Ano ang Tetanus, tetano, o “Lockjaw”? Kilalanin
Ang tetanus bacterium na clostridium tetani, kapamilya ng botulism organism, ay nagpo-produce ng toxin na 50 times na kasing-poisonous ng cobra venom. Ang isang sugat na hindi lalaki sa butas ng karayon ay maaaring maka-harbor ng bacteria para makaproduce ng eksaktong karaming toxin para ikamatay ng isang taong hindi nabakunahan ng tetanus. Ang dami ng purified tetanus na hindi lalagpas sa isang period sa dulo ng pangungusap na ito ay sapat na upang makapatay ng 30 malalaking tao. Ang tetanus ay isa sa mga pinaka-nakamamatay na poison na naitala. Ang natural na tahanan nito ay ang lupa.
Ano Sanhi ng Tetano at Paano Transmission?
Ang sanhi ng tetanus o tetano ay hindi ang bacteria mismo, kundi ang lason na pinapalabas nito. Dahil and bacteria ay “anaerobe” o nananahanan sa lugar na walang oxygen, nagsisimula ang problema nang ito ay nakakapasok sa sugat na hindi inaabot ng oxygen supply. Kaya naman ang puncture wounds ay mas malaking problema dahil ang mga sugat na ito ay sarado at walang air supply. Subalit, ang mga mabababaw na sugat ay maaari ring magka-infection. Ang bacteria ay nagsisimulang dumami agad-agad matapos itong makakita ng walang hangin na lugar. Subalit ang “spores” nito ay maaaring manatiling “dormant” o tulog na nagdudulot ng infection makalipas ang maraming taon. Kapag ang infection ay nagsimula nang magdevelope, ang resulta ay kalunos-lunos. Ang tetanus o “lockjaw” ay isang seryosong bacterial na sakit na umaapekto sa muscles at nerves. Ito ay characterized ng paninigas ng mga muscles ng panga at leeg at maaaring mag-progress sa ibang parte ng katawan. Ang pagkamatay ay buhat ng severe breathing difficulties o cardiac arrest. Sino ang nakakakuha ng tetanus? Dahil sa malawak na immunization, hindi na masyadong marami ang nagkaka-tetanus. Ang tetanus ay mas malimit nakukuha ng matatanda at mga nagtatrabaho sa agrikultura na madalas nakaka-come in contact sa dumi ng hayop. Sa ibang mga kaso, mayroong tinatawag na neonatal tetanus na nangyayari sa sanggol kapag ang mga ina ay hindi nabakunahan ng sapat laban sa tetanus. Ang tetano ay nakukuha sa pamamagitan ng sugat o malalim na cuts na maaaring kontaminado ng organism. Ang tetanus ay maaari ring maakuha sa surgical procedures, kagat ng mga insekto, infection sa ngipin. Hindi ito napapasa buhat sa isang tao patungo sa isa pa. Ang tetanus ay karaniwang lumalagi sa lupa, dust, at dumi.
Tetanus is due to an infection caused by the bacteria called Clostridium tetani. C. tetani is usually found in soil, dust and animal feces. When they enter a deep flesh wound, spores of the bacteria may produce a powerful toxin, tetanospasmin, which actively impairs your motor neurons, nerves that control your muscles. The effect of the toxin on your motor neurons can cause muscle stiffness and spasms — the major signs of tetanus.
Ano ang mga Sintomas (Symptoms) ng tetanus
Ang mga sintomas ng tetano ay maaaring lumabas mula sa ilang araw ng pagka-expose dito hanggang ilang mga lingo buhat na pumasok ang bacteria sa katawan. Umaabot ng 7 hanggang 8 araw na namamalagi ito sa katawan bago magpakita ng pinsala. Narito ang mga sintomas ng tetanus. Paninigas ng muscles ng panga, paninigas ng muscles ng leeg, hirap sa paglunok, paninigas ng muscles ng tiyan, masakit na spasms ng katawan na tumatagal ng maraming minuto na nati-trigger ng mga maliliit na pangyayari tulad ng malamig na hangi, maingay na tunog, o maging sa simpleng paghawak. Ang iba pang sintomas ay lagnat, pagpapawis, mataas na blood pressure, mabilis na tibok ng puso. Tulad ng maraming sakit, mayroon ring mga komplikasyon ang tetanus. Ito ay ang coma, pneumonia, hirap sa paghinga.
Tetanus is a dangerous ailment that affects the nerves which can be fatal if left untreated. A cut or wound may be an obvious sign of tetanus when it is accompanied by stiffness of the neck, jaw, and other muscles, often accompanied by a grotesque, grinning expression, difficulty swallowing, irritability, uncontrollable spasms of the jaw, called lockjaw, and neck muscles and painful, involuntary contraction of other muscles. The patient may also experience restlessness, lack of appetite and drooling.
Ano mga Lunas, cures, paggamot at gamot sa Tetano?
Dahil walang lunas ang tetanus, ang maigi lamang gawin ay ang paglinis sa sugat nang mabuti, mga gamot para maibsan ang sintomas at supportive care. Sa paglilinis ng sugat, linising maigi at kunin ang mga dumi, foreign objects, at patay na tissue mula sa sugat. Ang mga gamot naman para sa mga sintomas ay tetanus antitoxin. Subalit ang antitoxin na ito ay nakaka-neutralize lamang sa toxin na hindi pa nagbond sa nerve tissue. Ang antibiotics ay importante rin. Ang doctor ay maaaring magbigay ng oral o injectable na antibiotics para labanan ang tetanus bacteria. Ang pagpapabakuna ay importante rin. Kapag nagkatetanus na minsan ay hindi ibig sabihin na hindi ka na aatakihin ng bacteria sa susunod. Kaya kailangan ng bakuna para maiwasang muling magka-infection sa susunod na mga taon. May tinatawag ring “sedatives”. Ito iyong mga gamot na nagkokontrol sa muscle spasms. Maaari ring magbigay ang doctor ng magnesium sulfate, beta blockers at kung minsan ay morphine. At para sa supportive care, kailangan ng intensive care ang may tetanus at dahil apektado nito ang paghinga, maaaring kailanganin ang mechanical ventilator.
The initial supportive care for tetanus is given by admitting the patient in the intensive care unit (ICU). Because of the risk of reflex spasms, a dark and quiet environment should be maintained. Unnecessary procedures and manipulations should be avoided. Moreover, patent airway and adequate oxygenation should be maintained. This can be achieved by prophylactic intubation, such as tracheostomy.
On the other hand, the elimination of toxin production is another treatment goal. Antimicrobials such as penicillin G and metronidazole are used to decrease the number of vegetative forms of C tetani (the toxin source) in the wound. Aside from this, tetanus immune globulin (TIG) is recommended for treatment of tetanus, which can only help remove unbound tetanus toxin. Thus, it cannot affect toxin bound to nerve endings.
Lastly, maintenance of adequate nutrition is also important in the patient's recovery. Food should not be given by mouth due to a high risk for aspiration, Instead, nasoduodenal tubes, gastrostomy tube feedings, and parenteral hyperalimentation are the preferred route.
Home Remedies at Prevention (Paano maiwasan) sa tetano
Ang mga puncture wounds at malalalim na sugat, kagat ng hayop at maduduming sugat ay maaaring maging dahilan upang magkaroon ng tetanus infection. Kumunsulta sa doctor lalo na kung ang sugat ay napakalalim at napakarumi. Kapag hindi ka sigurado sa iyong immune status, huwag munang takpan ng bandage ang sugat upang maiwasang matrap ang bacteria. Kapag nagpa-doktor, siya ay maaaring maglinis sa sugat, magbigay ng antibiotic, at booster shot ng tetanus toxoid vaccine. Kung ikaw ay may maliit lamang na sugat, sundin lamang ito upang maiwasan ang tetanus. Lagyan ng pressure ang dumudugong sugat. Panatilihing malinis ang sugat. Ngunit sa malawakang prevention ng tetanus, mas maiging magpa-immunize. Matapos magpa-immunize sa mga pangunahing bakuna, magpa-inject rin ng booster.