May lupa pong nabili yung father ko noong binata pa siya at ipinangalan niya sa lolo ko yung deed of sale. Nung nagkapamilya na yung father ko at nagka anak, nagpagawa siya ng bagong deed of sale which is sa aming mga anak niya ipinangalan, notaryado po ito.
Ngayon po, namatay na yung father ko at ganon din yung lolo ko. Ngayon nag aagawan kami sa lupa ng mga tito ko. Alin po ba ang may karapatan? Kami po ba na nakapangalan sa bangong deed of sale at nagbabayad ng buwis ng mahigit 10 taon? Or sila, na ang pinanghahawakan ay yung lumang deed of sale na nakapangalan sa lolo ko? Sana po ay matugunan ninyo itong katanungan ko. Maraming salamat.