Ano ang ulcer?
Ang ulcer ay mga butas sa lining na pumoprotekta sa duodenum (taas na parte ng maliit na bituka) o sa tiyan- - mga bahagi ng tiyan na may contact sa asido ng tiyan at enzymes.
Ulcer, either gastric or duodenal, affects the lives and productivity of people affected by it. Considering patient's history as the sole basis may not be enough to diagnose the existence of either gastric or duodenal ulcer because its main symptoms may be associated with other disease. Hence, in some cases, the patient needs to undergo further laboratory work-up and diagnostic procedure to rule out other existing problems.
Sa konbensyunal na paniniwala noong 1980’s, ang ulcers ay sanhi ng stress, labis na paglabas ng asido ng tiyan, maling ugali o nakasanayan (sobrang pagkain ng matatabang pagkain, alkohol, kape at tobacco), o pagpapalipas ng gutom. Ang mga ito ay pinaniniwalaang nakakadagdag ng pagdami ng mga asido sa tiyan na nagwawasak ng mga linings na pumoprotekta ng tiyan, duodenum o esophagus.
Bagamat ang labis na paglabas ng asido sa tiyan ay may kontribusyon sa pag-unlad ng ulcer, maraming naniniwala rin ngayon na ang sanhi ng ulcers ay impeksyon ng bakterya.
Ang iba pang sanhi ng ulcers ay labis na pag-inom ng mga pain killers tulad ng aspirin, ibuprofen, and naproxen), labis na pag-inom at paninigarilyo. Sinasabi sa pag-aaral na ang mga taong mahilig manigarilyo ay mas madaling tamaan ng duodenal ulcers. Ang mga taong mahilig uminom ay mas madaling magkaroon ng esophageal ulcers. At ang mga taong labis ang pag-inom ng mga gamot sa matagal na panahon ay madaling kapitan ng stomach ulcers.
Mga sintomas / symptoms
Ang nag-aalab na pananakit ay ang karaniwang sintomas ng ulcer. Ang pananakit ng tiyan ay sanhi ng ulcer na pinatitindi ng asido sa tiyan kapag dumidikit ito sa parte ng tiyan na walang ulcer. Ang pananakit ay tipikal na:
· Mararamdaman saan mang parte ng katawan mula pusod hanggang dibdib
· Lalong masakit ang tiyan kapag walang laman
· Pagsiklab ng tiyan sa gabi
· Pansamantalang gumiginhawa ang pakiramdam kapag kumakain na nagpapahina ng lakas ng asido sa tiyan o kapag umiinom ng gamot na pampabawas asido
· Mawawala saglit at muling babalik pagkalipas ng ilang araw o linggo
Iba pang tanda at sintomas
Minsan, ang ulcer ay may malalalang sintomas tulad ng:
· Pagsuka ng dugo na kulay pula o itim
· Kulay itim na dumi
· Nausea o pagsusuka
· Di maipaliwanag na pagbaba ng timbang
· Pabago-bago ng gana sa pagkain
A patient's history may reveal epigastric pain as the most common chief complaint. The pain is characterized by a gnawing or burning sensation and occurs after meals—classically, shortly after meals with gastric ulcer which can be minimally relieved by food and 2-3 hours afterward with duodenal ulcer which can be totally relieved by food or antacids and can awaken the patient at night. Pain with radiation to the back is suggestive of a posterior penetrating gastric ulcer complicated by pancreatitis. Furthermore, patients with chronic, untreated duodenal ulcer may also experience bloating and fullness associated with nausea and emesis several hours after food intake.
Mga Sanhi / Causes
· Nagpapalipas ng gutom, sobrang pagkain ng matatabang pagkain, alkohol, kape at tobacco
· Bakterya / Bacteria
Helicobacter pylori ang baktiryang nananahan sa mucous layer na bumabalot at pumoprotekta sa tissues ng tiyan at maliit na bituka. Madalas, ang baktiryang ito ay hindi nagdudulot ng anumang problema ngunit pwedeng maging sanhi ng pamamaga ng panloob na patong ng tiyan na nagdudulot ng ulcer.
· Regular na paggamit ng pain reliever
Ang ibang gamot na nirereseta ng doktor ay pwedeng makairita at makamaga ng lining ng iyong tiyan at maliit na bituka. Ang ganitong mga gamot ay tulad ng aspirin, ibuprofen (Advil, Motrin IB), naproxen, ketoprofen at iba pa.
· Iba pang medikasyon
Iba pang gamot na sanhi ng ulcers ay mga gamot na nagpapagaling ng osteoporosis tulad ng biphosphonates (Actonel, Fosamax) and potassium supplements.
On the other hand, the most common causes of ulcer are attributed to excessive gastric acid secretion. These include poor lifestyle habits (including overindulging in rich and fatty foods, alcohol, caffeine, and tobacco) and overuse of over-the-counter painkillers (such as aspirin, ibuprofen, and naproxen). Aside from this, in a research study conducted since the mid-1980s, it was revealed that the primary cause of ulcers is the infection by Helicobacter pylori (H. pylori) bacteria.
Risk factors
Mataas ang tyansang magkaroon ka ng ulcer kung ikaw ay madalas maninigarilyo at umiinom ng alkohol. Kinakain ng alkohol ang mucous lining ng iyong tiyan at pinatataas ang produksyon ng asido nito.
Mga Komplikasyon / Complications
- Panloob na pagdurugo. Pwedeng mangyari ang pagdurugo dahil sa unti-unting pagkaubos ng dugo nagiging daan sa pagkakaroon anemia. Ang malalang pagkawala ng dugo ay dahilan rin ng kulay itim na dumi at pagsuka ng may kasamang dugo.
- Impeksyon. Ang ulcer ay kayang kainin ang malaking bahagi ng iyong tiyan o maliit na bituka, dahilan upang magkaroon ka ng seryosong impeksyon sa iyong abdominal cavity o lukab ng tiyan.
- Scar tissue. Ang ulcer ay pwede ring magproduce ng scar tissue na nakakasagabal ng daanan ng pagkain papuntang digestive tract, sanhi upang mabusog ka agad, magsuka o bumaba ang iyong timbang.
Paggamot / Cures/ Remedies/ Treatment
- Antibiotics para patayin ang baktiryang H. Pylori. Kapag nakita sa iyong digestive tract ang H. Pylori, ang iyong doktor ay pwedeng magrekomenda ng pinagsamang mga antibiotics para patayin ang baktirya. Maaring paiinumin ka sa loob ng dalawang lingo ng mga gamot (antibiotics) para mabawasan ang asido sa iyong tiyan.
- Mga gamot na sumasagabal ng asido at nagpapagaling. Ang proton pump inhibitors ay nagpapababa ng asido sa tiyan sa pamamagitan ng pagsagabal nito sa aksyon ng mga parte ng selyula na nagpoproduce ng asido.
- Mga gamot na nagpapabawas ng produksyon ng asido. Acid-blockers na tinatawag ring histamine blockers ay binabawasan ang dami ng asido sa tiyan na lumalabas sa iyong digestive tract.
- Antacids na nagnu-neutralize ng asido. Ang iyong doktor ay pwedeng magsama ng antacid sa iyong mga pag-inom ng gamot. Ang mga side effects ng antacids ay pagtitibi o pagtatae. Ang mga antacids ay nagpapaluwag ng mga sintomas, pero hindi nagpapagaling ng ulcer.
- Mga gamot na pumoprotekta sa lining ng iyong tiyan at maliit na bituka. Ang iyong doktor ay pwedeng magreseta ng mga gamot na tinatawag na cytoprotective agents na tumutulong magprotekta ng tissues ng iyong tiyan at maliit na bituka.
Most importantly, given the fact that ulcer is brought about by different factors, treatment would be specific to the root cause. If the cause is H. pylori infection, antibiotics may be prescribed. Aside from this, healthy diet with considerable amount of food that can promote and prevent ulceration is also beneficial. Flavonoids which naturally occur in fruits and vegetables such as apples, legumes and soybeans are some of the good examples. Lastly, deglycyrrhizinated licorice can also be helpful in ulcer healing.
Pamumuhay at mga Remedyo
- Mamili ng masustansyang diyeta. Pumili ng mga masusustansyang pagkain na madami sa prutas, gulay at whole grains. Ang hindi pagkain ng mga pagkaing madami sa bitamina ay nagpapahirap sa iyong katawan na labanan ang ulcer.
- Subukang palitan mga pain relievers. Kapag lagi kang gumagamit ng mga pain relievers, tanungin ang iyong doktor kung ang acetaminophen (Tylenol) ay pupwede para sa iyo.
- Pagkontrol sa stress. Ang stress ay nagpapalala ng mga sintomas ng ulcer. Suriin ang iyong buhay para matukoy kung saan nanggagaling ang iyong stress at gawin ang lahat ng iyong makakaya para masulusyunan ang mga sanhi nito. Ang ibang stress ay hindi maiiwasan, pero maaari mong matutunang kayanin ang stress sa pag-e-ehersisyo, pakikihalubilo sa mga kaibigan o pagsusulat sa iyong journal.
- Huwag manigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakakahimasok sa lining na pumoprotekta sa iyong tiyan, ginagawang mas madaling tablan ang iyong tiyan sa pag-unlad ng ulcer. Pinapataas rin ng paninigarilyo ang asido ng iyong tiyan.
- Itigil o bawasan ang pag-inom. Ang sobrang paggamit ng alkohol ay nakakapagpaguho ng mucous lining sa iyong tiyan at mga bituka, na nagsasanhi ng pamamaga at pagdurugo.
Paano Maiiwasan /Prevention
- Protektahan ang iyong sarili sa impeksyon.
- Palaging hugasan ang kamay ng sabon at tubig at kumain ng mga pagkaing naluto ng mabuti.
- Kumain sa tamang oras.
- Mag-ingat sa paggamit ng pain relievers.
Ugaliing uminom ng gamot kasabay ng pagkain. Makipag-usap sa iyong doktor kung anong pinakamababang dosage ang makapagbibigay sayo ng ginhawa.