Ang Rabies at ang Nakakatakot Nitong Epekto sa Tao
Simulan natin ang pagkilala sa rabies sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga interesting facts tungkol dito. Isa na dito ay kabilang sa kalahating porsyente ng mga namamatay mula sa rabies ay nasa edad 15 years old at pababa. Ang rabies ay malaking problema sa Asia, Africa at Latin America. Ang rabies virus ay umaatake sa utak at spinal cord. Kapag hindi naagapan, maaaring ikamatay. Kahit anong hayop ay makakakuha ng rabies. Ito ay mapapasa lamang sa pamamagitan laway at hindi ito nakukuha mula sa dugo. Ang mga hayop na may rabies ay iba ang asta. Ang rabies ay isang ancient na sakit. Kung baga mayroon nang records ng mga naapektuhan nito noon pang 3rd century B.C. At ngayon lang late 19th century na ang scientific na pag-aaral dito ay nagsimula. Ang malaking kaalaman sa transmission at pag-progress ng sakit ay nagsisilbing malaking tulong sa publiko upang hindi na makakuha pa ng rabies ang mga tao.
Sanhi at Transmission
Ang rabies ay isang deadly virus na napapasa sa iba sa pamamagitan ng laway ng infected na hayop. At ito ay kadalasang nakukuha buhat ng kagat ng domesticated or wild animals. Ang virus ay umaatake sa nervous sysyem o utak at nagdudulot ng mga neurological complications. Dito sa Southeast Asia, ang malimit na nagdadala ng rabies ay ang mga asong napabayaan sa kalye. Kapag ang isang tao ay nagsimula nang magpakita ng mga sintomas ng rabies, ang sakit ay maaari nang hindi maagapan at ikamatay. Ang rabies virus ay dinadala ng ibat-ibang klase ng hayop tulad ng paniki, aso, pusa, at pati ng mga tao. Sa nauna nang nasabi, ang transmission ng virus patungo sa human host ay nangangailangan ng exposure sa virus, na kadalasang nakukuha sa pamamagitan ng kagat mula sa rabid animal. Subalit, hindi sa lahat ng oras na na-expose ka sa sakit ay makakakuha ka nito. Kailangan ring isaalang-alang kung anong klaseng rabid animal ang kumagat, at pati na ang lokasyon at gaano kalaki at kalalim ang kagat. Halimbawa, kung pinabayaan at hindi binigyang-lunas ang kagat ng aso sa mukha kumpara sa kagat nito sa paa, may mas malaking porsyento ng pagkamatay ang kagat sa mukha. Sa kabuuan, ang lapit o layo ng kagat mula sa ulo ay nagsasabi kung ang taong nakagat ay magkakaroon ng mas malaking risk na magkarabies. Ito ay marahil kung mas malapit sa ulo ay mas malapit sa nervous system. At kahit ang pinakamalaking populasyon ng rabies cases ay mula sa kagat, mga 99.8 na porsyento, may ibang pamamaraan ng transmission tulad ng contamination of mucous membranes, faulty vaccines, corneal transplants. Mayroong nadevelope na vaccines para sa rabies at binibigay ito sa mga hayop upang makontrol ang paglaganap ng rabies.
The etiologic agent causing rabies is the rabies virus through the saliva of infected animals such as cats, cows, dogs, goats, horses, bats, beavers, coyotes, fox, monkeys, raccoons and skunks. In rare cases, the virus has been transmitted to tissue and organ transplant recipients from an infected organ.
Sintomas o paano malalaman kung may rabies
Ang mga unang sintomas ng rabies ay kahalintulad sa flu at bumibilang ng maraming araw. Ang mga sintomas nito ay lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka, hindi mapakali, parang wala sa sarili, mataas ang enerhiya, nahihirapang lumunok, sobra-sobra ang paglalaway, natatakot sa tubig, nag-hahalucinate, hindi makatulog, may ibang parte ng katawan na hindi maigalaw o partial paralysis. Lahat ng mga sintomas kung susumahin ay nagbibigay sa atin ng klasikong mukha ng may rabies – parang naglalaway na rabid animal. Ang mga neurologic na sintomas na ito ay tumatagal ng 2 hanggang 7 ka araw mula sa exposure. Kung minsan, ang pasyente ay namamatay nalang bigla mula sa respiratory o cardiac failure. At ang ibang kaso ay nawawala ang sintomas ng pagiging violente at nagsisimula ang pagkawala sa sarili at paralysis, na nagreresulta sa coma at pagkamatay.
Rabies is an infectious disease that targets the brain and other parts of the nervous system. Symptoms of rabies appear after the incubation period which usually takes two to twelve weeks but it can be as short as four days. The initial symptoms may be mild but can actually worsen in a short period of time. Moreover, it should also be considered that the closer the site of infection is to your brain, the shorter the incubation period. This means that, a bite to your face, head or neck will have a shorter incubation period than a bite to your arm or leg.
The initial symptoms of rabies include a high temperature of 38ºC (100.4ºF) or above, chills, fatigue (extreme tiredness), problems sleeping, lack of appetite, headache, irritability, anxiety, sore throat and vomiting. On the other hand, advanced rabies is manifested as either furious rabies or paralytic rabies.
Furious rabies is characterized by aggressive behavior, agitation, hallucinations, delusions, excessive production of saliva, fever , excessive sweating, the hair on their skin stands up and a sustained erection (in men) while paralytic rabies is described as the stage wherein the patient experiences muscle weakness, loss of sensation that usually begins in the hands and feet before spreading throughout the body.
Lunas, gamot, remedies, cures
Kung ikaw ay nakagat ng hayop na napag-alamang may rabies, ikaw ay makakatanggap ng series of shots para maiwasan ang pag-spread ng rabies virus sa iyong katawan. Halimbawa ng rabies shots ay ang fast-acting shots o rabies immune globulin. Ang pag-inject nito ay malapit sa kung kung saan ka nakagat sa lalong madaling panahon mula nang ikaw ay nakagat. Ikaw ay makakatanggap ng apat na injections sa loob ng labing-apat na araw upang matulungan ang katawan na kilalanin ang rabies virus at sugpuin ito. Kailangan ring i-determine kung ang hayop na kumagat sa iyo ay rabid. Huwag patayin ang mga hayop na kumagat sa iyo. Mas maiging obserbahan sila at sa loob ng sampung araw, kung wala silang sintomas ng panghihina at pagkamatay, ay wala silang rabies. At pwede ka nang hindi sumailalim sa series ng injections. Kung hindi makita o maobserbahan ang hayop na kumagat, ay mas maiging magpa-inject na lang kaagad dahil mas safer magpresume na may rabies ang hayop na iyon kaysa mahuli na ang lahat.
Since the onset of rabies is oftentimes rapid and fatal, prompt management is necessary. Though, there is no specific treatment for rabies infection, there are certain interventions to prevent the virus from infecting the patient. One of these is a fast-acting shot (rabies immune globulin). Part of this injection is given near the area where the animal bit you if possible, as soon as possible after the bite. Moreover, a series of rabies vaccines to help your body learn to identify and fight the rabies virus. Rabies vaccines are given as injections in your arm. You receive four injections over 14 days.
Prevention o paano maiwasan
Ang pinakamalaking factor ng pag-iwas sa rabies ay ang sumusunod. Pabakunahan ang iyong alagang hayop. Huwag silang pabayaang gumala-gala. Ipagbigay alam sa autoridad kung may pagala-galang hayop sa inyong lugar. At kung nakagat ng hayop, hugasan agad ng running water ang sugat. Huwag nang paduguin, sabunin at kumunsulta agad sa doctor para makakuha ng payo kung ano ang dapat gawin.