No DAR clearance

Grenadex Bullet
is a nurse in United States

May nabili po kaming agri lot. napatitulohan namin sa illegal na paraan. first time namin makabili ng bukid akala namin walang pinagkaiba sa lupa dito sa maynila. medyo may naiba pala. kailangan pala ng DAR clearance. pagkabili namin kasi umalis na din agad yung seller. hindi man lang nabanggit na kailangan pa pala ng DAR clearance. emancipated lot yata iyon tapos nabili nya pero legal ang pagkakatitulo nya dahil nagkapirmaahan sila sa DAR ng unang may ari. pero sa pagitan namin dalawa ay walang dar clearance na napirmahan. sabi samin sa DAR, kung hindi namin madadala doon ang seller o kahit SPA man lang nya paara pumirma ay walang clearance at lalong walang titulong maibibigay samin kahit meron kaming deed of sale. nagpunta kami saa ibaang branch mg DAR baka sakaling maiba ang hinging requirements. pero sabi sa MARO na daw kami makipag usap. Doon sa MARO naganap ang under the table. mataagal na daw hindi nag rerelease ng DAR clearance. kung meron man daw makapag produce non obig sabihin ay peke dahil sya daw ang pumipirma doon. hiningi nya ang kopya ngga papeles namin . dinala daw nya sa RD para ipacompute. 20k ang hiningi nya samin. Nagbigay kami at after 1week may titulo na kami. Dinala namin sa RD ang titulo para iverify. legit naman daw. Ano ho ang pwedeng mangyari at Paano po ba namin maitatama iyon?

 

salamat po


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
You need a lawyer. Kasi po, kailangan ay sulatan ang nagbenta a inyo at siya ay pilitin ninyong lumagda sa isang SPA para maka-kuha kayo ng DAR clearance. Ang pag-kuha po kasi ng DAR clearance ay isang warranty noong nagbenta sa inyo.

Alam naman niya iyon na kakailanganin ninyo iyon. So, since now kailangan na ninyo, paki-usapan ninyo siya muna, kung puede, bayaran na lamang ninyo siya sa abala, at nang matapos na ang lahat.

Komunsulta kayo sa isang abogado. Kasi, kung mayroon nang dating DAR clearance ang bentahan noong, kayo ay pangalawang salin na, baka covered na ito ng dating DAR clearance. Hindi po kasi ako nagpapa-practice ng ganitong mga usapin. So, it is best to go to the DAR itself.
Grenadex Bullet
is a nurse in United States
HI. Attorney. Nakalimutan ko pong ilagay sa unang post ko na yung lupang nabili namin na walang DAR clearance ay meron palang mga nakatayong bahay.

Ganto po kasi history non. Yung pinakaunang may-ari ay ubod ng bait. Kapag may kakilala na nanghingi ng kapirasong lupa ay binibigyan agad. Kung hindi ako nagkakamali, taatlong pamilya ang malaya niyang pinatira sa lupang kailan ko lang nabili. Kung may 20-30years na ssiguro sila doon nakikitayo sa lupang hindi kanila.

Yung unang nakabili sa lupa na iyon mayroon dar clearance pero ang naging problema nya doon ay ang mga nakatira sa lupa. May "RIGHT" daw sila kasi "pinatira" sila doon ng unang may ari. Wala naman kahit anong kasulatan. Matagal narin patay yung nagbigay ng pwesto nila. Hindi rin naman sila nakihati sa pag bayad ng tax.

Pinaalis sila doon pero sila pa ang kinanpihan ng barangay dahil sila ang botante. Ang ginawa ng nakabili ay binenta naman sa amin.

Nagkabayaran na at nagkapirmahan. Umalis na ang seller saka namin nalaman na sakop pala ng titulo namin yung mga bahay. Naglalakihan at nag gagandahang mga bahay. Hindi iisiping wala palang sariling titulo.

Ang gusto ng mga may bahay doon, "hiramin" ang titulo namin para magpatitulo sila ng sarili nila. Hiram ang ginamit na salita at hindi "bilhin" ang pwesto nila.

May laban po ba ako kahit na wala akong DAR?

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.