Paano po ang process if yung mag dodonate ng property ay naninirahan sa USA at may sakahan(merong mother title), lupa at bahay siya(lupa at bahay ay walang mother title) sa Pilipinas. Ang property na ito ay galing sa pinaghatihatian property nung magulang nila pagkatapos mamatay nung kanilang magulang. Ang buhay na lamang sa magkakapatid ay ang lola namin sa USA(kapatid ng lola namin sa side ni mama) at lalakeng kapatid nila.
Ngayon yung lalaking kapatid ni Lola(USA) at mga anak nito ay nagpakita ng interes sa property niya dahil lahat ng ari arian nung kapatid ni lola na lalake ay naisangla na nilang lahat.
Si lola na nasa USA ay nag iwan ng last will and testament na nag sasabing ang lahat ng kanyang ari arian ay mapupunta sa aking mga magulang. Ngayon nagalit ang mga anak ng kapatid na lalake ni lola, dahil sila raw ang may karapatan sa property ni lola.
Ngayon yung lola namin sa USA ay may bahay(walang nakatira) at lupa, bigla itong tinirahan nung anak nung kapatid niyang lalake na may deperensya sa pagiisip. Sila naman ay nakiusap muna sa magulang ko na patirahin muna pansamantala. Ngayon ang usapan ay yung anak lang nila ang titira at pag may tumira na iba ay pwede namin itong paalisin. Pahkatapos ng ilang buwan, napansin namin gabi gabi ay may pumupunta sa bahay ni lola na hindi namin kilala. Minsan pa ay nawalan ng kambing, manok at pati aso namin. And hinala namin ay nag dodroga ito, base na rin sa pagkakakilala namin dito.
Kinausap namin ang kapatid na lalake ni lola, at doon nalaman namin na may interes sila sa lupa ni lola. Sinabi nila na diba kami ang may parapatan sa lupa pag namatay na ang lola namin sa USA. Ang sabi naman ng mga magulang ko, meron iniwan na last will si lola na nag sasabi na sa mga magulang ko mapupunta ang lupa. Ngayon ang sabi nila, hindi nila kayang mapaalis ang anak nila sa bahay. Kami na raw ang bahala.
Nalaman ito ni lola sa USA at nagalit. Ngayon gusto niyang paalisin ito, ngunit ang sabi ay kailangan namin ng power of attorney kung kami ang magpapaalis.
And sabi ni lola sa USA, idodonate nalang niya ang kanyang ari arian sa pamamagitan ng donation inter vivos para walang habol ang kanyang kapatid na lalake at mga anak nito habbang siya ay buhay pa.
Paano namin sisimulan at paano ang process ng donation inter vivos kung ang lola namin ay nasa USA? Ano pa ang pwede naming gawin para mapaalis ang anak nung kapatid ni lola na naninirahan sa bahay niya?
Paano iprocess ang donation inter vivos?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.
Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.
If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.