Natural na Gamot sa Ulcer o Nangangasim Sikmura o Humihilab tiyan o Sinisikmura

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang Pilipinas ay pang labing dalawang (12th) bansa sa buong mundo na may pinakamaraming namatay dahil sa sakit na ulcer. Madalas nararamdaman natin ang paghilab ng tiyan, pero napakamahal ng gamot ngayon at lalo na pag ma-ospital. Meron bang mga mura at mabisang paraan laban sa ulser?
 
Narito mga pagkaing makakatulong sa ulser:

Katas ng repolyo o cabbage juice) - Ang repolyo ay may mataas na vitamin C. Ang pagkain o pag-inom ng katas ng repolyo ay mabisang panlunas at pampigil sa ulser. Ang vitamin C ay tumutulong pabilisin ang pag-galing ng sugat. Pinapabagal din nito ang pagkalat ng impeksyon dulot ng bakterya ng ulcer. Hiwain mga 3 tasang repolyo ng pinong pino, pagkatapos ilagay ito sa blender kasama ang isang tasang tubig. Paaadarin ang blender ng mga 1-2 minuto. Kung walang blender, maaari ring pigain gamit ang kamay, at isala sa mangkok. Inumin lamang ang katas nito.
 
Pulot  o Honey – base sa pag-aaral, ang pulot ay may malakas na panlaban sa bakteryang tinatawag na H. Pylori, na nagdudulot ng ulser. Ang honey din ay nagpapabilis ng paghilom ng ulcer.
 
Bawang – mabisa ang bawang sa pagpapabagal ng pagkalat ng ulser. Ang pagkain ng 2 pirasong hilaw na bawang sa loob ng 3 araw ay napakabisa sa pag-papapababa ng bakterya sa tiyan base sa mga pag-aaral.
 
Pagkain ng gulay at prutas na mayaman sa flavonoids, kagaya ng:
-          Ubas
-          Broccolli
-          Mansanas (Apples)
Ang mga pagkaing ito ay nakatutulong sa paglaban sa mga bakteryang nagdudulot ng ulser. Ito din ay nag-papatibay ng iyong sikmura para mapabilis ang pagaling nito.
 
Probiotics - Ang probiotics ay mga pagkain na may mga good bacteria na nakakabuti sa katawan. Nakakatulong din ang mga probiotics sa panunaw. Pwera dito, nakatutulong ito na padamihin ang likido sa sikmura, na bumabalot bilang proteksyon. Halimbawa ng mga pagkaing may probiotics ay:
- Yakult
- Atsara
- Yogurt
 
Upang mas mapabilis ang pag-galing at makaiwas sa ulser, dapat din bawasan o tumigil sa pag-inom ng:
Alak - ang alak ay nakakasira ng sikmura at ibang parte ng panunaw.  Ang sobrang alak ay nagdudulot ng pamamaga at  pagkasugat sa sikmura.
Kape – ang pag-inom ng kape ay nakakapag-pataas ng stomach acid. Kaya marami ang nagsasabi na sumakakit ang kanilang sikmura pag naso-sobrahan sa kape. Ang sobrang asido sa sikmura ay maaaring mag dulot ng ulser
Softdrinks – kagaya ng kape, ang pag-inom nito ay nagdudulot din ng pagka-irita sa iyong sikmura.
Gatas - ang mga may ulser ay dapat din umiwas sa pag-inom ng gatas. Ang gatas ay nakakapag-pataas din ng stomach acid kagaya ng mga naunang inumin.
 
Huwag basta basta iinom ng gamot na hindi nirekomenda ng doktor. Hangga’t di ka natetest o nasusuri ng doktor, hindi ka pa din siguro kung ulser nga ang dahilan ng pag sakit ng iyong sikmura. Ang pag-inom ng maling gamot ay maaaring magpalala pa lalo ng iyong kondisyon.
Maaaring nakatulong sa iyo ang mga nabanggit sa itaas. Ngunit kung akala mo simpleng sakit lang ito, wag maging kampante. Yung simpleng sakit ng tiyan, baka di lang basta ulser. Ang ulser pag napabayaan ay maaaring butasin ang iyong sikmura o mas malala maging kanser sa tiyan. Kaya ugaliing kumain ng tama at agad mag-patingin sa doktor o sa inyong health center kung may kakaibang nararamdaman.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.