Rayuma sintomas: Sumasakit tuhod pababa ng bundok

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano sintomas o senyales ng Rayuma? Hiker ako at laging sumasakit ung kaliwa kong tuhod everytime na pababa na ko ng bundok. Hindi sia yung normal na sakit. At sobrang sakit niya kapag inihahakbang ko siya lalo na kung may steps ung lalakaran ko. Rayuma na po ba toh?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello,

Ang rayuma (rheumatoid arthritis) na kalimitang nararamdaman habang tumatanda tayo ay pwede ring maramdaman ng mga bata. Ang osteoarthritis naman ay makikita sa mga old age lamang. Ang pinaka unang dapat malaman ay kung ilang taon ka na? Ang iyong pagiging remontado (mountain climber) ay malaking factor sa pananakit ng iyong tuhod. Habang tayo ay tumatanda (30 up), nababawasang ang synovial fluid na nagsisilbing pampadulas sa mga joints. Dahil dito, tumataas ang friction sa mga nabanggit na lugar gaya ng tuhod. Kaya ito ang sanhi ng pananakit. Malaki rin ang impulwensya ng diet at lifestyle sa agarang pagkakaroon ng arthritis/rayuma. Ang karne (maliban sa isda) at mga beans ay nagtataglay ng uric acids na siyang nagdudulot ng kirot. Nagiging kristal ang mga ito kapag hindi natanggal at dumidikit sa mga joints. Ang paninigarilyo ay nagkukumpromiso ng oxygen para magdala ng sapat na nutrisyon sa ating mga buto at kasu-kasuhan. Kaya nagkakaroon ng kirot dahil hindi sapat na oxygen at nutrisyon ang nakakarating sa mga ito.

Malawak na usapin ang rheumatoid at osteoarthritis. Sa iyong kaso, mainam na mag bed rest muna at itaas ang iyong mga paa gamit ng dalawang unan na patungan. Gawin ng 30 minutes to 1 hour twice a day. Huwag narin munang umakyat sa bundok, sa hagdanan at pati ang pagtatakbo at jogging. Uminom ng NSAIDs gaya ng Meloxicam twice a day para sa sakit at pamamaga. Itigil rin ito pag nawala na ang kirot. Subukan magsupplement ng fish oil 1000 mg a day at chondroitin sulfate.

Balitaan mo ako.

/docjie

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.