Nagkaroon po ako november 23 at natpos nong 27 then nag sex po kame ng bf ko nun

Mimi Bibi
is in the Philippines Medical History

nagkaroon po ako november 23 at natpos nong 27 then nag sex po kame ng bf ko nung december 3, then sa loob niya po pinutok yung semilya niya, may possibilty po bang mabuntis ? at ngayon po naglalabas ang pwerta ko ng white mens normal lang po bang labasan ng white mens ? madami po kasi siya . salamat po


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Typically, Menstrual Cycle ng isang babae ay 25-32 days, average ay 28 days. Ang pagbilang ay mula sa unang araw ng iyong huling regla. Day 1-7 (madalas 3-7): pagreregla ng kababailhan Day 8-12: ang paghahanda at pangangapal ng matres para sa posibilidad ng pagbubuntis. Day 14 (day 12-16): ang ovulation o paglabas ng itlog mula sa obaryo. Ito din ang panahon kung saan ang babae ay matuturing na fertile o maaring magdalang-tao kung nakipagtalik sa mga araw na ito. Day 17 onwards: ito ang panahon kung saan maaring mangapal pa ang matres kung ikaw ay nabuntis OR ang panahon na ang namuong dugo ay magsisimulang numipis kung ikaw ay hindi nagbuntis at niregla. Kung bibilangin ang araw ng iyon pakikipagtalik, ito ay naganap sa iyong Day 10, wala pa sa araw ng iyong ovulation ngunit ang maapit na dito. ang mga araw sa menstrual cycle kasi ay variable, meaning iba iba ito sa kada babae sa kada buwan. may posibilidad na magstart ka ng mag ovulate dito at may posibilidad dn na magbuntis.
Mimi Bibi
is in the Philippines Medical History
ilang days po ba bago makipag talik after menstruation ? yung unsafe :D kasi po we want baby na kaso ayaw niyang mabuo HAHA :D kase po pa iba iba po yung cycle days ng mens ko, minsan delayed umaabot ng 35 days bago ako magkaroon pero po may sex pong nagaganap then wala naman pong nabubuo na baby .
kase po last October 15 then nag sex po kame ng bf ko then nung 16 po nagkaroon ako . then November na dela7ed ako ng 1 week .
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Ang fertile period ng isang babae ay approximately 14-17 days mula sa unang araw ng huling regla. Ito ang mga araw na ikaw ay nagoovulate at handa na ang itlog na ifefertilize ng sperm ng iyong partner. Wishing you all the best! God bless to you and your future baby!
Mimi Bibi
is in the Philippines Medical History
sana po mabuo na baby namin :D sa ngayon po nag bobloated po yung tiyan ko then nangingirot yung bandang itaas ng tiyan ko minsan naman sumasakit the I feel na pumapntay yung balakang ko sa tiyan ko . sign po ba yun ? then hinahawakan ko naman po yung pulso sa may bandang leeg di naman malakas parang normal siya .
Mimi Bibi
is in the Philippines Medical History
tsaka po doc nilalabasan ako ng white mens na buo buo . tapos yung ihi ko color yellow . WALA NAMAN PO AKONG NARARAMDANG HILO OR WHAT .
yung parang busog ako lagi then yung tiyan ko po nagiging bloated . SALAMAT PO DOC SA MGA SAGOT
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
NAg paglabas ng white mens sa kababaihan ay normal as long as ito ay hindi mabaho at walang kaakibat na pananakit. Ang mga glands sa ari ay naglalabas ng mucus bilang panlaban sa mga bacteria na maaring maka-infect dito. Ito ay isang mekanismo upang maprotektahan ang ari mula sa normal flora na bacteria ng katawan at sa mga bacteria mula sa labas ng katawan. usually, dumadami ang white discharge na ito sa panahon ng ovulation ing isang babae.

About the author

Dr. LJ Figuero

Hi! I'm LJ Figueroa, a medical doctor and a licensed clinical laboratory scientist by profession. I am also a researcher - awarded as the Most Outstanding Student Researcher when I graduated from medical school for my work which was presented in an International Conference in the Asia-Pacific Region in 2017 ; awarded as the best in Research and Statistics in 2009; I have also presented our studies in other local conferences for medical doctors.
Profession: General Practice
Philippines
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.