May mga rushes po ako, nagsimula nung friday ng umaga. Akala ko po simpleng kati

Mari Biag
is in United States

May mga rushes po ako, nagsimula nung friday ng umaga. Akala ko po simpleng kati kati lnag ngunit dumating ang sabado napansin ko mas parami ng parami. On and Off po ang lagnat. laging nahihilo at nagsusuka.. Ano po ba yun...

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello Mari,

Pasenya na at ngayon lamang ako nakasagot sa iyong katanungan. Humihingi ako ng paumanhin at sa lahat ng mga nagtanong ng buwan ng Hulyo hanggang Nobyembre dahil nakaligtaan itong sagutin. Sana ay naiintidihan ng bawat isa lalot naging madami ang aming mga trabaho sa hospital sa mga nakalipas na buwan.

Sa ngayon ay umaasa akong naipakonsulta mo na ang pangangati sa iyong duktor. Maraming pwedend isipin sa rashes. Ito ang isa sa pinakapangkaraniwang senyales ng napakalawak na usaping medisina. Dahil halos karamihang sakit ay may taglay na rashes at pangangati. Dahil dyan ay mainam na ipatingin talaga ito sa iyong duktor para masuri ng personal. Lalot may kasamang lagnat at pagsusuka, ito ay dapat matuunan ng agarang lunas sa ospital. Sa panahon ngayon, lalot sa tropikal na bansa gaya ng bansa natin, ang dengue ay isang epidemya. Maari itong isipin na sanhi nyan lalo kapag may kasamang pagsusuka, rashes, walang ganang kumain, lagnat, sobrang sakit ng ulo at likod ng mata etc. Maari ding isipin ang measles. Madaming mga taong kahit may bakuna sa measles ay nagkakaroon pa rin ng tigdas. Ang allergy ay nakakapagdulot din ng rashes.

Mahaba ang listahan sa usaping ito at hindi sapat ang 2 araw para pagusapan natin tungkol sa rashes. Nararapat na pag ikaw ay nakaranas nito, ipakonsulta rin ito sa doktor lalot may kasamang panghihina, lagnat at iba pa. May mga test kasi gaya ng CBC, skin test etc na makakapagturo sa totoong kundisyon.

/doc jie

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.