Paano ko maiiwasan ang stress at lagi nag iisip ng hindi maganda sa boyfriend ko feeling ko may binabalak siyang hindi maganda?
Kapag pakiramdam mo ay napa-paranoid ka o walang tiwala sa isang relasyon, marahil ay maraming kadahilanan ang ugat nito. Kaya't mahalaga na intindihin mo kung saan nanggagaling ang mga pakiramdam na ito. Importante na ilatag mo ang mga pagdududa sa iyong isip at isulat ito sa papel. Sa pamamagitan nito, kapag nabasa mo ulit ang iyong isinulat, makikita mo kung may katuwiran ba iyong mga hinala, dahil parang binabasa mo rin ang iyong isinulat sa ibang perspektibo.
Kung selos o pangangaliwa naman ang paguusapan, kailangan mo rin kausapain ang iyong partner tungkol sa iyong mga hinala at pagdududa. Kung hindi madaling sisihin ang iyong partner o maghinala na may niloloko ka niya. Hindi lamang ito nakakasira ng iyong relasyon at nakakabawas ng tiwala ang iyong partner sa kanyang sarili, kundi maaari rin isipin ng iyong partner na wala na siyang magagawa upang mapasiyahan ka.
Ang pagmamahal sa isang tao ay hindi nangangahulugan na siya ay iyong pagaari. Mahalaga rin na alamin ang pangangailangan ng iyong partner. Sa isang relasyon kailangan ng bawat isa ng oras para sa sarili, sa kanya-kanyang kaibigan at trabaho, at siyempre oras para sa isa't isa. Kapag linilimitahan natin ang isang tao sa kanyang kalayaan upang makapag desisyon ng sarili, hindi magtatagal ay maaaring maramdaman ng partner na tila ba siyang nasasakal.