Nagkaron kami ng contact ng bf ko July 11. Hindi nya nilabas sa loob at sandali lang pinasok kasi sabi ko ayaw ko dahil natakot ako. Tapos nagkaron ako ng July 28 unang araw ay nagkaron ng 2 red drops tapos naglagay ako ng pad tapos mag lumabas na pinkish na mucus tapos tuloy tuloy na heavy bleeding hanggang August 2 heavy sya at may clots. Naka 10+ na akong PT including ngayon at lahat sila negative.
Nagpa Trans Vaginal Scan TVS na rin ako nung August 8 at walang nakita ang doctor. Sabi lang ay thin endometrium 5 mm at polycstic ovaries at isa pang tvs ng August 15 at wala rin nakita: Thick endometrium lang, 15mm pero di pa daw ako nago-ovulate. Proliferative stage pa lang daw at may dominant follicle PCOS pa rin at retroverted uterus. Nagka symptoms ako before ako magkaron pero nawala a day before ako magkaron minsan feeling ko nasusuka ako at nahihilo pero minsan wala madalas rin ako umihi. Posibble bang buntis ako kahit lahat ng signs hindi ako buntis???