Paano i-check ang data usage sa cellphone?

Steph Liora
is a Student in the Philippines

Ang pagch-check ng data usage sa cellphone ay pwedeng ma-iba depende sa uri ng cellphone o operating system na ginagamit mo. Mayroon ditong halimbawa para sa mga android at IOS:
 
Para sa Android:
1.      Pumunta sa app na "Settings" ng iyong cellphone.
2.      Hanapin at piliin ang "Network & Internet", “Mobile Network” o sa iba naman ay "Connections" na section.
3.      Piliin mo ang "Data usage" o "Data usage and billing" (kung available).
4.      Dito mo makikita ang breakdown ng data usage galing sa mga apps at services na ginamit mo.
 
Para sa iOS o iPhone:
1.      Pumunta sa app na "Settings" ng iyong iPhone.
2.      Hanapin at piliin mo ang "Cellular" o "Mobile Data" section.
3.      Ibaba mo at makikita mo ang mga apps na nagamit ng data at ang kanilang mga katumbas na data consumptions.
 
Pwede ring magkaroon ng iba't ibang options o labels para sa data usage depende sa bersyon ng mga operating systems. Mahalaga rin na alamin ang data cycle o billing period ng iyong plan upang masuri nang tama ang iyong data consumption. Sa pamamagitan ng pag-check ng data usage, makakatulong kang mag-maintain ng tamang paggamit ng mobile data.

About the author

Steph Liora

Profession: Student
Philippines
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)