Anonymous 3
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello po, miss Anon.
Sana po ay nasa mabuti kayong lagay ngayon. Huwag niyo po ituloy ang plano niyo. Nangyari na rin po sa amin ng GF ko ang iyon sinapit. mag fo-fourth year na rin kami sa kolehiyo nang mabuntis ko siya. We were nursing students, then, kaya alam namin ang mga gamot na pwedeng gamitin. We even secretly sought the advice of a friend doctor regarding abortion. SWERTE namin at di siya sumang-ayon sa plano namin.
Dalaga ka na po, be responsible, ika nga (I find it funny kasi yun din mismo naging pangaral sa akin nung nilapitan naming doktor). Kausapin mo BF mo. Ngayon, kung gusto rin ni BF ng abortion, pakibatukan mo na lang para sa akin :). Sabihin niyo sa mga parents ninyo. Magagaalit ang mga iyon, masesermonan kayo. Natural lang yon, dahil mahal kayo ng mga'yon. Just weather the storm. Better do the right thing now than regret it later. HINDI PO SAFE ang abortion especially since hindi nman talaga ito legal sa Pinas. Maari niyo po itong ikamatay either instantly or much much later. I had an acquaintance who is now on dialysis dahil nag-take ng kung anu-ano nang sekretong magpalaglag years before. Huwag mo ilagay ang sarili mo sa alanganin. Imbes na magsaya ang buong pamilya sa araw ng panganganak mo, ay baka magluksa sila ng maaga kapag minalas ka :( Huwag mo na idamay yung bata. Panindigan niyo po.
Alam ko pong mahirap na mahirap dinaraanan niyo ngayon at wala ako sa posisyon para sabihing okay lang lahat. May mga bagay na dapat magbago, like paglalaan ng more time for your babythan yourself, being more practical, etc. Korny man pakinggan, totoong blessings ang dala ng pagkakaroon ng bata. Para sa isang katulad ko na wala namang naging pangarap sa buhay, nabigyan nito ng direksyon ang aking buhay. Mas ganado at naging mas marunong sa buhay. Nag-'mature', ika nga. 6 years na po kaming happily married ng asawa ko.
I'm not telling you these things dahil mas may alam ako, kundi dahil may pakialam ako sa iyo. Ang problemang ito ay dadaan lang ngunit yang batang dala-dala mo, forever mong mamahalin yan. HUWAG niyo po ituloy. You may talk to your parents or siblings directly, if walang kwent yung nakabuntis sa'yo. Start there. Huwag mo e-underestimate yung pagmamahal ng pamilya mo sa'yo. Hanggang dito na lamang po. Nawa'y maliwanagan ang iyong isip ngayong buwan ng bagong taon.
-Concerned Anon