Naraspa po ako due to complete molar pregnancy

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Naraspa po ako last JUly 12, 2017 due to complete molar pregnancy almost 8 weeks na po akong delayed that time and nadetect un through transvaginal ultrasound. After kong maraspa until now ay may pakonyi-konti pang discharge na lumalabas sa akin, and ang pinagtataka ko po ay until now po nararamdaman ko pa rin po yung pakiramdam ng naglilihi, nagduduwal po ako, maselan p rin po pang-amoy ko pati sa foods.

Nagpablood test po aq last July 18 at ang result po ng beta-Hcg ko as my baseline ay 155,000 and nakaschedule po aq uli magpablood test sa Aug. 11 para makkta kung may bumaba na ung Hcg level ko. Need daw po kasi imonitor un at dpt bumaba sya hanggang sa mahing zero. Ask ko lang po kung normal lang pi ba ung narramdamn ko at ung discharge kahit mag- 4 weeks na ako nararaspa? Pls help me to pray na bumaba na ung Hcg level ko. Thanks po sa sasagot. God bless us po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Hello po Mam! Kapag po nabuntis ang isang babae ay tumataas po ang Hcg. Ito po ay isang pregnancy hormone na inilalabas ng mga cells na bubuo sa placenta. Ang sabi nyo po ay naraspa kyo dahil may molar pregnancy o H-mole kayo. Kapag ganito po ang nangyari ay may nabubuong mass sa inyong uterus ngunit hindi ito mabubuo bilang baby at kailangang alisin. Ang mass na ito na kilala bilang hydatidiform mole ay nagiging rason kung bakit tumataas ang Hcg, ang hormone na responsable sa mga sintomas ng pagbubuntis. Dahil hindi pa lubusang bumaba ang level ng Hcg niyo ay nakakaramdam pa rin po kayo ng sintomas ng pagbubuntis. Tungkol naman po sa discharge ninyo, normal lang po yung may konti na lumalabas na discharge. Kadalasan po tumatagal ito 10-14 days. Kung maging heavy po ang bleeding ninyo at may kakaibang amoy ito ay kailangan niyo pong ipaalam ito sa inyong OB, pero maganda na rin po na ipaalam ninyo ang patuloy pa rin na discharge ninyo sa next check-up po.
Allysa Manalang
is in the Philippines Medical History
Hello po mam Ching Trinidad, thanks po sa information. Sinabi ko na po sa OB ko na until now na mag-1month n aq naraspa ay still may discharge pa rin na lumalabas paunti-unti, ang sabi po nya ay tlga daw pong may ganung katagal nagkakadischarge. Ang worry ko po ay baka po kasi hindi nakuha lahat ng OB ko yung mass/ hmole nung niraspa nya ako kaya until now may discharge p ako. Kasi before po ako maraspa at hindi pa namin alam na may hmole ako ay pinainim nya aq ng duphaston dahil po nagsspotting po aq that time. Then nung nagpasecond trans v aq saka lang nadetect na molar pregnancy pala, kaya kinabukasan schedule agad aq for D & C. May possibility po bang may maiwan sa loob nung niraspa ako? Thanks po uli.. God bless...
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Hello po Mam Allysa! Kapag nag undergo po ng D&C may possibility po na may konti pang tissue na matira sa loob pero kadalasan naman po ay nailalabas na po ito kasama po sa discharge o dugo na lumalabas sa inyo. Ngunit kung meron po kayong heavy bleeding o impeksyon maaari pong ulitin ang D&C. Gaya naman po ng sabi ng inyong OB ay meron talagang ganun katagal nagkakadischarge, basta take note lang po sa dami ng dugo na inilalabas.
Allysa Manalang
is in the Philippines Medical History
Thank you po uli mam Ching. Iupdate po kita sa result ng beta-Hcg level ko, by wed or thur. magpapablood test po aq. Please include me to your prayer na tuluy-tuloy na paggaling ko at pagbaba ng Hcg level ko. Again mam thank you so much. God bless you.
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Welcome po Ms.Allysa, sige po ipag pray natin na tuloy- tuloy na po ang paggaling nyo. God bless po!
Allysa Manalang
is in the Philippines Medical History
Hello ma'am Ching, May result na po yung 2nd blood test ko para sa Beta- Hcg quantitative ko, nakakalungkot po ang result, kasi po ang baseline ko po nung July 18 ay nasa 155k then 2nd result ko po kahapon, Aug.10 ay nasa 430k na po.. nagwoworry po ako, kasi napapansin ko rin po pati ng mother ko na para bang lumalaki tiyan ko. D ko po alm kung dhil b s tumaba ako at one month nang laging nakahiga na lang at f naeexercise or may something pa sa tiyan ko. Bukas po papacheck-up po aq para mainform ko ung OB ko. Nakakworry po talaga... pls give me an advice mam.. thanks po
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Hello po Mam Allysa! Base po sa kwento nyo 8 weeks po ng madiskubre na may complete molar pregnancy po kayo. Sa panahon pong 8-10weeks ng pagbubuntis po kasi pinakamataas ang level ng Hcg, at dahil po dun mas mabagal po bumaba ang level nito kumpara sa ibang weeks. Kadalasan po ay nagkakaroon ng bloating after po ng abortion procedure (yung D&C na ginawa sa inyo) dahil po s pregnancy at bleeding hormones, hindi po ba't medyo mataas pa ang Hcg ninyo. Maaari rin pong dahil ito sa mga pain medication na iniinom ninyo, sa kakulangan ng activity dahil nabanggit niyo nga po na lagi kayong nakahiga at kulang sa exercise for a month, pwede rin po dahil kulang kayo sa fluids. Pwede po kayong uminom ng peppermint tea para po marelax ang stomach muscles ninyo at lagi po dapat kayong hydrated. Kung nilalagnat po kayo, dinudugo ng marami, nagchichills at nakakaramdam ng matinding cramps ay dapat po ikonsulta ninyo kaagad sa doctor ninyo.
Allysa Manalang
is in the Philippines Medical History
Hello po mam Ching.. nkkapanlumo ang result ng trans v ko, nagpcheck up po aq knina, IE nya aq, sb mukhang malaki matres ko, binigyn ny aq request for trans v, then ang result is probably daw choriocarcinoma.. sb ng OB ko need dw agad hysterectomy. Sb ko bk ppwdeng magsecond trans v kmi, sb ny eh un dw pinagoatrans v ko eh un n dw ang pinkmgaling lugar nmin. Nkkshock po. D ko tuloy alm ggwin ko.. mam can O get your fb acct or email pr maisend ko po sau ung mga result. Please po.. thanks po
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Hello po Mam Allysa,nagulat po ako sa result ng trans v ninyo. Ang suggestion ko po sa ngayon ay magpatingin po kayo asap sa isa pang OB-Gyne for second opinion para malaman po kung kinakailangan nga po kayong mahisterectomy. Sa totoo po Mam alam ko sobrang upset po kayo ngayon at alam ko po si Lord ay nariyan po nakabantay at nakikinig sa inyo. He has given me miracles also when I thought I was supposed to undergo 2 operations already. I will include you in my prayers Mam, don't lose faith. In God everything is possible po, basta pray lang po tayo.
Allysa Manalang
is in the Philippines Medical History
Mam Ching tama po kayo, tlgang ipset po ako naun, pero walang imposible sa Lord.. may nakausap po akong OB kaso through fone lanf, sb nya magpatrans v ako uli asap and wag kong ssbihin ung history ko just to see if magtutugma sila ng result sa isang trans v ko. Hirap po mam, wala pa po husband ko dito s pinas. Nagtuturo aq then I have to kids. Hirap po. Mam pag po ba lumipat ako ob eh need ko po bang sbihin s ob ung history ko? Minsan tuloy naiisip ko d naraspa ng ayus nung OB ko kaya ganito. Ewan ko po, gusto ko po sana sa manila pacheck-up kaso po malayo . Hirap po mam.. Mmya po papatrans v ako uli z ibang UTZ. Please includ eme to your prayers mam..
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Hello Mam!Maganda naman po ang advise ng nakausap ninyong OB. Pwede niyo pong sabihin yung pagkakaraspa sa inyo at yung mga naramdaman po ninyo pagkatapos nun until ung last result ng Hcg ninyo. Isabi niyo na lang po ang concerns ninyo para po gawin yung trans v ultrasound at malaman kung may pagkakaiba sa makita ng bagong OB. Pray hard lang po!
Allysa Manalang
is in the Philippines Medical History
Mam ok lang po ba na kapag nagpatrans v ako mamaya eh d ko sbihin sa sonologist ung mga procedure na ginawa sa akin? Ok lang ba na sbihin ko n lang muna na nagspotting aq? Un lang. Kasi minsan naiisip ko na bka kaya gnun naging result ng huling trans v ko eh dhil nagrely lang sila sa history ko at s huling trans v ko bago ko D& C? Mam alm mo po gusto ko po tlga pkita sau lht ng lab test at UTZ result ko.. d ko lang po alm kung s paanong paraan.. I know God is always there..
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Hello po Mam! Pwede niyo pong ipakita lahat ng lab tests at ultrasound ninyo pero huwag niyo na lang po sabihin na kakagawa niyo lang po ulit ng trans v utz para po mapagkumpara yung nauna ninyong utz bago po kayo magundergo ng D&C at imention niyo na rin po ung nangyayaring spotting at bloating po sa inyo at isabay niyo rin pong itanong kung kailangan niyo ulit maultrasound.
Allysa Manalang
is in the Philippines Medical History
Mam balak ko po kc n magpatrans v uli agad todaythen kung magtutugma s result khpon. Wl po kc OB dito pg sunday kya bukas p po aq mkkpagpacheck up s ibang ob. Sa pagpapatrans v ko po sana na balak kong d imention ung mga procedure n ginawa s skin before pr po malaman kung magtutugma s trans v ko kahapon. Anu po kaya mainam? Hirap po mam. Slmat po sa time.. Bahala na po ang Lord s kabutihan mo.
Allysa Manalang
is in the Philippines Medical History
Mam gusto po kita maadd s fb kaso d ko alm name mo s fb, just to share my feelings of being upset.. gusto ko po sana n unahin n muna ung trans v bago po aq magpacheck up bukas. And d ko po ssbihin s sonologist about my history, kundi ung spotting lng muna cguro ssbihin ko? Anu po kaya mam mainam? Thanks po uli
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Kamusta na po kayo Mam Allysa? Sna po ay okay lang kayo.
Allysa Manalang
is in the Philippines Medical History
Hello po mam Ching, God is good po.. nagsecond opinion po sa Fabella then nirefer po aq s tropho specialist.. nacheck-up nya po ako kahpon then pinagpalaboratory nya aq with cray and trans v.. wl p pong result ng xray at laboratory, ung utz p lang po ang nakuha ko result. GTD po ang impression probably hmole po. By tomorrow po papakita ko na ung nga result s Dr, then by that dun po kami magstart kung panung medication gagawin s akin. I always pray n d na po umabot sa lungs ung problem. Pero mabuti talaga mam Ching ang Lord. Marami kaung mga naging instrument Nya para patuloy na kumakas loob ko. He is our Great Healer. To God be all the highest Glory.. mam update kita tom. Thanks po sa iyo.. God bless po..
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.