Paano Maibalik ang Atay sa dati? Panlusaw ng Taba o Fatty Liver Disease

Medical Team
is a Medical expert in United States

Tinatayang mahigit 18 million ng Pilipino ang may fatty liver disease. Kaya’t kelangan agapan agad.
Kapag umabot sa mahigit 5% ng iyong atay ay taba, dapat maalarma. Pero maaaring maibalik pa naman sa dati ang atay kapag may fatty liver disease. Ngunit kapag pinabayaan at sumobra na ang pinsala sa atay, maaari ito maging cirrhosis, o pangangapal ng atay, na mahirap na gamutin.
 
Base sa saliksik ng siyensiya, eto ang mga napatunayang mabisang paraan para makatulong malusaw o mabawasan ang taba sa atay:
1.     Turmeric – May sangkap na curcumin ang luyang dilaw na nakakatulong mapabuti ang pagandar ng atay. May pagaaral na nagpapatunay na nakakatulong ang paginom ng 2 grams ng turmeric supplement para mabawasan ang pamamaga ng atay sa mga taong may fatty liver disease. Mas siksik ang laman ng supplement capsule ng turmeric, kesa sa mga powder na nabibili. Mura na, mas madali pang inumin.
2.     Omega-3 fatty acid supplements – May mga pagaaral na nagpapatunay na ang paginom ng fish oil supplement o omega-3 fatty acid supplements ay nakakabawas ng taba sa atay o tinatawag na liver steatosis (stii-ya-t’ou-sis).
3.     Tamang pagkain – Base sa pagaaral ng mga eksperto, napakamahalaga ang pagkain ng mga diet na mababa sa taba o mantika. Bagkos kumain ng maraming prutas at gulay. Nakakatulong ang mabawasan ang pamamaga ng atay, at mapabuti ang pagandar ng atay ang ganitong tamang pagkain.
4.     Pagbawas ng timbang – Matagal ng napatunayan na ang isang mabisang paraan para magamot ang fatty liver disease ay sa pagbabawas ng timbang. Dahil nababawasan din ng taba sa atay kapag nababawasan ang iyong timbang.
5.     Ehersisyo – Pinapayuhan din ng mga doktor ang madalas na pageehersisyo para mabawasan ang pamamaga ng atay. Nakakabawas din ito ng kolesterol sa katawan at pinapalakas ang resistensya ng katawan.
6.     Para naman sa mga may alcohoholic fatty liver disease o AFLD, napakamahalagang hakbang para nanumbalik ang dating anyo ng atay ang paghinto sa paginom ng alak. Nakakatulong ito para maghilom ang atay.
Babala: Ang mga nabanggit ay pawang gabay lamang. Mahalagang magpatingin muna sa doktor, bago uminom ng anumang gamot.
 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.