STD genital warts, orange urine ihi, tagiliran sakit

Ela Gie
is in Kuwait

I dont have vaginal discharge, pero meron po akong genital warts. Tapos yung ihi ko sa umaga orange. Tapos minsan masakit tagiliran. But Im fine, medyo worried kasi may warts ako. I dont know what to do kasi 15 yrs old lang ako. I lost my virginity last year 2 times and more na may nangyari samin (dont judge me po) because we know all teens mapusok. What's the meaning of it po? :(


Translation: I dont't have vaginal diacharge, but I have genital warts. My urine is orange color. Sometimes I feel pain on my side. But I think I'm fine. I'm just worried because I have warts. I don't know what to do because I'm only 15 years old. I lost my virginity last year and had sex more than twice already. Please dob't judge me, since we all know that teens are impulsive. What should I do?







1 person likes this

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hi ella,

Ok lang, walang magjujudge sa iyo. Kung meron man, hayaan mo lang. Hindi man dapat kahangaan ang iyong ginawa eh nakakabilib naman ang iyong paglantad at paghingi ng tulong. Madaming kagaya mo ang nahihiyang magtanong sa kanilang sakit.

Ang orange o dalandan na ihi ay maaring sanhi ng isang sakit sa atay o di kayay normal lamang na epekto ng isang antibiotic o minsan ay mga vitamin supplements. Magiging dalandan din ang ihi kung ito ay concentrated sanhi ng kaunting iniinom na tubig. Dapat 8-12 baso ng tubig ang iniinom ng isang indibidwal sa isang araw.

Ang genital warts ay sobrang nakakahawa. Sa ngayon, ikaw ay isang carrier. Ibig sabihin pwede mong mahawaan ang kung simumang makakatalik mo. Samakatuwid, kailangan mong magpagamot sa duktor. Kumunsulta sa iyong gynecologist sa lalong madaling panahon.

May mga pagpipilian kang paraan ng gamutan. may topical o gel, karaniwan ay Podofilox o di kaya Imiquimod cream. Subalit hindi 100% ang paggaling sa mga creams lamang. Ang excision o cautery ay ang mismong pagtanggal ng warts sa kanyang kinalalagyan. Ito ay very effective. Ang payo ko ay combination therapy o ang pagpapa excise ng warts at paggamit ng gel/cream pagkatapos ng excision. Mas nakakasigurong hindi babalik ang warts sa combination therapy.

Balitaan mo ako kung anung hakbang ang iyog ginawa. Ang pagsakit ng iyong balakang sa kabilang banda ay walang kinalamn ng iyong genital warts. Isannguni na rin ito sa iyong gyne. Ingat.

Doc Rands
Atsuck Lee
is a none in the Philippines
nko last 2.year pa yan ng yare sau ibig sabihin matagal kna my tulo .. mg pa consolt kana po sa doctor wag mahiya dahil buhay mo ang nka salalay jn .
Atsuck Lee
is a none in the Philippines
doc my tanung din ako wala pa kc nasagot ng tanung ko doc nag ka gonnorhea po ako dulot ng sexual contact & 1.st ng yare nun feb 25.2k15 & nalaman ko nlng nag tulo nko mga march 6.2k15 nag self medications po ako nka pero nag tae po ako kati kati after ku sia nagamot at nagamot ko nmn nawala po yun fuel discharge then tumagal po ng march 31 bago kupo nalaman na my oral gonnorhea ako april 1.2k15 nun nag pa consulta nko sa doctor niresetahan po ng 3 meds yun isa pang 7days ko tinake yun isa pang 15 antipungal ata yun tas yun isa nmn 10.days ko tinake yun para sa oral mount 20.Pisces... sa ngaun po kc nkka randam ako ng pag kati kati padin at my singaw padin po ako sa gums pero yun sa labe ko nawala na pero nag pa lab test npo sabe sa resolt non react po sa dugo ko . ibig sabihin ba dok my pag asa pato gumaling hanggat hndi pa nakkuntamina ng gonnorhea yun dugo ko . please response sa ngaun po nag ttake padin ako ng meds ng dok tas tea na soursop leaves & fruits malunggay leaves guava leaves & ginger ni extract kupo yan at ginawang tea ...

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.