsulta sa iyong doctor.

balitaan mo ako.

/doc jie

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.