Pareho po kaming virgin ng boyfriend ko nung may nangyari samin 2 months ago. Tas last month may mga "rashes" siya sa singit at sa scrotum niya. Mukha daw tong pimples, makati siya madalas sa gabi. May chance na pawala na yung tinutukoy niyang pimples pero may pumapalit / umuusbong na bago. Makati din po siya lalo na after niya mag gym. Sabi ko nga sa kanya baka jock itch yun. Pero nung nagpa check up sila sabi normal lang daw yun.
Naka ilang balik na sila ng nanay niya para sa reseta dahil di na siya mapakali. At one time sabi niya nag ooutbreak na yung "pimple" na yun. Tas nung huling punta nila sa doctor sabi sa kanya lichen planus yun. Pero ni reseach ko yung symptoms mejo malayo sa nararanasan niya. At dun ko naalala na baka nahawa siya sa kapatid niya na nagka galis nung nakaraang buwan pero di siya naniwala sakin dahil malinis naman siya sa gamit. Pero yung symptoms na nararanasan niya eh tugmang tugma sa galis. Pero nung nakaraan nung na biopsy siya ang findings sa kanya may genital warts siya. May possibility po ba na nagkamali po ng reading sa biopsy niya? First sex po namin ang isa't isa paano po magkaka STD isa samin ng ganun ganun nalang?