Paano maglinis ng ilong o magtanggal ng kulangot? Nangungulangot booger

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mga paraan sa tamang pag-lilinis ng ilong

Kahit na parang kakaiba sa pandinig mo ang paglilinis sa ilong, malaki ang nagagawa niyan sa mga matagal ng pinapahirapan ng allergy o sinus infection. Kahit nga yung simpleng sipon lang na pabalik-balik, kailangan na regular na mag-linis ng ilong. Kadalasan na, hindi nagiging epektibo ang mga gamot gaya ng decongestants sayo dahil hindi malinis ang ilong mo o sinus. Makakatulong yan para makahinga ka ng maluwag. Ang tawag jan, nose lavage. Simple lang ang paraan.

Paano maglinis ng ilong o magtanggal ng kulangot, Ano Nangungulangot booger

Pero may mga teknik para hindi sumakit ang ilong mo o magkaroon ng mas malaking problema. Kung hindi naman tama ang pag-sspray ng panlinis sa ilong, hindi mo din malilinis ang ilong mo at baka sa halip na makatulong, mas makasama pa. Kaya importanteng matutuhan mo ang tamang paraan kung gusto mo ng ginhawa. Kung naghahanap ka ng mabilis na solusyon, heto na ang sagot. Makakaiwas ka agad sa pahirap na sipon, basta sundan mo lang ang mga sumusunod:


- Kailangan mo ng nasal spray na mabibili mo sa botika at malambot na tissue. Mag-hugas ng kamay. Pinaka-importante yan para hindi pasukin ng mikrobyo ang kaloobloobang parte ng ilong mo. Paghaluin ang 1/4 na kutsarita ng asin sa 4o.z ng maligamgam at malinis na tubig at lagyan ng konting baking soda ang pinaghalong mga sangkap. Malaking bagay ang baking soda. Tutulong yan para maiwasang mairita ang lob na bahagi ng ilong mo dahil matapang ang asin. Kung gusto mo naman, may mga mabibiling nasal kit na kompleto na ang solusyon para di mo na kailangan pang maghagilap ng mga materyal. Mas makakasigurado ka pa sa mga yan. Saline ang tawag sa solusyon ng pinahalong mga sangkap. Nasa isang transparent na lagayan yan pangkaraniwan na. Siugraduhin mo na kung gagamit ka niyan, huwag mo na uling itabi pa ito. Malaki ang tsansa na pamahayan iyan ng mikrobyo kaya mas maganda kung itatapon mo na ito agad.


- Pumunta sa maluwang na lababo. Gamit ang spray o wala man, langhapin ang solusyon. Kung ubuhin ka man, wag masyadong mag-alala dahil normal lang yan. Mas mainam kung nakatungo ka para deretso ito sa lababo. Gamit ang bulb syringe o spray, dahan-dahang pataasin sa butas ng ilong ang solusyon. Pwede itong lumabas sa bibig o sa kabilang butas ng ilong. Gawin din ito sa kabilang ilong kung kailangan. Para mas madama mo na malinis ang ilong mo, gumamit ng mag-kaibang bulb syringe. Pagkatapos niyan, suminga ka sa malinis na twalya o tisuue. Napansin ng may mga sakit gaya ng sinus infection, alergy o malalang mga kondisyon sa pag-hinga gaya ng hika na may maganda at pang-matagalang epekto ang regular na nasal lavage o paglilinis ng ilong.




Sa totoo lang, madali lang namang gawin ang pag-lilinis ng ilong sa loob ng bahay mo. Pero kung seryoso na ang kalagayan ng sinus mo, mas magandang kumonsulta sa mga propesyonal. Kung regular mong lilinisin ang ilong mo, kahit na parang hindi maganda o karaniwan yan sa pandinig, mararamdaman mo ang ginhawa. Nakatulong sana sayo ang artikulo na yan.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.