38 years na magkasama at senior citizen na, kaya gusto ikasal, pero hindi pa annulled sa dating asawa

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ang magulang ko po ay 38 years na nagsama pero di pa sila kasal, sa kadahilanan na kasal ang ama namin noon pero wala naging anak sa asawa nia noon, sa kadahilanan nag abroad ung dati ng niyang asawa at di na umuwi ss kanya. Nakita nalang niya umuwi ng pinas buntis na ito at may ibang asawa na ibang lahi. At dahil tumanda na ang tatay namin kakahintay sa kanya pero niloko po xa, naisipan naman nia na mag asawa nalang din at yun ang nanay namin. Kasal narin ung babae don sa ibang bansa. Nakiusap ang tatay namin noon na e annul nila ang kasal pero di pumayag ang babae. Ngaun po matanda na ung magulang namin senior citizen napo sila pero gusto ng nanay namin maging legal sila. Ano po ang gagawin namin na mawalan ng bisa ang kasal ng dating asawa ng tatay? Para naman po matupad ang hiling ng nanay namin na makasal sila kahit matanda na sila? Sana matulungan nio po ako,salamag po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hindi kita masagot. Una, dapat siguro, tignan muna ninyo kung may rehistrado ngang kasal ang inyong tatay. kasi, baka naman hindi rehistrado ang una niyang kasal, eh, di, wala na siyang problema.

Pangalawa, binanggit ninyong nakapag-asawa na ang dati niyang asawa. At siya'y nakapag-asawa sa ibang bansa at sa isang lalaking iba ang lahi. Marahil ay nag-file ng divorce ang babae laban sa tatay mo sa ibang bansa. Kung makaka-kuha kayo ng kopya noong divorce decree, puede ninyong gamiting ang divorce decree at ito ay ipa-rehistro sa PSA para maipakita na wala nang bisa ang dating kasal ng tatay ninyo.

Sa dalawang scenario na ito, puede pang magpakasal ang inyong ama sa inyong ina. Kung naman rehistrado ang kasal nila at hindi siya diniborsiyo noong una niyang asawa, sa ilalim ng batas ay kasal sila. So, hindi puedeng maikasal ang mga magulang mo kung kasal na pala sa una ang tatay mo.

Dapat munang ipa-annul ang kasal ng tatay mo sa una. Humanap kayo ng abogado na pinaka-malapit sa inyo at kayo'y komunsulta sa kanya.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.