Gusto ng umuwi sa Pinas ngayon, kelangan pa ba bayaran kontrata?

IRENE Almonte
is a Domestic helper in Saudi Arabia

Gusto ko lang po sanang manghingi ng payo. I am currently wrking here in Saudi, Dammam city. DH po work ko and 1st timer po ako. Almost 5 months p ako dito ung employer ko po ay pinaparenta ako sa ibang bahay kibale binabayaran siya ng 5400 SAR per month tas kung oras lang ung rent ay nagkahalaga ng 20 sar per hour. But bihira lang my magrent sakin ng oras kadaladan month talaga or weeks. Ang sahod ko po ay 1500 but pag may magrent my commission ako ng 10 SAR per day. So if 1 month ang rent nahkahalaga ng 1800 sar ung sahod ko. Kibali doble ung kita ng employer ko sakin. Noong una okay lang sakin kasi sabi nya pag ayaw ko d taw nya ako pipilitin magwork sa iba. Pero noong umayaw na ako gusto ko ng mag stay in di po ako pinayagan. Kung sakali po gusto kong umuwi makakauwi kaya ako? Kung magsusumbong ako sa embahada kc ung agency ko po walang reply sa message ko.

Kasi 2 beses narin ako muntikang na rape sa ibang bahay kaya natakot ako at ayaw ko na po maghanap ng ibang employer gusto ko umuwi kung pwede ako makakauwi na d ko babayaran ung contrata kahit akin nalang po ang pmasahe basta sa contrata hindi pabayaran sakin kasi wala naman akong nilabag sa kasunduan namin sa contrata tas ung nag rent sakin kung saan saan din ako pinapatrabaho at minsan pinapagalitan p ako ng employer ko kpg mtgal ako ggcng kc 16 hours nklgay sa contrata so 8 hours pahinga ko sabi ng employer ko pg sa ibng bahay ako mgwrk 6 hours lng pahinga ko or nagkadepende kng anong oras sasabihin sa nagrent sakin .sana po mabigyan nyo ako ng payo sa post kong ito at nawa'y walang mg copy paste nito at e post kung saan saan kc ayw ko pobg mkarating sa family ko dhl ayw kong mag alala sila sakin

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
As far as I know, ang ginagawa ng employer mo ay labag sa Saudi law. Una, siya ay hindi rehistrado na employment agency. So hindi siya lisensiyado sa ganitong business. Pangalawa, siya ay pumirma ng kontrata na siya ang employer mo, kaya dapat ay sundin niya ang kontrata ninyo.

Sa ilalim ng International Law, ang ginagawa ng employer mo ay maituturing na human trafficking. Bakit? Kasi, ikaw ay hinikayat na mangibang-bansa upang ikaw ay magtrabaho sa kanila (personal service worker ka bilang DH). Tapos, sa halip na ikaw ay sa kanila lang manilbihan, ikaw ay pinagkaka-kitaan pa nila. Ang sahod mo para sa trabaho mo sa amo mo ay dapat iba sa sahod mo bilang empleyado nila sa kanilang side business na pagpo-provide ng domestic helper services para sa iba. Kung wala kang karapatan na tumanggi sa gusto ng amo mo, ito ay indentured or bonded slavery.

Sa ilalim din ng Labor code of the Philippines, ang gawaing ito ay labag sa mga karapatan ng Migrant Workers. Ikaw ay ipinadala sa Saudi sa bisa ng isang employment contract bilang isang domestic helper, at nakasaad sa iyong contract na sa amo mo lang ikaw maninilbihan. Wala kang pinirmahan na contrata na nagsasabing ikaw ay puedeng manilbihan a iba at ikaw ay pagkakakitaan pa ng iyong amo.

Sa ilalim ng humanitarian considerations, dahil sa ikaw ay kamuntik nang ma-rape noong ikaw ay pagtrabahuhin sa ibang amo, dapat ay itigil na ng amo mo ito sa iyo.

Ano ang puede mong gawin? Nasa sa iyo ito.

Ano ba ang layunin mo? Nais mo nang umalis sa Saudi, gusto mo nang umuwi sa Pilipinas? Nais mong ma-alis sa iyong amo at sa ibang amo na lamang? Ano ba ang gusto mo? Nais mo lamang bang maseguro na ikaw ay mababayaran ng danyos?

Una, puede kang maghabla sa embahada ng Pilipinas. Puede ka ring humingi ng tulong sa mga NGO katulad ng Migrante International. May chapter yata sila sa Saudi.

Pangalawa, puede ka ring maghabla laban sa amo mo sa Saudi Department of Labor or Labor Agency. Kasi, may mga prohibited practices sila at ang mga binanggit mo ay marahil sasailalim sa mga prohibited practices nila.

Pangatlo, kung ikaw ay hindi na makatiis, may ipon ka namang pera, at mayroon kang sapat na pamasahe pauwi, puede kang umuwi. Pag dating mo sa Pilipinas, puede mong ihabla ang agency na nag-deploy sa iyo sa Saudi. Sila ang magbabayad sa iyo ng danyos.

Kung ako sa iyo, makipag-usap ka muna sa embassy. Alamin mo muna kung ano ang mga options mo. Kung makakapag-habla ka laban sa amo mo sa pulis sa saudi, mas mabuti. Tapos, iyong mga papeles ng habla mo, kumuha ka ng kopya. Sa embahada, ipa-translate mo ang mga nilalaman nito. Tapos, pag-uwi mo sa Pilipinas, ito ang iyong puedeng maging ebidensiya.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.